XI

1295 Words
Maagang ginising si Teresa ng kanyang mga amo noong araw na iyon. Aalis kasi bandang tanghali si Ma’am Thalia niya at kailangan nito ng katulong sa pag-aasikaso sa mga gamit nito at pagluluto na rin dahil may sakit ang cook, halos isang linggo na. Luluwas daw ito sa X at mukhang matagal-tagal din itong mawawala. Kaya naman kahit na hindi pa tirik ang araw ay gising na ang dalaga at nag-uumpisa nang mag-asikaso. Hindi mapigilan mapatanong ni Teresa sa sarili kung bakit parang hindi palaging isinasama ng kanyang among babae ang asawa nitong si Alonzo Romano. Kung lumabas man ng mansiyon ang lalaki ay balot na balot ito at nakatago ang mukha. Samantalang ang kanyang among babae naman ay halos linggo-linggong umaalis. Hindi naman sa nanghihimasok siya o kung ano, ngunit sadyang hindi niya lang mapigilang mapatanong sa kakaibang setup ng mag-asawa. Naghihikab pa ang kanyang Sir Alonzo nang bumaba ito at inutusan siyang magtimpla ng kape. Tulog pa raw ang kanyang Ma’am Thalia ngunit strikto nitong sinabi na kailangan niya nang magmadali sa pagluluto upang matulungan niya ang asawa nito na ayusin ang mga gamit na dadalhin. Hindi mapigilan ng dalaga ang kabang nararamdaman sa kanyang dibdib nang tumambay pa ito sa kusina habang tahimik na umiinom ng kape at nagbabasa ng dyaryo. Simula kasi noong araw na nakabalik sila nang magkasama mula sa plaza ay hindi niya na mapigilang makaramdam ng hiya kapag malapit sa lalaki. Muntik niya na itong halikan! At ang malala pa, muntik na nitong tugunin ang kanyang mga labi… Bahagya siyang napapitlag nang maramdaman niya ang marahang pagdampi ng balat nito sa kanang braso. Inilapag ng lalaki ang ginamit na mug sa lababo bago siya tinapunan ng tingin. Tumikhim ito at pinakita ang dyaryo na hawak. “I’ll be taking this. Kung gusto mong basahin, kunin mo na lang sa may salas.” At walang ano-ano, naglakad ito palabas ng silid. Parang nabunutan ng malaking tinik sa lalamunan si Teresa nang lumabas ang lalaki sa silid. Hindi niya lang talaga magawang makapagpokus kapag nasa malapit ang lalaki niyang amo at… Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga bago mabilis na tinapos ang pagluluto ng agahan. May ibinigay nang listahan ang kanyang Ma’am Thalia sa kanya kung ano ang mga damit, gamit, toiletries, at makeup na kailangan niyang ilagay at siguraduhing nasa travelling bag nito kaya naman tumuloy siya sa napakalaking walk-in closet ng mag-asawa at inumpisahang sundin ang nasa listahan. Pahuni-huni pa ang dalaga ng kanyang paboritong tugtugin habang maingat na itinutupi ang mga mamahaling damit ng kanyang amo. Hindi mapigilan ng dalaga na mamangha sa disenyo at itsura ng mga iyon dahil sa buong tanang buhay niya ay hindi pa siya nakakita, lalo nang hindi nakapagsuot, ng ganoon. Inilabas niya ang tatlong malalaking maleta ng kanyang amo na mamahalin ang tatak at maingat na inilagay sa loob niyon ang kanyang mga naitupi nang matigilan siya at mapatingin sa litrato ng mag-asawa na naka-dsiplay sa loob ng silid. Nakasuot ang kanyang amo ng mamahaling puting tuxedo habang si Ma’am Thalia naman niya a nakasuot ng fitted na pulang gown kung saan halos lumuwa na ang malulusog nitong dibdib. May nakabalot pang puting fur scarf sa balikat ng kanyang among babae habang nakayakap naman ang kanyang Sir Alonzo sa beywang nito. Napangiti siya at sandali pang tinitigan ang litrato kaya naman hindi niya namalayan na may tao na pala sa likuran niya. “That was taken during the year-end party we hosted here, way before my husband got into an accident,” basag ng tinig ni Thalia na kanyang ikinapitlag. Ngumiti ito at naglakad papalapit sa kanya habang nakatitig rin ito sa litrato. “Hindi pa kami kasal ni Alonzo n’yan. I was still too young…” Nahihiyang ngumiti si Teresa sa kanyang amo. “Ang ganda niyo po, Ma’am… Parang hindi man lang kayo tumanda.” Tumawa naman si Thalia at nagkibit-balikat. “That’s what you get when you have a healthy s*x life.” Naglakad naman ang kanyang amo papalapit sa mga travelling bag na kanyang inaayos at tiningnan ang mga naayos niya na. Metikulosa si Ma’am Thalia niya kaya naman sinigurado niya na tama at kumpleto ang mga gamit nito. Habang sinisipat nito ang laman ng bag a inaayos niya naman ang makeup kit ng kanyang amo nang muli nitong basagin ang katahimikan. “Esay, can I ask a favor from you?” Napalingon siya sa kanyang amo pagkatapos niyang isara ang makeup kit nito. “Syempre naman po, Ma’am! Ano po ‘yon?” Seryoso ang mukha nito. “Bantayan mo si Alonzo habang wala ako. Lahat ng kokontakin niya, kikitain niya, kakausapin niya, i-report mo sa ‘kin. In return, I’ll give you extra money.” Alessandro “Nakaalis na si Thalia Diaz sa bahay nila sa San Esteban, Mr. Romano. Ano nang balak mo?” “Stand by for now,” mahinahong sabi ni Alessandro habang sinisimsim ang brandy na nasa kanyang baso. Kasalukuyan siyang nakaupo sa loob ng kanyang opisina sa La Traviata sa Paradiso noong mga sandaling iyon, hinihintay si Valentina, ang kanyang asawa. “Kung kakayanin mo at makakahanap ka ng paraan, kuhanin mo ang loob ng kapatid ko.” “Labas na ‘to sa usapan natin, Mr. Romano. Alam mo ba kung gaano kahirap lapitan ang kapatid mo? Not to mention Thalia’s men surrounding him. I don’t want to commit suic*de on this mission, cabron!” Alessandro sighed and massaged his neck. Hindi niya malaman kung ano ba ang dapat niyang gawin sa kausap. Alam niya naman na may usapan sila ngunit kailangan din naman nitong kumilos nang higit pa sa ginagawa nito. After all, she was after some confidential file. At si Alessandro ang naglalabas ng pera para sa misyon nito. Hindi niya makakalimutan noong dumalaw ito sa loob ng kanyang silid sa Saavedra Medical Center habang nagpapagaling siya mula sa mga natamo niyang sugat matapos ang insidenteng iyon. Hinahanap nito ang kanyang kapatid at mas lalong nagulat si Alessandro nang sabihin nito ang dahilan, lalo na ang mga posibilidad na buhay si Alonzo. Sa huli ay inalok niya ito na makipagtrabaho sa kanya. Kailangan nila ang kakayahan ng isa’t isa. “Look, Belladonna. You know that I’ll be making my move here in X and you, there, in San Esteban. We can’t be too choosy with our plan or else Thalia will catch on. Ayaw mo bang malaman ang totoong nangyari sa tatay mo?” Sandali itong natahimik. Pagkatapos ay nagpakawala ito ng malalim na buntong-hininga. “Fine, Mr. Romano. I’ll keep you updated. And also, don’t worry about me hurting your brother. You know too damn well that I don’t kill hastily.” Secret agent. Iyon ang trabaho ni Belladonna nang makilala niya ito. Minsan itong naging parte ng Arnold Intelligence Service ngunit naisipan ng dalaga na umalis sa kumpanya upang malaman ang totoong nangyari sa ama nitong isang secret agent din. Tingin ng dalaga ay ang kapatid niya, si Alonzo, ang pumatay sa tatay nito dahil ito ang huling nakatrabaho ng lalaki bago namatay. At para malaman ang totoo at mahanap ang kanyang kapatid, nakikipagtulungan siya tuloy ngayon sa dalaga upang malutas ang katanungan sa isipan nito. “I’ll try to gather as much information as I can here in X about your father and Leopold Arnold, maliban sa nalalaman ko na. Take care of Alonzo for me, Belladonna.” “Makakaasa ka. Ibababa ko na ‘to, Signore Alessandro.” Nagpakawala na lamang siya ng malalim na buntong-hininga at nahilot ang kanyang sentido. Alam niyang mahirap ngunit may magagawa pa ba siya? Kailangan niyang mabawi ang kanyang kapatid. Sino ba naman ang nakakaalam kung anong klase ng trato ang ginagawa ni Thalia sa kanyang kakambal? Konting tiis na lang, Alonzo. Mababawi ka rin namin ulit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD