poprotektahan

5000 Words
Sa makailang ikot nila Xia at Kent sa Lugar na pinag walisan ni Keira ay Hindi nila ito mahanap hanap. "Asan na ba ang Ate mo Kent kanina pa Tayo dito paikot ikot nagugutom na ako."pagmamaktol na tanong ni Xia. "Gutom na din ako Ate,gusto ko ng kumain ano nga kaya ulam ngayon?" Nakangising tugon ni Kent. "Ano ka ba Kent! Pagkain lang ba laman ng utak mo?pero baka andun na SI Keira sa Bahay,Tara at gutom na ako Patay Tayo Kay mama't papa nito kung wala pa Tayo dun at di pa nakahain." Paanyaya ni Xia Kay Kent. Masaya Namang sumang ayon SI Kent Kay Xia habang bitbit ang walis Tingting at sumunod sa paglalakad dito.. Habang papanhik na Sila sa kusina ay dumiretso SI Xia sa lababo upang mag hugas ng kamay para makapaghain na. "Buti na Lang di pa nakauwi Sila mama,makapag init na din ng tubig para pagdating nila ay makapag kape na din Sila,Kent hanapin mo ang ate mo baka nasa kwarto or sa Sala yun at nagpapahinga baka maabutan yun nila mama at mapagalitan pa yun." Utos ni Xia Kay Kent habang Siya Naman ay naghahanda na sa lamesa nila ng mga pagkain. "Ate!! asan ka na Patay ka kina Lola't Lolo kapag di ka pa nagpakita!!!" sumisigaw na pagbabanta ni Kent sa ate niya habang kumakamot at naglalakad lakad pasilip silip sa bawat kwarto at sulok ng Bahay dahil akala niya ay pinagtataguan lang Siya ng ate niya. "Ate Xia wala Naman SI ate dun eh! wala sa kwarto,wala sa cabinet,wala sa Sala,kahit saan wala,Haaay! aha!! baka nasa ilalim ng mesa,Teka lng sisilipin ko."pagmamaktol na angal ni Kent Kay Xia. May pagkapilyo din Kasi Sila paminsan Minsan ng kanyang kapatid dahil sa kanilang edad ay puro laro lang ang inaalala. Natatawa Naman SI Xia na nakatingin Kay Kent habang nakasilip sa lamesa, habang inilalagay ang mainit na tubig sa thermos nila ay may dumating at pumasok sa kanilang pintuan,na akala niya ay Ang kanilang ina't ama. "Oh, ma,pa halina na po kayo at umupo na nakahain na po ang pagkain at ipagtitimpla ko kayo ng kape."Sabi ni Xia habang focus Siya sa pagtitimpla ng kape para sa kanila. Habang nakatingin sa kanyang likod ay pumasok na SI Keira sa kanilang kusina at dumiretso sa lababo upang makapag hugas ng kamay niya. "Te Xia wala pa Naman Sila Lolo't lola huh."Nagtatakang tugon ni Keira Kay Xia "Hoy babae!!asan ka galing ha!at kanina ka pa namin hinahanap ni Kent."nakaharap Kay Keira habang nakapamewang. "Oo nga ate Keira, Asan ka galing at kanina pa kami at ako! "habang nakaturo sa kanyang Sarili" kakahanap sayo sa labas dun sa pinagwalisan mo,sa loob ng Bahay din at sa ilalim ng mesa silip ko din."pagmamalaking pahayag ni Kent habang tumabi Kay Xia at nakapamewang din. "Ano!adun lang ako galing sa may puno ng santol huh! kakatapos ko lang ng pagwawalis tsaka may nakilala akong bata dun may kapit Bahay ba Tayo dito na mayaman at tsaka gwapo?" tugon ni Keira sa kanilang dalawa. "wala no! ang alam ko lang na mayaman ay kina aling pasing yang tapat ng Bahay natin na may tindahan."paliwanag ni Xia. nakatingin Naman SI Keira sa may bintana at pinagmamasdan ang kapit Bahay nila. " Di Naman yan mayaman ah, atsaka di ba wala Naman Silang batang lalaki na anak Dyan? Ikaw xia may kakilala ka bang Habier ang pangalan??.Tanong ni Keira Kay Xia habang naka upo sa Mahabang upuan nilang kahoy na karaniwang upuan sa hapag kainan ng Taga probinsya. "Wala no! sino ba yun? hoy Ikaw Patay ka kina mama kapag nakikihalubilo ka dito sa atin yun ang pinaka pinagbabawal nila dito." pahayag ni Xia sa Kay Keira at dinaanan din ng tingin SI Kent. "At bakit Naman? Di ba dapat makikihalubilo Tayo para may makilala at may maging kaibigan??"Takang tanong ni Keira. "Basta bawal daw pero pwedeng makipagkaibigan pero Ang Sabi wag kayong pupunta sa Bahay nila kumain