Sienna's POV
"Sigurado ka bang magreresign ka?" Buong pagtatakang tanong sa akin ni Mei.
Nakakapanibago lang dahil kung noon ay halos nanumpa ako sa sarili ko hinding-hindi ako maghahanap ng ibang trabaho dahil kay Pierre, pero ngayon ako na mismo ang nagdecide na magresign.
Ilang araw na ang nakakalipas nang makaharap ko sa sarili kong apartment si Benjamin, ang isang matanda ngunit sopistikadong lalake na butler ni Pierre.
He told me about Pierre's plan regarding the DNA test.
Nong sinabi ko sa kanya ang tungkol sa pagbubuntis ko, laking gulat ko nang bigla niyang sabihin sa akin na baog siya at hindi magkakaanak kaya imposible raw na siya ang ama.
So, as the girl who always choose to understand him, I cooperate even if deep inside I feel insulted.
Pero hindi ko rin siya masisisi. In my 2 years in his company, I realized that Pierre never really trusted anyone in his company, kahit na ako na sekretarya niya. He's always careful as if any time anyone will betray him.
"Oo Mei, ilang araw na rin akong naghintay pero wala namang dumadating. Paniguradong nag-iisip na siya kung paano ako sesesantihin. Uunahan ko na lang."
"Weird." Napatingin ako sa kanya ng deretso at hindi maiwasang magsalubong ang dalawa kong kilay.
"Anong pinagsasabi mo diyan?"
"Sobrang weird talaga. Hindi ako sanay na ikaw ang iiwas kay Pierre. I was used of the Sienna who's head over heels in love with that cold Rozenov man."
At pinagpatuloy niya ang pagkain niya ng ice cream.
Kapag makita siya ng mommy niya, paniguradong away na naman ang aabutin nito.
"Oh s'ya, hindi na ako magtatagal, I still have a photoshoot to attend. Yung sinabi ko sa'yo kanina ha? Wag mo 'yun kakalimutan."
Tumango kaagad ako kay Mei nang makita itong dali-daling niligpit ang bag niya. Mabilis niya akong niyakap pagkatapos atsaka inayos ang suot niyang shades bago tuluyang umalis.
Kakagaling ko lang sa kompanya ni Pierre at tuluyang nagpasa ng resignation letter sa office niya pero wala siya don nong nagpunta ako.
Saka lang kami nagkita ni Mei pagkatapos at nag-usap tungkol sa pamilya niya. Saka ko na lang siguro iisipin ang mga Liu.
One step at a time lang, Sienna, baka mabigla si baby.
Pasimple akong napangiti atsaka palihim na hinimas ang aking maliit pang tiyan.
"Sienna?" Halos mapaigtad ako nang marinig ko ang pamilyar na boses sa aking harapan.
Nakita ko ang isang matangkad at mestizong lalake na papalapit sa akin. Napapatingin sa kanya ang mga babaeng nakakasalubong nito dahil sa angkin nitong karisma.
His dirty blonde natural wavy hair color looks so amazing. Ito ata ang pinakamagandang asset na meron siya.
"A-Alex-- este, Mr. Milonov, bakit po kayo andito?" Kaagad kong tanong sabay mabilis na binaba ang aking kamay mula sa aking tiyan.
"Just went out to see a friend." Nakangiti nitong saad pero alam kong ang tinutukoy nito ay babae.
"Ang formal mo naman, hindi ako ang boss mo, unless you want to change company and be my future secretary instead?" Dagdag pa nito atsaka ako binigyan ng isang pilyong ngiti.
Isa ring tagapagmana si Alexei, ang pinakamatalik na kaibigan ni Pierre.
Pareho silang may Russian na tatay kaya mukhang iyon din ang dahilan kaya mula nong mga bata palang sila ay kilalang-kilala na nila ang isa't-isa.
Ang dami kong alam, no? Nagpakadetective kasi ako noon kay Pierre. Baliw na baliw.
"Nga pala anong ginagawa mo rito? Inutusan ka ba ni Pierre na bumili ng gamot para kay Lucielle?" Nagulat ako.
Minsan na nga akong inutusan ni Pierre sa mga ganyang klaseng bagay. Hindi lang ako sekretarya niya, all-around 'tiga' ako. Kulang na lang agawan ko ng trabaho si Benjamin.
Pero nagulat ako ngayon dahil sa sinasabing gamot ni Alexei.
Ganoon na ba talaga kalala ang sitwasyon ni Lucielle?
"I guess not. Oh well, my mouth slipped again. Bye, Sienna!" Tuluyan na nga itong umalis at hindi man lang ako hinintay na makatugon.
One thing about Alexei is that he's tactless and definitely not good to keep secrets with. Sobrang daldal niya. A total opposite of Pierre.
Hindi ko maiwasang makaramdam ng kaunting lungkot nang mapagtanto kong ito siguro ang dahilan kaya hindi na naman pumasok si Pierre sa kompanya kanina.
Anything for Lucielle.
All for her.
"SANDALE!" Singhal ko habang tinutuyo ko ang aking kamay. Naglalaba ako ngayon dito sa loob ng banyo at may kumakatok sa pinto ng aking apartment.
"Anak ng-- sandale nga lang!" Sigaw ko ulit nang mas lalo itong lumakas.
Sino ba 'to?!
Imposibleng yung landlady namin 'to dahil kakabayad ko lang nong huling linggo. Wala kong mintis sa pagbabayad kaya ewan ko't sinong kumag 'tong nangdidistorbo ng dis oras ng gabi sa sarili kong apartment.
"Sino ka ba at bakit ka nambubulabog sa apartment ko?!" Sigaw ko atsaka inis na binuksan ang pinto ng apartment.
Isang lalakeng naka uniporme ang bumungad sa akin na may seryosong mukha.
"B-Benjamin?" Nauutal kong wika. Ano na naman ba ang kailangan niya?
Nagulat ako nang bigla itong may inilabas na scroll atsaka ito binuksan sa aking harapan. Buong pagtataka ko siyang tinignan.
Ano 'to, medieval times? May pascroll pa talaga.
"This is to formally announce the transfer of Sienna Castillo to Rovenoz Residence in Apollo Heights tonight and will be treated as the owner of the said property. Any form of resistance shall not be tolerated for the sake of the Rovenoz's heir. If the mentioned party wished to discuss any sort of things related to the Rovenoz's heir, it will only be entertained in the Rovenoz Residence."
Natameme ako sa aking kinatatayuan matapos basahin ni Benjamin ang nakasulat sa scroll nito.
Tinignan niya ako ng deretso sa mata atsaka pinakita ang mensahe sabay abot ng ballpen.
"Please sign her--"
"ANONG KAHIBANGAN BA 'TO?!" Hindi ko na maiwasang sumabog.
Base on the said 'message', Pierre finally acknowledge my unborn child as his. Pero ang pabiglain ako ng ganito na tila ba hawak niya ang buhay ko, aba hindi naman ata tama 'yon.
Yes, I am indeed understanding and cooperative, but this is already too much.
Anong transfer? Hindi ako aalis dito.
"Mawalang-galang na ho, pero pakisabi na lang sa boss mo na hindi ako sasama. Kahit na buong subdivision pa 'yan ng Apollo Heights ang ibigay niya sa akin, hindi ako aalis dito."
Dahil unang-una, nakapagdesisyon na ako na lumayo mula sa kanya. Pangalawa, unti-unti ko na rin siyang tinatanggal sa buhay ko kahit na alam kong mahirap. At panghuli, bakit niya pa ginagawa 'to na alam naman natin na si Lucielle lang ang pipiliin niya sa huli?
Nang dahil ba sa buhay na nasa sinapupunan ko? Nakokonsensya ba siya?
"Ms. Castillo, Mr. Rozenov won't accept 'no' as an answer. Alam mo 'yan bilang sekretarya niya." Umiling ako matapos kong marinig ang tugon nito.
"Doon po kayo nagkakamali dahil hindi na niya po ako sekretarya," wika ko dahilan upang mapakurap ito.
Hinawakan ko ang pinto atsaka mabilis na sinara at nilock. Nakakabastos man ang ginawa ko pero kailangan dahil kung hindi ay hindi rin ito matatapos.
I stopped midway back to my bathroom when a loud knock echoed my entire apartment again. This time, it was louder than before to the point it sounded so scary.
Hindi ko alam bakit pero mas lalo akong nainis at tuluyan ng nagalit.
Alin ba sa mga salitang binitawan ko ang hindi niya maintindihan e puro tagalog 'yon?!
"Umalis na po kayo!"
I jolted when it became aggressive. Sa sobrang lakas na non ay parang magigiba na ang pintoan ko.
Nakakuyom ang kamao kong binuksan ito sa pangalawang pagkakataon dahil kung hindi, baka tuluyan nang tumilapon ang pinto ko rito sa loob.
"ANO BA?!" Natigilan ako atsaka awtomatikong nanlaki ang mga mata nang madatnan ko ang isang lalakeng hindi ko lubos na inaasahan na aapak sa lugar na ito.
He's towering me. All of a sudden, the atmosphere suddenly became dull and heavy with sharp jaw that is now clenched and eyes shooting death glares at me.
"M-Mr. Rozenov." Pinipigilan kong huwag mautal pero hindi ko kaya.
Nakita ko na siyang nagalit noon pero hindi para sa akin. Ngayong nakatingin na ng deretso ang mala-asul na abo niyang mga mata sa akin, halos manginig na ang tuhod ko sa takot.
"Are you coming with me or I will drag you down to my car?" He said with a gritted teeth before showing me a piece of paper that seemed quite familiar.
Tuluyan na akong napalunok nang mapagtantong hawak-hawak niya ang resignation later ko.
Pierre lifted it up and showed it right across my face using both of his hands. Did you know what happened next?
He tore it right in half.
One. Two. Three. Four.
Four. Pierre tore it four times before letting all the pieces of it fall into the floor.
"And what resignation?" He said raising one brow at me before leaning closer to my face.
If Pierre was cold and ruthless, he's colder and more cruel right now.
"I... don't... see... any... goddamn piece of paper..." He whispered before grabbing my wrist and forcibly took me with him.