LIAM "Ginawa ko ang lahat para baguhin ang sarili ko. Inalam ko ang lahat ng pagkakamali ko upang mapatunayan ko sa ‘yo kung gaano kita kamahal, Elly. I was wrong… I was wrong in everything and I’m sorry for being so dumb to let you experience all of that pain." patuloy ang pagluha ko habang pilit pinapaliwanag sa kaniya ang nararamdaman ko sa mga sandaling ito. "N-nagkamali na ako na hinayaan kitang mawala sa akin ng hindi ka man lang pinapakinggan noon. Nagkamali na ako ngunit hindi ko kayang magkamaling muli kapag tuluyan kitang hinayaan na mawala muli sa buhay ko, Elly.." hindi ko na napigil ang sarili ko at lumapit na sa kaniya para damin ang kaniyang kamay. Gusto kong magmakaawa pa sa kaniya. Kung kailangan kong lumuhod ay gagawin ko, huwag lang siyang makipaghiwalay sa akin ng tul