or uminom man lang ng kahit ano,wag din kayong tatanggap ng kahit na Anong pagkain sa Hindi niyo kakilala,kahit Sabihin pa na kamag anak natin Sila."Mahabang paliwanag ni Xia sa dalawa. "Ang Dami Namang bawal tapos pano yun kung masarap na pagkain di ba pwede kahit kunting kagat lang?"inosenteng biro ni Kent habang ngumisi sa kanyang ate Xia. "Sige Sabihin mo yang biro mo Kay mama para ma pingot niya yang Tenga mo."Natatawang banta ni Xia dito. " Sige wag na Lang,masakit kayang mapingot."nakasalumbabang tugon ni Kent habang naka hawk sa dalawa niyang Tenga. "Ah,pwede makipagkaibigan pero bawal tumangap? Tama ba?" tanong ni Keira ulit. "Ah basta,intindihin mo na Lang,ang tagal Naman nila mama gutom na ako"Sabi ni Xia "Ako din! gutom na din Yung alaga ko sa tyan alam mo b yun,Sabi nila kung di ko lalagyan ng kanin ang tyan ko kakainin nila itong tyan ko."inosenteng litanya ni Kent sa dalawa habang pinipisil pisil ang kanyang tyan. Kanatingin sa kanya ang dalawa habang tumatawa ito. Sakto Naman ang dating ng dalawang matanda habang bit bit ang apat na marang sa kani kanilang kamay. "sarap Naman niyan lo"kumikislap ang mga matang pahayag ni Kent sa mga bagong dating. "Masarap talaga ito Kasi pinagpaguran ko itong akyatin."nakangising tugon Naman ng Lolo nila habang nilalapag ang prutas sa lamesa. "Buti at naka Hain na kayo,Xia initin mo na Lang uli ang kape at di na masyadong mainit,cge na kain na Tayo at gutom na kami ng lolo."pa anyaya Naman ng Lola nila sa mga bata. Habang nasa hapag kainan ay sinabihan ng kanilang Lolo at Lola na dapat sumama Sina Xia at Kent sa kanila para kumuha ng ibang hinog na bungang marang para Hindi kainin daw ng ibon at masayang ang mga ito,at maiiwan Naman SI Keira para bantayan ang Bahay at mag hugas ng pinggan at linisin ang loob nito. "Ang sarap Pala ng marang ngayon lang ako nakatikim nito,Buti na lang Lolo at naka uwi na kayo malapit ng kainin ng mga alaga ko ang tyan ko,ngayon mag pipyesta na Sila Kasi busog na busog na ako."Mahabang paliwanag ni Kent sa dalawang matanda. Tumatawa Naman Sila habang sarap na sarap din na kumakain sa prutas. Kakatapos lang nilang kumain at umalis na agad Sila para e harvest ang mga prutas para ipadala sa nakakatandang anak nila na lalaki upang makakain din ang mga ito pati na rin ang ibang mga apo nila dun. "Buti pa Sila Xia nakasama dun gusto Kong sumama pero di pwede,Dami Namang hugasin kami lang Naman ang kumain."pagmamaktol nito habang nagliligpit ng mga hugasin. "pssst! pssst! pssst!" Nagtatakang tumingin sa may siwang ng hugasan para Malaman kung sino ang tumatawag. Kawayan lang Kasi Ang kanilang ding ding ng hugasan na pinagtagpi tagpi ang mga ito. "Sino kaya yun?napaka pilyo talaga ni Kent siguro tumakas Naman yun kina Lola para pag tripan ako dito."pagtatakang Sabi ni Keira. Tinuloy niya ang kanyang ginagawang hugasin para masunod na niya ang Sala at matapos na niya ang lahat. "psst! pssst!,hehehe." Sumilip na Naman Siya sa siwang ng hugasan nila naiinis na Siya sa kanyang kapatid Kasi akala niya pinag titripan na Siya nito. "Kapag di Kapa lumabas kukutungan talaga kita!! wag ka talagang magpapakita sa akin ha!!" napipikong sigaw ni Keira. Humakbang Siya sa patungo sa bintana na nasa tabi ng pinto,dun Kasi niya narinig ang huling pag sitsit nito. "Bulaga!!!!".sigaw nito "Aahh!!"gulat na sigaw ni Keira dito. "Ahahah!! Ahahaha!!" hagalpak na tawa niya. "Ano ka ba Habier!! nang gugulat ka Naman eh,Akala ko Naman SI Kent,Buti na Lang di kita nasapak."nakahawak sa dibdib na pahayag ni Keira Kay Habier dahil sa pagka gulat nito sa kanya. "Nakakatawa talaga ang mga tao kapag nagugulat,parang lumalabas ang kaluluwa nila sa kani-kanilang mga katawan,ahahah!"natatawang pahag ni Habier Kay Keira. "Alam mo di yan nakakatawang biro,kung di napigilan ang Sarili ko baka nasaktan na kita,sa susunod wag mo na yun Gagawin,aatakihin ako sa puso kapag nagkaganun."paliwanag ni Keira. "Aatakihin ka ba sa puso dahil sa gulat o sa kagwapuhan ko."nakangiting panunukso ni Habier sabay kindat kay Keira. "Hmmp!! Ang presko mo Pala lakas din ng hangin mo no."Sabi ni Keira habang umiirap dito. "Ano ang ginagawa mo?Tara pasyal Tayo."Paanyaya ni Habier dito. "Di pwede eh,marami pa akong Gagawin, mapapagalitan ako kapag di ko natapos lahat eh,tapos kahit matapos ko din ito ay di din pwedeng mamasyal na Kasama ka Kasi kapag Nakita tayo nila Lola't Lolo mapagalitan din ako at baka madamay ka pa ."nanlulumong paliwanag ni Keira Kay Habier. "Bakit Naman,diba magkaibigan Naman Tayo,pero Sige para di ka na manlumo diyan sasamahan na Lang kita dito,pwede Naman yun diba kahit mag kwentuhan lang Tayo?"masiglang Sabi ni Habier dito para di na siya Malungkot. "Cge pasok ka at maupo ka,pero baka mabagot ka lang dito ha,maghuhugas pa kasi ako ng mga pinagkainan namin eh,okay lang ba yun sa iyo?"tanong ni Keira Kay Habier habang pinapaupo niya sa Mahabang bangko nila. "Ayos lang Naman sa akin,sanay Naman ako na pinagmamasdan kayo,at masaya ako na may nakaka usap na tulad mo."nakangising pag sang ayon ni Habier. "Ganoon ba Sige,pero teka bakit Naman tulad namin,para ka Namang alien mag salita,haha! pero ano Naman ang gusto mong pag usapan natin ha?" inosenteng tanong ni Keira. "Anong alien? ah ano kahit ano na Lang kung ano ang maisip mo at makikinig ako."Sabi ni Habier habang nakatingin sa likod ni Keira habang naghuhugas ng pinggan sa lababo. "Ano?! di mo ba alam ano ang ibig Sabihin ng alien?mga tao yun na naninirahan sa ibang planeta at iba din ang pananalita,tulad mo pero Ang hawig daw nila ang sa mga butiki daw,mas lamang ka lang Kasi may itsura ka ,haha."mainam na paliwanag Naman ni Keira. "Ah yun Pala yun,pero Buti na Lang gwapo ako kaya di kami magka pareho at saka di Naman ako naninirahan sa ibang planeta,ibang Mundo pwede."Sabi Naman ni Habier habang nilalaro ang kanyang kamay sa ibabaw ng mesa. "Ahah,biro ko lang Naman yun,pero bakit ka pala andito di ka ba hahanapin o papagalitan ng mga magulang mo sa inyo?"tanong ni Keira. "Hindi Naman,nababagot Kasi ako dun sa Bahay,kaya hinanap kita, pero Ayos lang Naman sayo na andito ako sa loob ng Bahay niyo?" nakatingin tanong ni Habier Kay Keira. "Ano ka ba Ayos lang no,Buti nga at andito ka para di Naman din ako mabagot dito."masayang pag sang ayon ni Keira dito. Katatapos lang ni Keira sa mga hugasin ay sinunod Naman niya ang mga kaldero,masaya Naman Silang nag uusap ng kahit na anu-ano,naaliw Naman SI Habier kakapanood Kay Keira,naaliw din ito sa kasipagan nito at di rin nag rereklamo ito kahit sa daming ginagawa nito. "O,tapos na ako dito sa may kusina,sa Sala Naman,lika dun Tayo sa may Sala."Paanyaya ni Keira Kay Habier. Agad Namang tumayo si Habier para sumunod sa kanya,namangha Siya Kasi ngayon lang Siya nakapasok sa Bahay ng mga tao. "Maupo ka Muna Dyan sa upuan namin, pasensya ka na ha."paghingi ng paumanhin ni Keira dito. "Ayos lang Naman no,Sige tapusin mo lang ang dapat mong Gawin."Magiliw na Sagot ni Habier. "Sige,Gusto mo bang samahan ako umakyat sa may bayabas namin?Dyan sa harap lang Naman ng Bahay namin,kung gusto mo lang Naman?pero kapag tapos na ako dito ha."nakangiting Paanyaya ni Keira. "Sige ba masaya yun."masayang pag sang ayon ni Habier dito. "Lika na labas na Tayo,tapos na ako dito."Paanyaya ni Keira. Masaya Namang nagpatianod SI Habier Kay Keira papalabas sa Bahay nila. "Ang daming bunga Habier,lika akyat Tayo."Sabi ni Keira habang nagsisimula ng umakyat sa Puno ng bayabas. "Mag ingat ka Keira baka mahulog ka ."nag aalalang Sabi ni Habier habang sumusunod na umakyat din Kay Keira . "Di no magaling kaya akong umakyat ng mga Puno basta may kakapitan lang,hehehe."pagmamalaking Sabi ni Keira dito. "Basta binalaan na kita,pero kumapit ka ng mahigpit sa mga sanga ha."nag aalalang bangit nito. Habang umiindayog ang mga sanga sa kanilang ginagawang pag ugoy dito,masayang Nagtatawanan,habang kumakain ng mga bunga nito, di nila namalayan na hapon na Pala sa kakalaro nila. "Hala Habier hapon na Pala baba na Tayo,baka andyan na Sina Lola't Lolo at baka hinahanap ka na din sa inyo."nababahalang Sabi ni Keira. "Ang Dali Naman ng Oras oh,pwede ba bukas ulit punta ako dito kung Ayos lang Naman?"Tanong ni Habier. "Oo Naman,Basta wala na akong ginagawa at isama din natin SI Kent Yung nakababata Kong kapatid,ipapakilala kita sa kanya bukas."masayang pahayag ni Keira Kay Habier. "Sige ba,masaya yun,balik ako dito."Masayang pagsang ayon ni Habier. Unang bumaba SI Keira habang sumusunod Naman SI Habier dito. Habang papasok Naman ang lolo't lola ni Keira..Sa may kusina Sila dumaan dahil maraming prutas na dala nila galing sa taniman nila. "Ate Keira!Halika! andito na kami! marami kaming dalang prutas kain Tayo!"tawag na sigaw ni Kent sa ate niya. Lakad takbo Naman SI Keira papunta sa may harap ng pintuan nila sa Sala para doon dumaan. "Lika Habier may dalang pagkain Sila Lola kain Tayo,masarap ang marang, nag harvest Kasi Sila Kasi marami na daw ang hinog."Paanyaya ni Keira Kay Habier sabay hawak sa kamay para magpatianod din ito papunta sana sa kusina nila. "Wag na Keira sa susunod na Lang,busog na din Kasi ako at baka hinahanap na ako sa Amin."Nag aalangang pag tangi ni Habier dito. Naiintindihan Naman ni Keira ito, Kasi hapon na at baka mapagalitan na din ito sa kanila dahil natagalan sa pag uwi. "Sige babay na sayo,uwi na ako."Pamamaalam ni Habier. Winawagayway Naman ni Keira ang kanyang kamay Kay Habier. "Ate sino po ang kausap mo?"Nagtatakang tanong ni Kent sa ate niya. Napaharap Naman agad si Keira Kay Kent. "Oh,Kent kanina ka pa Dyan?."nagulat na tanong ni Keira Kay Kent. "Oo,Sino ang kausap mo Dyan?."Nagtatakang tanong ni Kent Kay Keira. "Ah SI Habier kaibigan ko, ipapakilala sana kita di Naman kita napansin..bukas na Lang babalik daw Siya makikipag laro daw Siya bukas."Pagpapaliwanag ni Keira sa kanyang kapatid. "Ah, ganun ba Sige,lika maraming prutas na dala namin,kanina pa kita tinatawag di ka Naman nakikinig eh."pag anyaya ni Kent dito. "Malapit na Ang pasukan,Anong grade na ba kayo at para Malaman natin kung Anong grade ko na kayo ipa eenroll." "Mag geGrade 3 na po ako Lola,SI Kent Naman ay mag gegrade 2."paliwanag ni Keira "Ganun ba,Sige para maipasok ko na kayo sa paaralan dito sa atin."Pagsang ayon ng kanilang Lola sa kanila. "Alam nyo ba na malayo-layo din ang lakaran patungo sa paaralan?sanay Naman kayo sa lakaran diba?"pag aalalang tanong ni Xia sa mga pinsan niya. "Ga'no ba kalayo,sanay Naman kami sa lakaran..yun din Kasi Ang ginagawa namin dati pero di Naman Kasi masyadong malayo ang lakaran dun eh?"nag dadalawang isip na tanong ni Keira dito. "Aba! masanay na kayo malayo layo ang lakaran dito..At kapag di kayo masasanay ay wag na Lang kayong mag aral dalawa at tumulong na Lang kayo sa bukirin natin mag tanim." Inis na sambit ng Lola nila sa kanila. "Wag ka Naman ganyan sa mga bata,alam mo Naman na lumaki yan sa syudad,malamang maninibago pa Sila dito."Pagpapaliwanag ng kanilang Lolo sa kabiyak nito. Nakayuko Naman sa hiya SI Keira dahil sa sinabi ng Lola nito sa kanilang dalawa.. Hindi maintindihan ni Keira ang nararamdaman sa mga salitang binitawan ng kanyang Lola sa kanila,sa isip isip niya ay parang nag mamaliit ito sa kanila dahil laking syudad Sila. "Sana Hindi na Lang nag hiwalay Sila mama at papa Hindi sana kami andito."mangiyak ngiyak na sambit ni Keira sa kanyang isip. "Oh! Keira Ikaw na Ang magligpit ng mga Kalat Dito,Yung mga Buto niyan ay ilatag mo sa may Sako at ibilad sa may arawan bukas ha para maarawan,Yung mga balat itapon mo na dun sa likod Bahay Yung malapit sa may santol may malaking hukay na butas dun,dun ang mga tapunan ng basura.. Ikaw na Lang magligpit Kasi pagod kami lahat,wala ka Naman ginagawa dito." utos ng kanyang lola Kay Keira. "Tulungan ka na namin Keira Tayo Naman ang kumain nito eh."Paanyaya ni Xia dito. Sasang-ayon na sana SI Keira sa kanyang pinsan ng pagtingala niya ay masamang nakatitig ang kanyang Lola sa kanya. "Wag na Xia alam ko na man na pagod kayo,kunti lang Naman ito kaya ako na magliligpit."Nakangiting pagtangi ni Keira sa kanyang pinsan. Agad Naman naintindihan ni Xia ang tugon ng kanyang pinsan sa kanya,kaya di na niya ito pinilit at baka pag initan pa Siya Lalo ng kanyang Lola. Habang naglalakad SI Keira patungo sa tapunan nila ng basura ay may sumitsit na Naman sa kanya. "Sino yan?!.. may tao ba Dyan?!" tanong ni Keira sa hangin sabay lingon lingon sa kaniyang paligid. Malapit na Kasing magtakip silim kaya nakakatakot na Ang kapaligiran. "Bakit Malungkot ka?pinagalitan ka ba ng iyong Lola?"tanong ni Habier dito. Nagulat Naman si Keira dahil biglang sumulpot si Habier sa kanyang likuran,akala niya kung sino ng multo. "Ano ka ba Habier nakakagulat ka!.. alam mo ba na nakakatakot yang ginagawa mo,Ikaw ba Yung sumisit ha?!"gulat na tanong ni Keira dito habang sapo pa ang kanyang dibdib. "Oo, ako Yung sumitsit.. bibiruin lang Naman sana kita pero di ko alam matatakutin ka pala..Natakot ba kita? Pasensya ka na di na mauulit."pag aalalang tanong nito Kay Keira. "Hindi Naman masyado,pero Anong ginagawa mo dito?. Bakit di ka pa uumuwi??"nakangiti na nitong tugon. "Sagutin mo Muna ang tanong ko,Bakit ka naka salumbaba habang naglalakad at bakit ka andito?magtatakip silim na delikado sa labas." Takang tanong ulit niya ky Keira. "Ah,ano Kasi napagsabihan lang Naman pero Ayos lang Naman ako..masasanay na rin siguro ako, at saka magtatapon lang ako nito,Ikaw bakit andito ka nga..di ka pa ba uuwi?Ikaw din baka mapagalitan ka din sa inyo."Pagsasalaysay niya habang hinuhulog ang mga balat sa tapunan nila. "Ah,di yun,nagpaalam Naman ako sa kanila eh,di ako papagalitan nila."nakangiting pag kumumbinsi nito. "Buti ka pa." ani ni Keira "Buti pa ako?Bakit Naman?" Takang tanong ni Habier. "Buti ka pa,Kasi di ka napapagalitan kahit saan ka magsususuot."naiingit na tugon nito. "ako lang Naman Kasi palagi sa Bahay kaya walang magagalit." "Saan ba mga magulang mo?"Takang tanong ni Keira. "Wala,basta malayo Sila,lika na hatid na kita at madilim na delikado na dito." "Ang lapit lang Naman sa Amin,yan lang ang likod ng Bahay o,ano ka ba,Sige na umuwi ka na din at madilim na,tatakbuhin ko lang ang Bahay." Tinulak ng marahan ni Keira ang kaibigan Kasi madilim na at baka ma pano pa ito sa pag uwi niya. Nagpatianod Naman SI Habier pero tumigil din saglit.. "Sige uuwi ako pero gusto Kong pagmasdan Kang pumasok sa inyong tahanan,para maka sigurado ako na ligtas kang makapasok."pag aalalang Sabi ni Habier. "Ano ka ba ang OA nito,pero Sige na nga at baka hinahanap na ako,babye kita ulit Tayo bukas ha." Nagsisimulang mag lakad na SI Keira habang naka ngiti,gumagaan ang pakiramdam niya kapag Kasama ang bagong kaibigan,nawala na Yung lungkot na bumabalot sa kaibuturan ng kanyang puso kani-kanina lang. "Magandang Gabi,munting binibini." Nakangiting tingin ni Habier habang pinagmamasdan ang likod ng batang babae na papanhik na sa kanilang tahanan. Nagsimula na din siyang maglakad sa may kakahuyan Hanggang lamunin na Siya ng dilim. "Hoy! San ka galing ha?" Unang bati ni Xia Kay Keira habang sinasarado nito ang pintuan. "Nagtapon lang ako ng basura no." "At bakit ka natagalan? Patay ka na Naman Kay mama Nyan,alam mo bang kanina pa nag tatanong yun kung San ka na,Buti na Lang at nanonood lang Sila ng tv, at bakit na gabihan ka sa pag tapon Nyan Aber,malayo ba ang basurahan dito ha Dyan lang Naman sa may likod yun." Nakapamewang na Banat ni Xia sa pinsan. "Malapit lang Naman,pero Nakita ko Kasi Ang kaibigan ko dun kaya nag kwentuhan kami sandali,di Naman ako masyadong natagalan ha." Pagdedepensa nito sa Sarili. "Sino ba yang kaibigan mo ha?ipakilala mo nga sa akin yan,baka kung sino sino yang kinakaibigan mo,di mo alam masamang tao yun."Nag aalalang tanong nito. " SI Habier,Taga dito daw Siya naka Tira,pero di ko alam kung saan,basta Sabi niya malapit lang daw dito." inosenteng tugon nito. "Habier?? Sino yun,walang ganung pangalan dito sa atin,tapos malapit dito? Alam mo insan,Kilala ko na lahat ng mga tao Dito Yung mga bata nga lang.. Yung mga matatanda,di masyado,pero kung sino man yan ipakilala mo Siya sa akin at ng makilatis ko ha."Takang paliwanag nito. "Sige bukas daw pupunta daw Siya dito,maglalaro kami."masayang Sabi ni Keira. "Pero wag sana maaga Kasi alam mo na andito Sila mama kapag Nakita nila na nakikipag kaibigan ka, mapapagalitan ka na Naman nun." "Di yun,wag mo na Lang ipag Sabi,Siya lang Kasi Ang unang naging kaibigan ko dito." nangdidilat na Sabi ni Keira habang nilalagay ang hintuturo sa kanyang bibig. "Sige na,lika na at mag hahanda pa Tayo gutom na daw Sila mama,Buti na Lang nakapag saing ka na at nakaluto na ng ulam." "Huh??Di pa ako naka pag saing,naglalaro Kasi kami sa may Puno ng bayabas nakalimutan ko." nagkakamot na paliwanag nito. "Eh ano 'tong kanin dito at ulam, display makakalimutin ka na ba,Ikaw lang Naman ang naiwan dito at saka di ako nag saing no,ano ka ba Sige na maghahain na ako,maghugas ka na ng kamay at kumuha ka na ng mga Plato at kusara." utos nito sa kanyang pinsang nalilito. " Di nga ako,pinag lilinis ko nga yang mga kaldero eh, Ah basta! siguro SI Habier nawala Kasi Siya sandali kanina,mag ccr daw,siguro nag saing Siya Kasi nakalimutan ko Kasi nasayahan ako sa pag lalalaro." pilit niyang inaalala pero wala talaga. "Kung Siya man,pasalamat ka na Lang at masasabunan ka naman kapag wala pang laman ang kaldero,tawagin mo na Sila at makakain na." Habang nasa hapag kainan,sa isip isip ni Keira ay nagpapasalamat Siya sa kanyang kaibigan dahil dito ay nakaligtas Siya sa sermon ng kanyang Lola. "Anong nginingiti mo diyan Keira? Baka mahipan ka ng masamang hangin at matuluyan ka."puna ng kanyang Lola. Agad Naman nakabawi at yumuko na lamang SI Keira habang ngumunguya sa kanyang pagkain. "Wala po lola,may na alala lang ako." nakayukong Sabi nito. Patulog na Sila ng Malala niya na magkikita Sila ng bagong kaibigan. "Ano kaya ang lalaruin namin, Ah mag papasalamat pa Pala ako,sana makilala din Siya ng kapatid at pinsan ko." .... Mahimbing ang tulog ni Keira ng di niya namamalayan na may humahaplos sa kanyang buhok. "Poprotektahan kita aking munting binibini,andito lang ako at di kita papabayaan."bigkas nito sa kanyang tenga sabay halik sa kanyang buhok. Nawala agad ang nilalang na yun napalitan na napakabangong halimuyak ng sampaguita. "Hmmm..." nasambit na Lang ni Keira habang nakapikit ito. Nagising Naman sa ingay at bango ang Lola nila,ginising din nito ang kanyang kabiyak. "Gising,gising! gumising ka nga,naamoy mo ba Yung napaka Bago?"ani ng matanda. "Uhmp!Ano ba..Natutulog Yung tao...kung ano.ano Naman yang pinagsasasabi mo eh..matulog ka na nga! istorbo.." Inis na tugon nito sa kanyang kabiyak. "Ewan ko sayo,Iba ang kutob ko eh,alam mo Yung may nakamasid sayo pero di mo alam kung sino o saan,Tayo-tayo lang Naman dito eh."palinga linga ang matanda sa bawat sulok ng kanilang silid, nasa Sala Kasi Sila natutulog lahat makakatabi Sila pati ang mga bata,nakasanayan na din Kasi kahit may mga kwarto pa Sila. Nang mahagip niya ang pwesto ni Keira ay nagtaka Siya Kasi may nakalagay na tangkay ng sampaguitang maraming bulaklak sa may ulunan ng higaan nito. "Kaya pala Ang bango Kasi may bulaklak na tinabi itong batang 'to, pero di pa Naman namumulaklak Yung sampaguitang tinanim namin sa may puntod nila papa't mama ah, saan kaya niya yan pinitas."Takang tanong nito habang kinukuha ang tangkay at itinapon sa may labas ng bintana nila. Nasanayan Kasi nila na taniman ang nga puntod ng mga yumao nila,para Naman di Malungkot ang puntod at mahilig din Kasi sa mga bulaklak ang yumaong mga magulang ng kanyang kabiyak,dun din namana ng asawa nito ang kahiligan sa mga bulaklak at pag tatanim kahit na ito ay lalaki,kaya napakaganda ng harap ng Bahay at bakuran nila dahil sa mga sari saring nga bulaklak dito. Bumalik sa pagkakatulog ang matanda,at biglang may lumitaw na itim na anino sa harapan nila at Galit na Galit na nanlilisik ang mga mata habang nakatingin sa kanya,hawak nito sa kamay ang mga bugkos ng mga bulaklak binalik nito sa ulunan ni Keira. Kina umagahan... Maagang nagising SI Kent,papungas pungas pa nga itong bumangon dahil sa halimuyak na napaka bango. "Ang bango Naman ng bulaklak sa Umaga."nakapikit habang nakaupo at humihikab pa. Agad Naman niya tinignan ang kanyang ate na tulog pa,nagtaka Siya sa mga bulaklak sa may ulunan ng higaan nito. "Wala Naman yan kagabi ah,bakit may ganyan Dyan?"Takang tanong nito habang naka tingin sa nga bulaklak. "Ate..ate! Gising na,ate!" niyuyogyog ito upang magising. "Ano ba...Kent..inaantok pa ako eh.."pagpupumiglas nito at nagtaklob ng kumot. "Ate bumangon ka na masesermonan na Naman Tayo ni Lola niyan eh,at saka bakit ka natutulog na may katabing bulaklak ha..anong nakain mo?." Bumangon na at magligpit ng pinaghigaan nito. "Oo na,Sige na po..Kuya!..ito na tatayo na po.."Inis na Sagot nito sa nakababatang kapatid.. Humihikab pa ito habang nakapikit pa ang mga mata. Tumingin ito sa may ulunan niya para Tignan ang pinagsasasabi ng kanyang kapatid. "Bakit may bulaklak dito?" Takang tanong nito habang inaabot ang mga bulaklak at inamoy. "Malay ko ba sayo at may sayad ka na siguro Kasi kahit ano-ano na Lang ang dinadala mo sa higaan natin." nakatalikod na para pumunta sa may kusina nila. "Di no.. baka nga pinag titripan mo lang ako." Tumayo na din ito at pumunta sa harapan ng salamin,pinatong Muna niya sa may harapan ng salamin ang mga bulaklak at nagsimula ng magsuklay ng kanyang magulong buhok. Maganda at mahaba ang buhok ni Keira alagang alaga Kasi ito ng kanyang mama,at ayaw na ayaw Naman ng kanyang papa na ipaputol ito. "Ang Ganda Naman ng panaginip ko." Nakangiti habang nakaharap sa salamin at nagsusuklay,naalala Kasi niya ang panaginip niya kagabi,nagsasayaw daw Sila ng kanyang prisipe habang hawak ang mga bulaklak na Kay bango tulad ng bulaklak sa kanyang harapan. " Di kaya nagkatotoo ang pananginip ko at dinalaw niya ako,hehehe"Pagbibiro nito sa kanyang Sarili. "Hoy babae na pano ka?"Nagtatakang tanong ni Xia sa pinsan habang inagaw nito ang suklay,habang nakatingin ito Kay Keira na abot Tenga ang ngiti. "Wala natatawa lang ako sa iniisip ko." "Hoy! alam ko yang ngiting yan..Kay bata bata mo pa para mukiringking." Nakapamewang na puna ni Xia dito. "Di no!! hmmp.. Alam mo wala pa akong nagugustuhan natatawa lang ako sa panaginip ko no! may prinsipe daw ako.."Natatawang pahayag nito. "Ewan ko sayo." sabit na Lang ni Xia habang patuloy sa pagsusuklay ng kanyang buhok. "Oy alam mo ba na uuwi Sila Tsong bukas Kasama niya SI tiya, excited na ako madami pa Naman Silang pasalubong bukas."Sabi ni Xia habang nakatingin sa repleksyon ng Sarili sa salamin. "Ganon ba,dito rin ba Sila titira?" "Hindi bibisita lang, tapos uuwi rin kinabukasan ng madaling araw may trabaho rin Kasi Silang dalawa."paliwanag ni Xia. Tumango Naman SI Keira bilang tingon sa kanyang pinsan. "Oh San galing yang mga sampaguita,namitas ka ba doon sa may puntod nila lolo't lola?"Takang tanong ni Xia habang inaabot ang mga bulaklak. "Sampaguita Pala Ang pangalan niyan? di ko Kasi alam,di no pagka gising ko andyan na yan sa may higaan ko,akala ko nga pinagtitripan ulit ako ni Kent eh."paliwanag nito. "Oo,,Sampaguita.. pero bakit ka Naman niya pag titripan kakagising nga lang nun eh.. ako nga Ang unang bumangon para mag init ng tubig..pero di ko'to namalayan." "Ganun ba." Inagaw na lamang niya ang bulaklak at inamoy sabay lagay sa tapat ng salamin. "Dyan ko na Lang Muna yan ilalagay,Tara na at ng makapag simula na Tayo sa mga Gawain."Paanyaya nito sa pinsan. Sumunod Naman agad si Xia. Habang nagkakape Silang mag anak ay di na nila pinag usapan pa ang tungol sa bulaklak Lalo na Ang kanilang Lola. "Xia, Keira pumunta kayo mamamaya sa auntie ninyo may ibibigay daw yun na buwig ng mga saging para may pangtahalian Tayo mamaya. Nakausap ko Kasi Siya kahapon pinapapapunta kayo,Ikaw xia magpasama ka na Lang diyan sa isa para makabisado Naman niya ang daan doon Sige na."utos ng kanilang Lola sa kanila... Agad Naman umalis Sila,habang tinatahak nila ang daan laging nag tatanong SI Keira kung malapit na ba Sila. "Ano ka ba Keira kanina ka pa ha,ang kulit mo Naman Sabi ng wala pa eh,Mahabang lakaran pa ito ah! alam ko na manguha na Lang Tayo ng bayabas dun sa Patay na ilog na madadaanan natin,ano game?" paanyaya ni Xia para tumigil na ito sa kakatanong. "Sige masaya yun." excited na tugon ni Keira. Nakarating na Sila sa Patay na ilog na sinasabi ni Xia sa pinsan nito. "Dito Muna Tayo dadaan,baybayin Muna natin ang mga batuhang ito para makarating Tayo sa Puno ng bayabas." ani ni Xia. Sumunod Naman SI Keira sa kanyang pinsan,naaaliw Siya sa pagtalon talon sa mga batong naka usli dito. Nang makarating na Sila ay agad Naman Silang umakyat sa mga sanga ng bayabas madami Dami Kasi Ang mga bunga nito kaya nasasabik Silang umakyat. Napuno Naman ang mga bulsa nila ng mga bunga ng bayabas pati na rin ang mga kamay dahil sa Dami,habang patuloy sa paglalakad ay patarik ng kunti ang dadaanan nila. "Ang tarik Naman yan,nakatingin pa lang ako pagod na agad ako,hahaha"Natatawang pahayag ni Keira. "Lika na,pag nalagpasan na natin yang daan na yan,andun na Tayo sa Bahay nila."paliwanag ni Xia. Habang sa kalayuan ay Natatawang pinagmamasdan ni Habier SI Keira habang tinatahak ang matarik na daan,kahit nahihirapan ito at laging nakahawak Ang mga kamay sa mga tuhod ay di parin nito nakakalimutan ang ngumatngat sa bayabas na dala dala nito. "Nakasisiyang pagmasdan ang munting binibini sa kanyang katakawan..haha...kahit nahihirapan na sa mga hakbang ay di pa din nakakalimutang kumagat sa kanyang bayabas."nakangiting Pailing iling habang naka upo sa sanga ng Puno na ngumunguya din ng bayabas. "Ano ba Keira! mamaya ka na kumain at mag lakad ka na kanina ka pa Dyan!" Habang naghihintay sa pinsan nito na tumigil Muna at naka pamewang upang kumuha ng lakas para tahakin muli ang matarik na daan. "Teka lang...hah..hah..pagod na ako...hah! di ko na kaya.." nakapa mewang na Sagot ni Keira na nakatingala na Kasi nakarating na Ang pinsan sa unahan. Umiiling Naman SI Xia na pinagmamasdan Ang pinsang pagod na..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD