JIN Hindi maipaliwanag na pag-aalala ang nararamdaman ko sa mga oras na ito habang naghihintay sa pagbabalik ni Elly. Kanina pa siya umalis para makipagkita at makipag-usap na kay Liam, pero hanggang ngayon ay hindi pa siya bumabalik. It's five o'clock in the afternoon, I can't help but think of things that might have happened when the two of them met. I just hope that they had a good conversation for Elly's desired annulment. Lumipas pa ang ilang minuto nang marinig ko na sa wakas ang pagbukas ng pintuan ng mansyon nila. Bumungad sa akin ang halatang malungkot na si Elly, hindi niya ako binati at dumiretso lamang siya sa hagdan para umakyat. Sa nakita ko pa lang na lungkot sa mukha niya ay alam ko na agad na hindi niya nakuha ang pirma ni Liam para sa annulment papers nila, hindi ko ala

