XII

1193 Words
Unang araw iyon na wala ng Ma’am Thalia niya sa mansiyon nito sa San Esteban. Ngunit ganoon pa man, maagang gumising si Teresa upang maghanda ng agahan at maglinis ng buong kabahayan. Hindi naman ganoon kabigat ang kanyang trabaho dahil may sariling labandera at cook ang mansiyon, maliban sa tatlong cleaning lady na dumadaan tuwing Miyerkules, Biyernes, at Sabado. Ang mga tauhan ng kanyang Ma’am Thalia ay nasa kabilang compound, at bihira lang tumambay ang mga iyon sa mansiyon. Ang guwardiya ay nasa may gate pa, na may kalayuan din mula sa mismong kabahayan. Ngunit kahit na ganoon, nagsisipag pa rin ang dalaga sa kanyang trabaho. Nakakahiya kasi kay Sir Alonzo niya kung pepetiks-petiks lang siya dahil na rin wala siyang masyadong trabaho. Pagkatapos maitali ang kanyang buhok at maiayos ang suot na uniporme ay kaagad na lumabas si Teresa mula sa living quarters. “Ay, kabayong mola! Diyos ko, sir! Ginulat niyo naman ako,” bulalas niya nang pagbukas niya ng pinto ng kanyang silid ay ang mukha ni Alonzo Romano ang bumungad sa kanya. Pawisan ito at walang pang-itaas, may nakasabit pang tuwalya sa balikat nito. Mukhang kakatapos lang nito mag-ehersisyo. At magsisinungaling si Teresa kung sasabihin niya na hindi siya natutuksong mapatingin sa matipunong katawan ng kanyang kuwarenta anyos na amo. Tumaas ang kilay nito habang nagpipigil ng tawa. “Kabayong mola?” Tumikhim ito. “Anyway, please cook some breakfast. I’m starving.” “Opo,” mahinang saad niya bago nakayukong nilampasan ang lalaki. Ramdam ni Teresa ang pagragasa ng dugo patungo sa kanyang pisngi at tainga habang naglalakad patungo sa malaking kusina ng mansiyon. Ramdam niya pa rin ang mainit na titig ng lalaki at hindi niya maiiwasan ito ngayon. Sila lang ang tao sa mansiyon. At… hindi niya alam kung bakit nakakaramdam siya ng init sa katawan habang iniisip iyon. Pilit na iwinaksi ni Teresa ang kakaibang kaisipang nabuo sa kanyang utak at ipinagpatuloy ang pagluluto. Kabisado na niya ang paboritong pagkain ng kanyang amo, at iyon ay ang tocino, itlog, at sinangag combo na dapat palaging may kasamang papaya at kapeng barako. Ang kanyang Ma’am Thalia naman ay mahilig sa matamis kaya madalas itong magpaluto ng pancake na may chocolate o maple syrup. Madalas niya pa ngang panoorin ang mag-asawa habang nagkakainan ang mga ito. At kitang-kita niya kung gaano kamahal ng lalaki niyang amo ang asawa nito. Kaya naman hindi niya maintindihan ang maiinit na titig na ginagawad nito sa kanya sa tuwing nagku-krus ang kanilang mga landas. Nang mailgay sa plato ang pagkain ng lalaki ay kaagad na dinala iyon ng dalaga sa silid nito, kung saan nito gustong mag-agahan. Kumatok siya, ngunit sa ikatlong ulit na wala pang sumasagot ay napilitan na si Teresa na buksan ang pinto at itulak papasok ang dumbwaiter na tangan niya. "Sir?" tawag niya sa lalaki. "Nandito na po 'yong agahan niyo…" Nang tuluyang makapasok ay narinig niya ang lagaslas ng tubig na galing sa banyo. Siguro ay naliligo ang lalaki kaya mabilis niyang inilagay ang pagkain sa lamesang nasa loob ng silid at akmang lalabas na nang marinig niya ang tinig nito. "Esay?" Napalunok siya bago sumagot. "Ano po 'yon, Sir?" "Pakiabot naman ng tuwalya, naiwan ko sa upuan d'yan sa may gilid." Nanlamig kaagad ang talampakan ng dalaga kasabay ng pag-iinit ng kanyang pisngi nang mapagtanto na walang saplot ang kanyang lalaking amo, at gusto nito na— Esay! Umayos ka nga! sita niya sa sarili habang naglalakad papasok sa malaking banyo ng mag-asawa. Nasa dulong bahagi ng silid ang shower area kung