Regalo

5000 Words
"Oh,Xia.. Keira..Andito na Pala kayo,oh ano sa tingin mo ang Lugar namin Keira?kukunin niyo na ba ang piling ng mga saging?" Tanong ng kanilang tiya Rosa. "Opo tiya yun po ang pinunta namin dito."Sagot ni Xia dito. "Sa tingin ko?. hoooh..napa..ka..layo..napakalayo ng Bahay niyo at nakakapagod,Ayoko ng bumalik dito."Umiiling na Sagot ni Keira. "Hahaha, Ganun talaga kailangan kami dito tumira kahit malayo , kami Kasi Ang Taga pangalaga ng lupaing ito."Tinuturo lahat ng lupaing inaalagaan nila. "Kaya pala,pero malayo pa rin po tiya.hehe" paliwanag nito. "Oo na,pero masasanay ka rin,nga Pala di ko pa natataga ang saging eh,maya na Lang kapag naka uwi na ako." Tumalikod agad ito habang hinahanda ang mga ibebentang mga lambanog. "Sama ako tiya." excited na tugon ni Xia. "Ano!! sama ulit?! diba pwedeng magpahinga?pagod pa ako eh." pagmamaktol nito. "Kailangan iha eh, kapag di namin ito mabenta ngayon,eh maiiwan ito ng motor na pagkakargahan papuntang lungsod para ibenta, at saka malayo layo rin Kasi Ang lakaran patungo sa paghahatiran nito Kaya kailangan na ngayon Tayo magsimulang mag lakad..Pero pwede Naman na magpa Iwan ka dito,Ikaw nga lang mag isa, umalis din Kasi Ang tiyo mo may binili sa kanilang ibayo,mamaya pa yun makakauwi."paliwanag ng tiya nila. "Ayoko nga! sama na Lang ako,wala Namang akong Kasama dito."napipilitang pag sang ayon nito. Natatawa Naman Sila sa tinuran ni Keira. At nagsimula na nga Sila sa paglalakad, habang may palihim Naman na sumusunod sa kanila. Dahil sa pagod ay Lagi Naman nahuhuli SI Keira para magpahinga sandali,Nung una hinihintay pa nila si Keira pero pagkailang hinto na niya ay Hindi na nila ito hinintay pa. "Alam mo Keira kapag hihintayin ka pa namin baka makaalis na Ang motor na maghahatid nito,magpahinga ka Muna sandali tapos takbo ka na Lang kapag gusto mong humabol." Wika ni Xia sa pinsan. "psst!..psst!.. Keira." pagtawag nito sa Kanya. palinga-linga Naman SI Keira para malaman kung sino ang sumisitsit sa kanya. "Hoy! Dito sa taas." "Habier?!...Ikaw ba yan?" tawag balik nito,di Kasi niya naulinigan ito. Bigla Naman may tumalon sa kanyang harapan. "Aahh!!" sigaw nito Agad-agad Naman nitong tinakpan ang bibig nito para matigil sa kasisigaw, habang nakatingin sa harapan, para malaman kung narinig ba ng mga kasamahan ni Keira ang sigaw nito. Buti na Lang at nakalayo-layo ang mga ito agad. "Ano ka ba ang ingay mo." saway nito Kay Keira. "hmmm..mmm.." pilit na Sagot ni Keira. "Alam mo bang maririnig ka nila?pag di ka tumigil Dyan?" saway nito. Pinagdilatan Naman agad ni Keira Ang lalaki, dahil Hindi naman Siya makasagot sa tanong nito. "Pasensya na..hehe" paghingi ng paumanhin dito dahil sa nagawa. Agad Naman niyang kinuha ang mga gamay sa bibig ni Keira. "Pwede ba sa susunod wag ka ng Mang gugulat.. ULIT!!..tsaka Anong ginagawa mo dito ha." Inis na sambit nito sa kaharap. "Humihingi na nga ng pasensya diba?..may ibibigay lang Naman ako sayo, madali lang ito." Paliwanag nito. "Ano naman yun, sinusundan mo ba ako ha.." nakapamewang nitong tanong. "Di no, malapit lang ang Bahay namin dito.. tapos.. ano.. Nakita kita kaya, heto ako ngayon." pagsisinungaling nito. "Ganun ba, ano Pala Ang ibibigay mo sa akin?" tanong ulit ni Keira. "Ito oh, napansin ko Kasi na mahilig ka sa mga porselas, kaya ibibigay ko ito sayo, proteksyon na rin para sa masasamang elemento at mga taong gustong manakit sayo.. sana magustuhan mo." Nakangiting litanya ni Habier. Nakangiti Naman SI Keira habang isinusuot ni Habier ang porselas na bigay nito sa kanya. Masaya Siya Kasi maganda ang porselas na iyon, maraming kulay ito at may mga naka disenyo pa na bulaklak, paro-paro at puso. "Ang Ganda Naman nito Habier, maraming salamat." napayakap Naman agad si Keira sa kaibigan niya. Nagulat Naman si Habier sa ginawa ni Keira, pero natutuwa ito sa resulta na kanyang ginawa. "Kung ito man lang ang resulta kung bibigyan kita ng regalo, ay sana matagal ko ng ginawa ito. hahaha.. Anong gusto mong matanggap ulit?" Pagbibirong tugon nito. Agad Naman kumawala SI Keira sa pagkakayakap nito sa kaibigan at agad Naman hinawakan ni Keira Ang porselas na nasa kamay niya. "Tama na ito no.. Ayos na ito sa akin.. ang saya ko nga Kasi Ikaw Ang unang kaibigan ko na nagbigay ng regalo sa akin." nakangiting paliwanag nito. "Wag mo sana yang iwawala, pagka ingatan mo yan at alagaan. Ikaw ay poprotektahan niyan at Aalagaan din pabalik." paliwanag nito. "Oo Naman.. basta galing sayo, pero sasama ka ba? Kasi napag Iwanan na ako eh. Lika na malayo-layo na Kasi Sila." paliwanag nito. Nag aalala na Siya dahil baka Magalit sa kanya ang kanyang tiya. "Sige, Tayo na." paanyaya ni Habier dito. Nakangiti SI Habier hawak Hawak ang kamay ni Keira habang naglalakad Sila, wala lang Naman ito Kay Keira dahil mag kaibigan Naman Sila. "Inosente ka pa nga talaga,aking binibini."Litanya ni Habier sa kanyang isipan, Masaya Siya Kasi magkasalikop ang mga kamay nilang dalawa. "Asan na kaya Sila, baka iniwan na nila Tayo, kanina pa naman Tayo nag uusap dun." pag aalalang sambit ni Keira. "Di yun.. di Naman Tayo natagal na nag usap." nakangiting paalala ni Habier. "Di ba? Ang alam ko parang mag iisang Oras na Tayo kaninang nag uusap." Takang wika nito. "Basta, di nila mahahalata na nawala ka. hehe .. Tara" Aya nito Kay Keira. Nagpatianod na Lang SI Keira habang hawak pa rin nito ang mga kamay. Naabutan Naman nila agad ang mga kasamahan niya kanina. "O, nakapag pahinga ka na ba? nakabalik ka kaagad." Tanong ng kanyang tiya Rosa. Napa isip agad si Keira, Hindi Naman Kasi niya maiwasang mapagod kanina nahihiya Siya dahil dito, tapos bigla-bigla ring sumulpot si Habier. Tumingin agad si Keira Kay Habier at pinandilatan Naman niya ito ng mga mata, di Kasi niya naiintindihan ang mga pangyayari. Ngumisi na lamang si Habier sa kanya at nagkibit balikat. "Tiya may ipapakilala sana ako sayo." Habang nakaharap sa kanyang tiya. "Ito Pala si... asan na yun?" Takang tanong niya habang hinahagilap SI Habier, na kani-kanina lang ay nasa likod niya lamang ito. "Sino ang hinahanap mo?" tanong ng kanyang tiya. "Yung kaibigan ko.. Andito lang Naman Siya kanina, di mo ba Siya napansin?" tugon nito. "Anong Kasama eh wala ka Namang Kasama kanina ah, mag isa ka ngang naglalakad kanina." paliwanag nito "Oo nga Keira, Ano ba yang pinagsasabi mo?" tanong ni Xia. Nalilito Naman SI Keira ay palinga- linga pa rin Siya dahil baka Mang gugulat na Naman ito sa kanila. Pero patuloy pa rin Sila sa paglalakad. " Siguro po di ko lang alam na umuwi na Siya, hinatid lang Kasi niya itong regalo niya, malapit lang Naman daw Kasi Ang Bahay nila dito." Mahabang paliwanag nito sa kasamahan. "Ka kucurious na ako sa kaibigan mong yan ha, baka iba na yan. hmmp" Birong sambit ng tiya niya. Kinindatan Naman ng tiya nila si Xia, nagpapahiwatig na may mapag aaliwan na Naman Silang tuksuhin, agad Naman nakuha ni Xia ang ngini-ngiti ng kanyang tiya sa kanya. "Oo nga Keira, kaibigan mo lang ba yan o mag kaka-ibigan? Natatawang tanong nito. "Anong ibig nyong Sabihin? Anong magkaka-ibigan eh, lsa lang Naman Siya na kaibigan ko no, wala ng iba." inosenteng Sagot nito. Sumilay Naman sa mga mukha nila ang mapaglarong ngiti, na may pamimilog pa ng mga mata. "Baka Naman nililigawan ka na niyan Keira ha, aba Kay bata-bata mo pa para magpaligaw, Sabihin mo na hintayin ka munang lumaki. hahaha" kutyang biro ng kanyang tiya. Namumula Naman ang mga pisngi ni Keira. Habang nakasimangot na naka tingin sa kanila. Samantalang ang dalawa Naman ay humagalpak ng tawa dahil sa Nakitang pamumula nito. "Eeehh!! tiya Naman eh.. tigilan niyo nga ako. Ang bata ko pa, gusto ko pang makapag tapos no. Kainis Naman oh, Tara na nga para makarating na Tayo." Inis na Sagot nito. "Ang maiinis ay totoo. hahahah" tuksong ani ni Xia. "Hmmmp!!! Ewan ko sa inyo." Di niya mapigilan ang irapan ang dalawa dahil sa panunukso ng mga ito. Ng makarating na Sila ay di parin nila tinigilan ang panunukso dito. Nadatnan pa Naman nila ang motorsiklo na mag lalako ng lambanog nila. "Buti na Lang at sumama Tayo Kay tiya insan, makaka inom pa Tayo ng soft drinks at makakain pa ng tinapay. hehe" Natutuwang nasambit na Lang ni Keira, habang kumakain ng tinapay. "Oo Naman kaya nga paborito Kong mag punta dito. Marami Kasing makakain sa kanila. hahaha" Pabirong Sabi ni xia. "Pwede Naman kayong pumunta dito araw- araw eh. Kahit Anong Oras basta tapos na Ang Gawain niyo sa kina mama." Pagsang ayon ng kanilang tiya. "Talaga?!! ang saya Naman. Babalik ako dito kahit ang layo at nakakapagod. hahaha" masayang sambit ni Keira. ..... Pauwi Naman Sila at pinadalhan ng kape, asukal at piling ng mga saging, pinadalhan Naman SI Keira ng tinapay Kasi nang hingi ito sa kanyang tiya para sa kapatid niya. Nakokonsensya Kasi Siya Kasi kumakain Siya ng masarap pero Ang kapatid niya ay Hindi nakatikim. "Ang gandang pagmasdan ang mga ngiting sumisilay sa mga labi mo. Aking munting binibini." nasambit na lamang ni Habier habang nakamasid Kay Keira. Nakasunod Kasi ito sa kanila. "Alam mo ba Xia, kanina ko panapapansin na may sumusunod sa atin pero di ko alam kung sino o ano." Nasambit ni Keira. Habang palinga-linga ito sa kapaligiran nila. "Wag Ka ngang manakot, alam mong napaka liblib ng Lugar tapos ganyan ka pa. Alam mo ba na kapag tanghaling tapat na Dyan naglalabasan ang mga Engkanto at mga elemento? Wag na wag Kang magtuturo kung ayaw mong mapaglaruan nila." Palinga-linga nitong nasambit habang Pinapagalitan ang kanyang pinsan. Di na lamang sumagot SI Keira baka Magalit pa ang pinsan niya sa kanya. Pero sa isip isip niya Naman ay bakit Naman kinakatakutan ang mga yun, kung di Naman Sila kakantiin ay di Naman Sila Mang aano. Sabi nga ni Habier ay katulad lang Naman namin Sila may mababait at may masasama rin. Napabuntong hininga na lamang Siya, ayaw niyang ipaalam ang kanyang iniisip sa kanyang pinsan. .... Makalipas ang Isang buwan ay iniulat ng kanilang Lola sa kanila na sa Isang linggo, ay uuwi ang kanilang Ina sa kanila para dumalaw. Di mabatid ni Keira Ang nararamdamang tuwa sa balitang narinig, ganoon din ang nararamdaman ng kanyang nakababatang kapatid. "Alam mo ba ate na napaka excited ko ng umuwi si mama, ano kaya ang pasalubong niya sa atin, may laruan siguro, o kaya bagong damit.. Kasi Naman Tignan mo mga suot natin ang daming mantsa at Ang Lago na, pero siguro ang gusto Kong dalhin niya ay napakaraming pagkain, tapos gatas at saka ulam. Para Naman di na Tayo magutom at di na Muna Tayo kumain ng mga saging o kamoteng kahoy. hahaha" Mahabang salaysay ng inosenteng SI Kent. "Wag ka masyadong dumada diyan baka marinig ka ni Lola, mapagalitan ka nun." Saway Naman ng kanyang ate. ... Sa iisang buwan na pagtira nila Keira at ng kanyang kapatid sa kanilang Lola ay marami Silang natutunan dito. Tulad ng pagtabas ng d**o,pag akyat sa matarik na daanan para makakuha ng mga kamote,pag iigib ng tubig. Pag lalaba ng sila-sila lang, nakasanayan nila na kanilang Ina lang ang naglalaba, pero dito sila lang din ang nagwawalis sa malawak na bakuran, dalawang beses sa Isang araw para malinis kapag may dumating na bisita. Nakakapagod man ay masaya naman Sila Kasi may kalaro na Silang pinsan at marami pang mga tanim na prutas ang kanilang Lolo na pwedeng pitasin at kainin ano Mang Oras. Marami man ang bawal ay pinapa intindi Naman sa kanila, Kung Anong rason Kung bakit ito ipinagbabawal. ...... Dumating na rin Ang araw na pinaka hihintay ng dalawang bata,makikita na rin nila Ang kanilang Ina. Lulan ng motorsiklo ay masaya rin ang nararamdaman ni Nami, dahil makakauwi na ito sa kanila. Marami rami rin Ang dala niyang pasalubong para sa mga anak Kasama na rin Ang mga kagamitan para sa nalalapit na pasukan. Habang Ang dalawa Naman ay nag aabang na sa daan para salubungin Ang kanilang Ina. "Ayan na Siya ate." Habang nag tatatalon SI Kent. Patakbong binati nila Ang kanilang Ina. "Maya na Muna pababain niyo Muna ako." nakangiting sita ng kanilang Ina. Tumabi Naman Sila sa kilid habang bumababa Ang kanilang Ina, tinulungan na rin ng driver sa kanyang mga bitbit. "Ang Dami niyong dala mama, Amin ba yan lahat?" masayang tanong ni Kent. Habang pumapalakpak Naman ito. "Tulungan ko na po kayo diyan mama." Presentang Alok nito sa kanyang Ina. Agad Naman binigay ng kanilang Ina ang Ilan sa mga dala niya. ... Habang kumakain ay masaya Naman Silang nag kekwentuhan, patapos na rin Kasi Sila, tumayo agad ang lolo't Lola nila upang magpahinga, at lumarga sa bukid para magtabas ng mga d**o . Ng dumako SI Nami kay Keira, tatanungin ito ng kalagayan nila. "Kumusta Naman kayo dito mga anak?" ngiting tanong ni Nami. "Okay lang Naman kami mama, Nakakapagod pero masaya Naman. Kayo po kamusta kayo doon sa pinapasukan niyo?" Ani ni Keira habang nililigpit ang mga Plato. "Okay lang din,mahirap sa umpisa pero maayos - Ayos din pagkalaunan." Sagot ni Nami habang nakangiting pinagmamasdan Ang anak na SI Keira. "Anong okay lang ate,nakakapagod kaya, daming trabaho. Tapos di pa kami masyadong nakakagala at nakakapaglaro. Atsaka mama di raw pwedeng pumupunta sa kapit Bahay, kahit na mga kamag anak pa natin Sila." Sumbong Naman ni Kent sa ina. "Alam mo ate, parang may umaaaligid na sa anak mo dito. Kasi Ganito yun, pumunta kami kina tiya Rosa, tapos sumama kami naghatid ng lambanog niya. Pero ang nakakawindang!! alam mo ba ate na may nagbigay ng porselas sa anak mo? pero sayang di namin Nakita." Panunuksong sumbong ni Xia, habang Ang mga mata ay dinidilat dilat niya habang ngumingisi sa pinsan. "Totoo ba yun Keira? Kay bata mo pa may manliligaw ka na." nakangiting tanong at tukso ng Ina. "Anong manliligaw mama! hmmp!! wag nga kayong magpaniwala diyan Kay Xia kaibigan ko lang Naman Yung tao, binigyan niya lang Naman ako Kasi ako Ang unang kaibigan niya dito sa atin. Atsaka ang bata ko pa para sa ganyan." Inis na paliwanag niya. Ito Kasi Ang pinaka ayaw ni Keira Ang tuksuhin siyang may manliligaw o may nagkakagusto sa kanya ayaw na ayaw niya yun. "Ano Naman Ang masama dun Keira,totoo Naman may nagkakagusto na sayo di mo lang alam. haha" dagdag ng kanyang pinsan. "Sabi ng magkaibigan lang kami !! kainis Naman eh. Ewan ko sa inyo." naiinis na tugon nito. "Wag kang maniwala diyan ate, marami kaya kapag nag iigib kami ng tubig marami ang nagtatanong sa pangalan niyan. hehe Di lang niya alam Kasi di namamansin,may pagka suplada rin Kasi." sumbong ni Xia tiya niya. Tawang tawa Naman Ang nanay ni Keira Kasi nakabusangot na talaga ang mukha ni Keira. Ito Kasi Ang pinaka ayaw ni Keira Ang binibiro ng Todo. "Kapag di ka talaga tumigil diyan nakakatikim ka talaga sa akin." banta ni Keira sa pinsan. "Sige na tumigil na kayong dalawa at baka magkapikunan pa kayo. Tulungan niyo na Lang ako dito para makaluto na Tayo." pag aawat Naman ni Nami. Masaya Naman Ang dalawang bata Kasi nakasama nila Ang kanilang Ina. Makakatabi rin nila itong matulog kahit Isang Gabi man lang. .... Kinabukasan ay agad Naman na aalis ulit SI Nami dahil may trabaho pa ito. "Aalis ka na Naman mama?" Tanong ni Kent habang papungas pungas pa. "Oo anak eh kailangan Kasi may trabaho pa ako."Sabi na Lang nito habang naghahanda ng umalis. "Babalik ka Naman di ba?"Tanong ni Keira. "Oo Naman, dito na tayo nakatira at andito kayo kaya babalik ako dito."Nakangiting sambit nito. Inihatid na lamang ng dalawa Ang kanilang Ina sa may kilid ng kalsada, nag aabang Sila ng masasakyan nito. "Mama Sabi ni Lola Pala na sa susunod na buwan ay pasukan na." pag papaalala Naman ni Keira sa Ina. "Oo at papasok na ulit kayo sa klaseng dalawa." ngiting balik niya sa mga anak. "Ayokong mag aral, di kami classmate ni ate, hmmp!"Maktol ni Kent. "Ikaw Kasi tamad mong magsulat Nung grade one kaya ngayon di Tayo classmate."Saway ni Keira sa kapatid. "Basta Ayoko,nakakatakot pumasok kapag walang kakilala." sambit ni bunso. "Duwag ka na niyan? Akala ko ba matapang ka? hahaha" Panunuksong sambit ng ate. "Tama na yan.. Ayan na Naman kayo sa tuksuhan e, Ganito na lamang gagawan ko ng paraan para makabili Tayo ng iba pang gamit niyo ha. Tapos sasamahan ko kayo sa enrollment. Ano sa tingin niyo?" Nakangiting tanong ni Nami sa mga anak. "Sige po, hehehe "Masayang sambit ni Kent. Habang SI Keira Naman ay nakangiting tumango na lamang. Gayong Siya rin Naman ay kinakabahan na excited sa pasukan. Hindi niya malaman ang nararamdaman. Habang kumakaway Sila sa palayong motorsiklo na lulan ng kanilang Ina ay napagkasunduan na mag linis na lamang ng bakuran, para Naman Hindi Sila masermonan ng kanilang Lola. "Ate dating gawi, doon ka Tapos ako Naman dito." Sambit ni Kent. "Uhmm.Sige." Tangong Sagot ni Keira. Pumunta na Naman agad si Keira sa likod Bahay para simulan Ang Gawain. Habang nagwawalis ay may nakamasid na Naman sa kanya. Palingon lingon Siya habang nag wawalis Kasi pakiramdam niya ay may nakatingin talaga sa kanya,kanina niya pa ito nararamdaman. "Kanina ka pa ba diyan?" Tanong nito sa batang nakaupo sa lilim ng punong santol. "Bago lang, Ang sipag mo Naman kahit Hindi ka na inuutusan ay ginagawa mo na Ang mga Gawain mo."Nakangiting Sagot nito sa kaharap. "Ano pa nga ba,dating gawi.. Pero Teka kung ngayon ka lang sino yung kanina pa nakatinginsa akin?Parang may nakamasid Kasi eh, Wala ka bang Gagawin din sa inyo? Lagi ka Kasi andito sa Amin eh." Puna ni Keira. "Wala no, may Taga linis kami, wag Kang mag alala kung sino man yun di yun makakapanakit sayo dahil sa bigay ko."Sagot ulit nito habang pinagmamasdan Ang kaharap na nagsisimula na ulit mag walis. "Ah ganoon ba,salamat ulit.. mayaman ka siguro no,kaya Lagi ka na Lang nag lalakwatsa at walang ginagawa."tanong ni Keira. "Yung porselas Pala?" Pag iiba ni Habier sa usapan. "Andito oh." Sambit ni Keira sabay taas ng kamay. Nakangiti Naman SI Habier sa Nakita. "Wag mo yang iwawala ha."Paalala nito. "Opo, pero Habier malapit na Ang pasukan,Ano na Pala Ang grade mo sa susunod na pasukan?"Tanong ni Keira. Nagbabakasakali Kasi Siya na maging klasmate ito. "Pasukan? Grade??"Litong tanong nito. "Oo,di ka ba nag aaral?"Tanong nito sa kausap. Katatapos lang niya sa pag wawalis at patungo na tabi ni Habier para tumabi. "Nag aaral pero Iba Kasi Ang pinag aaralan ko."Paliwanag ni Habier. "Ano Naman? Importante ba kaysa sa Tinuturo sa paaralan?"Takang tanong ni Keira. "Sa Amin oo,pinaka importante."Tanong Sagot ni Habier habang nakatingin sa mukha ni Keira. "Tanong ko lang Keira,kung sakali na may makilala Kang ibang nilalang tulad ng Engkanto o maligno,Ano ang Gagawin mo?"Seryosong tanong nito. "Bakit mo Naman natanong?"Kunot noong tanong nito. "Wala lang, diba uso yan dito? Mga Engkanto,maligno,elemento o mga espirito."Paliwanag Naman niya. "Ahh.Siguro.. maniniwala ako kapag makikita ko. Saan ba Sila makikita? Inosenteng tanong ni Keira. "Kung sasabihin ko ba na nasa harapan mo na, maniniwala ka?" Tanong ulit ni Habier. "Hmmp!!"Gulat na tugon ni Keira habang Namimilog ang mga mata. "Ahahah..biro lang.. kung lang Naman eh" Palusot nito Kay Keira. "ahah.. maniniwala na sana ako biro lang Pala." Tawa nito sabay tapik sa balikat ng kaibigan. "Pero nakakalungkot Naman kung ganun na Hindi ka mag-aaral dito, akala ko pa Naman may makakasabay akong kakilala sa pag pasok."Nakasalumbabang pahayag ni Keira. Nakatingin na lamang si Habier sa katabi. Di niya namamalayang nakangiti na Pala Siya habang pinagmamasdan Ang katabi. "May dumi ba ako sa mukha?"Tanong ni Keira na Hindi na lamang tinignan SI Habier sa hiya, di Kasi Siya sanay na may tumititig sa kanya. "Wala Naman, masaya lang Kasi ako Kasi may kaibigan akong maganda."Masayang tugon ni Habier. "Wag ka ngang magsalita ng ganyan, di nakakatuwa, alam mo yun.. hmmp! ayokong sinasabihan ako na maganda,para Kasing inaasar ako na Pangit ako."Maktol na tugon niya. Nagulat Naman si Habier sa tinuran nito. Yung iba Kasi kapag sinasabihang maganda ay tumitiklop na sa hiya sabay sa mapupulang mga pisngi dahil sa kilig. pero Iba ang Isang ito. Di na lamang mapigilan ni Habier na mapangiti sa mga tinuran ni Keira. "Kakaiba ka talaga sa lahat Keira.. bukod ay katangi tangi ka sa lahat." napapailing na sambit na lamang ni Habier. "Ayan ka na Naman sa mga malalalim mong mga salita." Sambit na lamang nito. Di namamalayan ni Keira na napatagal Pala Ang pag uusap nila ni Habier. "Atee!! Tapos ka na ba diyan?!!" sigaw ni Kent habang naglalakad patungo sa kinaroroonan niya. "Habier. Alis na Pala ako, di ko namalayan ang Oras, baka mapagalitan na Naman ako nito.. Paalam na Muna." Sambit na lamang ni Keira habang malalaki ang hakbang papalayo sa kinaroroonan. "Sige.."Agad na Sagot ni Habier habang tinatanaw SI Keira papalayo. Malungkot na Naman ito dahil Siya na Lang ang andito at kailangan na Naman niyang umuwi. "Hanggang sa muling pagkikita natin Keira."Nakangiting sambit sa hangin ni Habier. "Ang tagal mo Naman matapos ate Keira. Kanina pa ako nag hihintay dito, lika ate manguha Tayo ng bayabas marami ang bunga sa taas oh." Sabay turo ni Kent sa taas ng Puno. "Sige ba! Ang mahuling maka akyat ay pansot.. hahaha" tugon ni Keira habang patakbong tinungo ang Puno ng bayabas. "Ang Daya mo Naman eh."Pikong sambit ni Kent. Natatawa na lamang si Keira habang inaakyat ang puno't lumalabitin sa mga sanga nito. Habang sa kabilang dako Naman ay sinusundo na SI Habier ng kanyang kaibigan. "Andito ka lang pala, kanina pa ako naghahanap sayo, hinahanap ka na ng iyong ama."Unang bati nito. "At sa wakas na kita mo rin ako, kaibigan."Natatawang sambit ni Habier. "Uuwi ka na ba?" Tanong na lamang nito. "At ano na Naman Ang kailangan ni ama? Tapos na ako sa pinapagawa niya sa akin ah." Takang pahayag nito. "Importante raw ito kailangan mo ng umuwi,mahal na prinsipe." pahayag ni marob "Wag mo na akong tawagin ng ganyan kapag andito Tayo marob,di ba napagkasunduan na natin yan? para Naman na di Tayo makaibigan niyan. "Pagpasensyahan mo na nakasanayan lamang, pero tila ba naaliw ka na dito at tinatapos mo agad ang mga pinapagawa sayo ng iyong ama, di tulad ng dati na Lagi ka na lamang natutulog at ayaw maki alam sa diskusyon."pahayag ni marob "Ayoko na lamang ng gulo, napagkasunduan Kasi namin na kapag nagawa ko Ang mga gusto nilang ipagawa ay di na nila ako pakikialaman sa aking gusto, di na rin nila ako ipakikilala sa mga babaeng natitipuhan nila."Paliwanag ni Habier. "Buti at pumayag?"Takang tanong nito "Napakiusapan lang Naman, alam mo Naman na Kay Buti ni ama."masayang sambit ni Habier. Tumango na lamang si marob sa pagsang ayon nito sa kaharap,talaga Naman Kay Buti ng ama ni Habier. Tatlo Sila sa magkakapatid at bunso Naman SI Habier sa kanila. Dalawang lalaki at Isang babae. "Bakit nag iba ang iyong wangis ngayon?Tila ba may pinaglalaruan ka na Naman dito sa kabila,panginoon? Magmadali na Tayo at baka Tayo ay mapagalitan ng iyong nakatatandang kapatid."Kahit Nagtataka ay inanyayahan na lamang ni marob ang kanyang panginoon. "Wala akong pinaglalaruan dito sa kabila kaibigan, May nakakaaliw dito, may Bago akong nakilala isa itong naka katwang munting binibini, Siya lamang ang binibining ayaw masabihang maganda, di ba iyon nakakatawa kaibigan? hahaha ." Natatawang pahayag ni Habier habang inaalala ang nangyari kani-kanina lamang. "At pwede ko ba siyang makilala o Makita man lamang panginoon? tila ako'y nagiging intrisadong Makita ang iyong magandang binibini."Nakangiting tanong nito. "Oo ba.. bukas na bukas ay sasama ka sa akin at ipapakilala kita sa kanya." Masaya nitong Turan. Habang Sila ay naglalakad ay ito Ang kanilang paksa. Hindi ma wala-wala ang ngiti sa mga labi ni Habier. "Ano ang Gagawin mo?kukunin mo ba Siya?"Takang tanong ni marob Sumilay na Naman Ang mga ngiti sa kanyang mga labi ng narinig ito, binaling Naman niya ang tingin sa kaibigan na pantay niyang naglalakad sa daan. "Hindi kaibigan, gusto Kong Makita siyang lumaki at ayokong mawala ang matatamis na ngiti sa kanyang mga labi."Pahayag pa nito. "Pero pano yan kung Ikaw na Ang hahalili sa ating kaharian pag nagkataon?"Tanong ulit ng kaibigan. "Ayokong maging Taga pag mana masaya na ako na maging Ganito na lamang, si Ardon na lamang Ang hahalili sa trono ni ama." Pahayag niya pa. "Hindi ka talaga nagbabago, pero yan din ang ikinabiliban ko sayo, prinsipe ka pero napaka makumbaba mo talaga."Masayang wika ni Marob. Nakangiti na lamang si Habier sa tinuran ng kanyang kaibigan. Totoo Naman Ang sinabi ng kaibigan na Hindi talaga Siya nagbago noon pa man ay ayaw niya talagang maging halili sa trono ng ama. Gusto niya lamang Ang magliwaliw at Malaya. Buti na lamang ay napaka Buti ng kanyang pamilya sa kanya lalong Lalo na Ang kanyang nakatatandang kapatid. Hinahayaan lang Kasi Siya nito sa gusto niyang Gawin at Minsan ay pinagtatangol sa kanyang amang hari kapag may nagawa siyang kasalanan dahil sa kanyang kapilyuhan.Ang pangalawa Naman niyang kapatid ay Isang babae, maganda ito at napaka Buti rin ng kalooban Siya SI marikit pero Ang kaibahan lang niya ay pinagkasundo na Siya ng kanyang ama sa Isang prinsipe, upang maging kabiyak nito. Masaya itong sumusunod sa kagustuhan ng kanyang ama sa kanya, mahinhin at tahimik SI marikit at hilig niyang makipag usap sa mga hayop. Isa rin siyang prisipe, kaya Minsanan ay binibiro Siya ng kanyang nakatatandang kapatid na maghanap o nakahanap na ba Siya na magiging kabiyak niya. Ang ama rin niya ay maraming inanyayahang mga prinsesa sa palasyo para ipakilala sa kanya pero ayaw niya sa kanila. Pero ngayon ay iba na, dito lamang Siya nag bigay interes sa Isang binibini. "Hihintayin ko Siya.. Hihintayin ko Ang tamang Oras o panahon para ibigin niya rin ako."Nasambit na lamang niya sa kanyang Sarili habang nakangiti. "Ayos ka lang Naman diba prinsipe?Di Naman naiwan ang kalahati ng iyong wisyo sa kabila?"Birong wika ni Marob. "Gusto mo hatiin ko Ang wisyong sinasabi mo at ipatapon ko sa ibang Lugar?Birong sambit ni Habier sa kaharap. "Nagsasalita ka Kasing mag isa diyan, akala ko kaiwan sa kabila ang wisyo mo."Paliwanag ng kaibigan. "Ang Sabi ko Kasi hihintayin ko Siya Hanggang sa tamang panahon na pwede na siyang mamili at mag mahal."Paliwanag ni Habier. "Ah ganoon ba, matagal pa yun, dalhin mo na Lang dito yun para di ka na mag hintay di ba?." Dagdag ulit nito. "Ayokong kamuhian niya ako, gusto Kong Makita siyang masaya."Paliwanag ni Habier. Normal lang sa kanila Ang pag uusap na may halong biruan, kahit na Isang magiting na mandirigma lamang Ang ama ni marob sa palasyo ay pantay parin ang Turing ni Habier sa kaibigan at di naging balakid ang katayuan nila sa isa't isa, pinili pa rin ng dalawa na maging matalik na mag kaibigan. Sabay na Kasi Silang lumaki at laging magkasama kaya nakasanayan na rin nila Ang isa't isa. SI Marob ang kasakasama ni Habier sa mga pilyong gawi niya, kahit saan Kasi pumupunta SI Habier noon kapag naboboryo na Siya sa kanilang tahanan kaya lagi niyang sinasama SI Marob sa bawat lakad. Sa pamimilit na rin Kasi niya na SI Marob na lamang Ang Taga pagbantay niya sa bawat Oras, namimili Kasi Ang kanyang ama sa magigiting nilang mga kawal upang maging Taga pagbantay niya, kaya naisipan na lamang niyang ang kanyang kaibigan na lamang Ang iloklok sa posisyon. "Gusto Kong mag aral sa paaralan ng mga tao."suwesyon ni Habier. Nanlaki Naman Ang mga mata ni marob sa tinuran ng kaibigan. "Nahihibang ka na ba? Ayaw mo ngang mag aral ng mga dapat aralin dito, doon pa kaya na Hindi Naman Importante sa atin ang mga aralin? Gusto mo bang Magalit sayo SI prinsipe Ardon at Ang Mahal na hari? " nalilitong sambit ni marob. "Hindi.. Alam ko Naman na Hindi Sila magagalit, ano na Lang titira na Lang ako sa lupa Yung malapit sa kanila."Nakangiti niyang wika. "Nahihibang ka na talaga kaibigan, Ano ba ang mayroon sa babaeng yun at tila nabihag ka na niya?"Tanong nito. "Basta... masasabi Kong Siya na talaga ang hinahanap ko."Nakangiting tugon nito. Naiintriga ng husto SI Marob sa babaeng kumuha ng interes ng kanyang kaibigang prinsipe. Gusto niyang malaman kung ano nga ba talaga ang dahilan ng mga gawi ng prinsipe, di niya ma wari sa marami-raming kababaihan na pinakilala sa kaniya na kauri ay dito pa talaga sa Taga lupa nahumaling. Ayaw Naman niyang masamain ang nararamdaman ng kanyang prisipe ngunit tila di pupwedeng magkatuluyan Sila kung nagkataon, dahil prinsipe SI Habier at Taga lupa lamang Ang babae. Ngunit gusto niya pa ring Makita ang babae. Nahulog sa malalim na pag iisip SI Marob dahil sa narinig. "May especial ba sa kanya kaya ganoon?"Ito na lamang Ang nasambit niya habang nakatulala sa kakaisip. "Oo,kaya niyang Makakita ng mga bagay bagay na Hindi kayang Makita ng ordinaryong mga Taga lupa. At alam ko kapag katagalan ay mahahasa pa niya ito kung ito'y kanyang tatanggapin." Paliwanag ni Habier. "Kung ganoon ay patawad na lamang sa kanya dahil doon ay makakaranas Siya ng hirap at pighati sa kanyang kakayahan, pero biyaya na rin kung tutuusin."Hinging paumanhin ni marob. "Alam ko kaya binigyan ko Siya ng proteksyon para sa ganoon ay kahit wala ako sa kanyang tabi ay maprotektahan Siya nito."Wika ni Habier. "Buti kung ganoon,ma swerte Siya kung ganoon."Patango Tangong pag sang ayon ni marob. Nakangiti Namang pinagmasdan ni Habier ang kaibigan, kahit na ganoon ang mga salitang binitiwan ni marob ay alam niyang pinoprotektahan lamang Siya nito sa ano Mang panganib. ..... "Lola bakit ganoon,may Nakita Kasi akong babae kanina Nung paakyat ako sa kwarto natin, paakyat po Siya pero Nung sinundan at tinignan ko Ang kwarto wala Namang tao."Takang tanong ni Keira. "Sino Naman yun? Baka pinsan mo lang o ang tiya Rosa mo."Wika ng kanyang Lola habang naghihiwa ng gulay. "Imposible Lola,diba inutusan mo siyang bumili sa tindahan? Tapos Yung Nakita ko Kasi nakaputing bistida at Mahabang ang mga buhok."paliwanag ni Keira. Nangilabot Naman Ang kanyang Lola sa mga narinig sa kausap, pero di na lamang niya pinahalata at baka matakot pa ito kung malaman niya kung ano ang Nakita niya sa kwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD