“Sandro? Amore, bakit gising ka pa?” pupungas-pungas na bungad ni Valentina kay Alessandro nang maalimpungatan ito at maisipang mag-banyo. Ikapitong buwan na ng pagbubuntis nito kaya naman kaagad siyang napatayo mula sa kanyang study desk upang alalayan ito. Ngumiti naman ang kanyang asawa at kinuha ang kanyang kamay. “Oh, my love… as gentleman as ever.”
Mahina namang tumawa si Alessandro at dinala ang kanyang asawa sa banyo upang alalayan ito na makaihi. Nakakapit pa ito sa sutla niyang pantulog habang hihikab-hikab sa inidoro. Nang matapos ito ay muli niya itong inalalayan pabalik sa kanilang silid. Naupo ito sa isa sa mga malalambot na Cleopatra couch sa loob ng kanilang silid at pinanood siyang bumalik sa kanyang ginagawa.
“Hindi ka pa ba matutulog, hmm?”
Umiling lang siya. Saglit niya itong nilingon at matamis na nginitian. “May tinitingnan pa ako, amore… Matulog ka na at nang makapagpahinga na rin ang kambal natin.”
Sumimangot ito. “Hindi ako makakatulog nang wala ka sa tabi ko…” Wala nang nagawa si Alessandro nang maupo sa kandungan niya si Valentina at nakitingin na rin sa kanyang ginagawa. Nagpakawala ito ng malalim na buntong-hininga bago siya sinulyapan, may bakas ng pag-aalala sa mga mata nito. “Are you researching for Belladonna again? Amore, gabi na… Kailangan mo rin magpahinga. May bukas pa naman. Isa pa, tinutulungan ka ni Feng, ‘di ba? Ilang gabi ka nang nagpupuyat… Paano natin masusundan ang kambal natin kung magkakasakit ka?”
Alessandro sighed and ruffled his hair. He chuckled as he held her tighter. “Oh, amore…How can I even say no to you?”
Tumawa lang ang kanyang asawa at inirapan siya. Saglit itong natahimik ngunit mayamaya ay nagsalita itong muli. “Alam kong gusto mong mabawi si Alonzo, Sandro. Believe me, I know how much you love your brother… But you have to think about yourself too… May pamilya ka na. Hindi ka pa masyadong nakaka-recover simula no’ng nangyari ‘yon. Huwag mong sagarin sarili mo, amore.”
Masuyo niyang hinaplos ang pisngi nito at mariing hinagkan sa labi. “Sorry for making you worry…”
Iningusan siya nito. “Well, now I’m intrigued about your work. May I read it?”
Tumawa siya. “I’ll just summarize it for you, amore.” Tumikhim siya at inumpisahang tingnan ang mga dokumento na nasa personal computer niya. “Belladonna believed that my brother killed her father, but… I don’t think it was Alonzo, Val… Because Alonzo was—”
Teresa
Napabalikwas ng bangon si Teresa nang maramdaman ang pagtama ng sinag ng araw sa kanyang mukha. Akmang babangon siya ngunit kaagad siyang napangiwi at bumagsak sa kama nang maramdaman ang pagkirot ng kanyang paa. Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga. Sinapo ang kanyang ulo. Oo nga pala, may pilay ako dahil sa kagagahan ko…
“Ah, Sir…” bulalas niya nang mapatingin sa sofa na nasa loob ng maid quarters. Hindi ito umimik ngunit tila doon natulog ang lalaki. Nakahalukipkip ito. Nakatungo ang ulo at nakapikit.
Halatang hindi komportable ang lalaki sa puwesto nito.
Nakaramdam ng guilt ang dalaga. Siya dapat ang nag-aalaga sa kanyang amo, hindi ito. Kung hindi ba naman kasi siya clumsy, hindi sana siya madidisgrasya at mapipilayan. Nahiga siyang muli ngunit nang mapatingin sa lalaki ay hindi niya na napigilan ang pag-uusig ng kanyang konsensiya. Maingat na tumayo ang dalaga at marahang ipinatong sa lalaki ang kumot na kanyang gamit. Paika-ika na naglakad siya palabas ng silid upang tingnan kung ano ang maaari niyang lutuin. Kakapamili niya pa lang noong isang araw at maliban doon ay palaging may naghahatid ng premium na karne mula sa farm ng mga Echiverri, isang prominenteng pamilya sa San Esteban. Isa pa, kahit naman may pilay siya, kaya niya pa ring gumalaw. Natitiis niya nga ang lagnat at trangkaso, simpleng problema lang kaya sa paa, ikababahala niya?
Ayaw niyang… maging pabigat o kargo de konsensiya ng lalaki.
Naglabas siya ng gulay na pansahog sa kare-kare pati na rin ang peanut butter na nasa refrigerator at ang baka na nasa freezer nang makarinig siya ng mga yabag na nanggagaling mula sa maid quarters. Hindi na iyon pinansin pa ng dalaga at dali-dali nang inayos ang kanyang lulutuin nang bahagya siyang mapapitlag nang marinig ang baritonong tinig ng kanyang amo.
“Bakit ka nagluluto? Didn’t I tell you to rest, Esay?” striktong sabi ni Alonzo bago ginulo ang buhok nito. “Hindi pa magaling ang paa mo, for your information.”
Napakamot ng ulo si Teresa bago nag-umpisang maghiwa ng gulay na kanyang gagamitin. “E, Sir, hindi naman ako bisita rito. Empleyado niyo ‘ko, dapat kumilos pa rin ako.”
Mahinang natawa si Alonzo na ikinapitlag ng kanyang puso. Marahan itong naglakad papalapit sa kanya upang kuhanin ang kutsilyo sa kanyang kamay at pausugin siya nang kaunti. Ito na ang naghiwa ng gulay na kanyang inilagay sa chopping board habang laglag ang kanyang panga na nanonood sa ginagawa ng lalaki.”What are you still doing, standing there like a statue? Take a seat. Ako na ang magluluto, sabihin mo na lang sa ‘kin kung paano lutuin.”
Kaagad na napasunod si Teresa sa sinabi ng lalaki, dala na rin siguro ng awtoridad sa tinig nito. Napalunok ang dalaga habang pinapanood niya ang lalaki na hiwain ang mga gulay na nasa chopping board, walang imik. ‘Ni hindi man lang nangimi sa paghawak ng mga iyon ang lalaki. Hindi niya inaasahan ang inaakto nito. Bakit naman ito nag-aalala nang todo, e napilayan lang naman siya? Hindi naman iyon malala at malayo sa bituka. Kahit papaano nakakakilos pa rin naman siya.
At magsisinungaling siya kung sasabihin niya na hindi siya napapaipit ng hita habang pinapanood ang pag-igting ng mga ugat nito sa kamay at leeg habang naghihiwa.
“Matutunaw ako nyan, Ms. Rufin.”
Napalunok si Teresa. Napatikhim. “A, medyo naninibago lang, Sir.”
Napataas ang kilay nito. “Bakit, ngayon ka lang ba nakakita ng ganito kaguwapo na naghihiwa ng gulay at rekado?”
Umangat ang gilid ng mga labi ng dalaga. “Nagbibiro ka pala, SIr…”
Alonzo shrugged. “Just trying to lighten up the mood. But that doesn’t mean that I’m letting you off the hook if ever you try to do something funny, Ms. Rufin.”
“Huwag kang mag-alala, Sir, hindi naman ako magbabalak ng masama,” saad ni Teresa. Malungkot siyang ngumiti. “Wala naman na akong mapupuntahan, pati ba naman kayo e lolokohin ko pa?”
Saglit itong natahimik. Bahagyang nabahiran ng konsensiya ang mga mata ni Alonzo. Mayamaya pa ay nagsalita nang muli ang lalaki. “Sorry for those loan sharks trying to chase you, Ms. Rufin. They’re my men. Or rather, used to be my men. My brother manages them now. Do you know Alessandro Romano?”
Mahinang natawa si Teresa bago inilagay sa plato ang mga gulay na nahiwa na ng lalaki. “Sir, sino ba naman po ang hindi makakailala sa inyong magkapatid? E takbuhan kayo ng mga sugarol na kailangan ng pera.”
Napahalakhak ang lalaki. “True, true…”
Muli ay napuno ng nakabibinging katahimikan ang silid. Ang tanging ingay lang na kanyang naririnig ay ang madalang at mahinang pagtama ng hawak nitong kutsilyo sa chopping board.
At ang malakas na t***k ng kanyang pusong tila ba nagririgodon sa tuwing napapasulyap sa lalaki niyang amo.
“Sir—” “Esay—”
Pareho silang nagkatinginan. Ngumiti ang dalaga at nahihiyang tumungo. “Sige, Sir, ikaw na ang maunang magsalita.”
Tipid itong ngumiti at muling tumingin sa hinihiwa nito. “Look, I know we started off on the wrong footing. I’m sorry for that, I really am… I’m just… trying to protect Thalia. Halata naman kung gaano ko kamahal ang asawa ko kaya sana ay maintindihan mo kung bakit minsan paranoid ako… I just can’t help it…”
Ang kaninang malakas na kabog ng kanyang puso ay napalitan ng kirot nang marinig ang mga katagang iyon. Alam niyang mali na unti-unti siyang mahulog sa amo niyang may asawa na, ngunit bakit hindi mapigilan ni Teresa ang kanyang sarili? Kung siya ang asawa nito, hindi niya ito hahayaan na mag-isa. Na may kasamang babae. Na… nasasaktan.
Ngunit sa kabila ng ilang daang salita na nais niyang sabihin, ang tanging lumabas lang sa mga labi ni Esay noong mga sandaling iyon ay, “huwag kang mag-alala, Sir. Naiintindihan ko naman.”
Ngumiti ito. “You know, I’ve noticed that Thalia’s growing fond of you. Ayaw ko naman na maging dahilan ka ng pag-aaway namin kaya naman nakikipag-ayos ako ngayon. Kung may kailangan ka, Esay, magsabi ka lang sa ‘kin. I’ll do it on behalf of my wife.”
Minsan, napakapait ng laro ng tadhana. Sino ba namang mag-aakala na mag-uumpisa siyang mahulog sa kanyang lalaking amo? Ang masama pa, isa itong pamilyadong tao. Ayaw niyang manira ng relasyon at mas lalong ayaw niyang masaktan o maiwang mag-isa sa huli. Nais ni Teresa na pairalin ang utak niya noong mga sandaling iyon. Sa kabila ng pagproprotesta ng kanyang hunghang na puso, pinilit niyang pairalin ang kanyang isipan.
“Salamat, Sir Alonzo…”