saan sa tingin niya ay naroroon ang lalaki. Pinaalalahanan niya pa ang sarili na mag-ingat dahil madulas ang sahig ngunit tuluyang natulala ang dalaga at nawala sa huwisyo ang dalaga nang maaninag ang kanyang lalaking amo at ang… malaki nitong kargada. "Esay? Asan na ang tuwalya?" may bahid ng pagkainip na tanong nito. "Dalhin mo na rito at matutuyo na 'tong tubig sa balat ko." "O-opo, Sir…" Naipikit na lamang ni Teresa ang kanyang mga mata nang maglakad siya papalapit sa shower area. Narinig niya ang kaluskos ng pagbukas ng pinto ng shower area. Kaagad niyang inilapit ang kanyang kamay na may hawak na tuwalya ngunit lalong nakaramdam ng pagkagitla ang dalaga nang bahagyang dumaplis iyon sa ano ng kanyang amo. "A—" "Sorry, Sir—" "Huwag kang mag-sorry," saad ni Alonzo na tila may paghihirap sa tinig. "Damn it," bulong nito bago hinablot ang tuwalya sa kanyang kamay. "Lalabas na po ako," maagap niyang saad bago tumalikod upang sana ay lisanin ang silid ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay dumupilas ang kanyang paa at bahagyang tumama ang kanyang ulo sa inidoro. Napangiwi sa sakit si Teresa. Ramdam niya ang pagkalinsad ng kanyang paa at ang sakit ng kanyang ulo. "Esay!" tarantang saad ni Alonzo bago ito lumapit sa kanya. "Madre dio! Bakit ba kasi hindi ka nag-iingat?" Nang ibuka niya ang kanyang mga mata ay buhat na siya ng lalaki. Kaagad siya nitong inilabas mula sa banyo at dinala sa kama nito bago humahangos na binuksan ang isang cabinet upang kuhanin ang first-aid kit nito. Habang nakatalikod ang lalaki ay napuna niya ang malalaking marka ng sunog sa likod at batok nito, na bahagyang tumakip sa malaking letrang R na naka-tattoo sa parte ng kanang leeg ng lalaki. Nakatapis lang ito ng tuwalya at ng humarap itong muli sa kanya ay kaagad na iniiwas ng dalaga ang kanyang mga mata at akmang tatayo. "Okay lang ako, Sir… hindi naman malala—" Mahina siyang napamura nang muli siyang bumagsak sa sahig, ngiwing-aso dahil na rin sa sakit na naramdaman sa kanyang paa. Na-sprain siya, tiyak iyon. Ngunit hindi yata kakayanin ng puso niya lalo kung mananatili pa siya sa loob ng isang silid kasama ang kanyang amo na tapis lang ang suot. Naglabas ng ice pack ang lalaki mula sa mini fridge ng silid at iniabot sa kanya. "Lagay mo 'yan sa paa mo, para hindi magpasa." "Salamat, Sir…" mahinang sabi niya bago iyon tinanggap at ipinatong sa kanyang paa. Tumayo naman ito at hinablot ang boxers na nasa ibabaw ng drawer nito at pumasok sa loob ng banyo upang magbihis. Hindi na gumalaw pa si Teresa. Takot niya lang na magalit si King Kong. Nagpakawala na lang siya ng malalim na buntong-hininga habang nakatulala sa kanyang paa. Masakit iyon at paniguradong hindi siya makakagalaw sa loob ng ilang linggo. Ipinikit ng dalaga ang kanyang mga mata. Hindi niya maalis sa kanyang isipan ang pigura ng kanyang amo. Ang panga nito na nalalatagan ng bahagyang papatubo pa lamang na balbas, pati na rin ang kulay abo nitong mga mata. Ang diamond earring nitong nakakabit sa kaliwang tainga nito. Ang— "Are you alright?" Napadilat siya nang marinig ang tinig ng lalaki. Nakasuot na ito ng boxers ngunit namumukol pa rin ang gitna niyon. Ngumiwi lang si Teresa. "Masakit pa, Sir. Pero kaya ko naman na sigurong gumalaw mamaya—" "No, you'll be resting," mariin nitong sabi. "Thalia asked me to take care of you as your employer. Responsibilidad kita." Hindi maintindihan ng dalaga kung bakit nakaramdam siya ng kilig nang marinig mula sa lalaki na responsibilidad siya nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD