Kabanata 24

3515 Words

LIAM "Tupe." tawag ko sa atensyon ng kaibigan ko na kasalukuyang nakahiga sa duyan sa loob ng tirahan ko. "Nakita mo ba si Raprap? Nasaan? Nasa kaniya kasi iyong polo na susuotin ko sa party ni Ma'am Mary. Kanina pa ako naghahanap dito sa mga damit ko, wala." dagdag ko pang tanong sa kaniya kaya napabangon siya at binigyan ako ng tingin. "Si Raprap? Ayun, naroon na kila Ma'am Mary. Nag-presinta kanina na tutulong daw sa pag-aayos ng mga lamesa sa handaan. Pag-uwi namin galing talipapa, dumiretso na roon, e." paliwanag niyang sagot kaya napatango na lamang ako at napabuga ng malalim na hininga. Ano na lamang ang susuotin? Kinuha niya sa akin ang polo na iyon kanina dahil ipapa-plantsa niya raw kay Aling Trinidad, nanay niya. Nakahihiya namang pumunta sa kanilang bahay para lamang kuhani

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD