Adi left her dumbfounded after he said those words. Pinanood niya ang pag-drive nito palayo. Ano ang ibig nitong sabihin?
Napahawak si Soledad sa dibdib niya. Ang bilis ng t***k ng kaniyang puso. She's suddenly feeling giddy and... probably nervous? Hindi siya sigurado sa nararamdaman niya ngayon, katulad na lang ng hindi siya sigurado kung ano ang kahulugan ng sinabi ng binata.
"Kumusta ang outing niyo? Nag-enjoy ka naman ba, Soledad?" maligayang salubong sa kaniya ni Nana Rona.
She snapped out from her thoughts then tried to smile. "Yes, Nana Rona pero I'm so tired. I'll take a rest muna," aniya.
Tumango ang mayordoma. "Sige, hija. Bumaba ka na lang kapag nagugutom ka na."
Pag-akyat niya sa kwarto ay nagpalit lang siya ng mas komportableng damit at humiga na sa queen sized bed niya. She picked her phone and put it on her chest, waiting for her Dad to call but that night, it never came. Nakatulog na lang siya ay wala pa rin 'yon.
Few hours later, she suddenly woke up because of her phone ringing. Agad niya 'yon sinagot.
"Hello? Kanina ko pa hinihintay ang call mo, Dad..." namamaos niyang saad at kinusot ang mga mata niya.
She heard a chuckle from the other line. "Hi, my dear wife."
Soledad stiffened for a second. Napaupo siya at tuluyan ng nagising ang sistema. Tinignan niya ang screen ng phone niya at nakita na galing iyon sa unknown number but based on the man's voice, it's her husband.
Hindi siya umimik. Nakakikilabot para sa kaniya ang tawagin siya nito bilang asawa. She can't accept it. Nakasusuka, isipin pa lang. But it's her fate.
"Why are you not speaking?" tanong nito.
Soledad clenched her jaw. "We had an agreement. I am free for few months while I am here at the province," mariin niyang saad. "Bakit ka tumatawag ngayon?"
Humalakhak ang matanda. "Calm down, Soledad. I clearly remember it, don't worry. I just called to check on you."
"I'm fine. Now, I am ending the call—" Akma niya 'yon papatayin nang magsalita agad ang lalake.
"Don't forget that you're wedded to me, Soledad. Sa ayaw at sa gusto mo, kasal ka sa akin. You are mine. Huwag na huwag kang magtataksil sa akin habang nandiyan ka dahil papatayin ko ang magiging lalake mo kapag nagkaroon ka."
Agad uminit ang pisngi ni Soledad sa galit. "How dare you to threaten me? Wala kang karapatan magbanta ng ganiyan! And no, I won't be with any man here, not because I am loyal to you but because I don't want to bring anyone in my hell life with you!" mariin niyang saad at agad pinatay ang tawag.
Mabilis ang pagtaas-baba ng dibdib niya dahil sa paghabol ng hininga. She can't believe it. Ang Daddy niya ang hinihintay niyang tumawag, hindi ang matandang 'yon! Napahawak siya sa ulo at naramdaman ang pagpitik ng ugat do'n. She was suddenly feeling stressed because of him.
She's been trying hard to forget her true life for a while and now, he reminded her again. Pilit niya ulit 'yon kinalimutan. She enjoyed this day because she forgot it for the mean time but it was ruined when her old husband called. Kailangan niya ulit makalimutan 'yon.
Tumayo siya at bumaba patungo sa kitchen para maghanap ng makakain. Her stomach was growling out of hunger. Napatingin siya sa nadaanan na wall clock. It's quarter to 11. Mahaba-haba ang naging tulog niya.
"Gising ka na pala, Señorita," ani Leandra na nasa kusina, nakaupo sa tapat ng counter top. "Ipaghahanda na kita ng makakain mo."
Tumango siya. "Yes, please."
Nagsimula na siyang kumain agad matapos siyang mapaghandaan nito. Nagpatimpla rin siya ng gatas para makatulog siya ulit mamaya. Baka kasi mahirapan na siya since natulog na siya kanina.
Nakaupo malapit sa kaniya si Leandra habang nagbabasa ito ng libro nang bigla itong mapasulyap sa kaniya na tila may naaalala.
"Ah, Señorita, nga pala..." ani Leandra at biglang kumapkap sa bulsa niya. "Nakita ko 'to kanina sa ilalim ng kama mo habang naglilinis ako," dagdag nito at iniabot sa kaniya ang bagay na 'di niya inaasahan.
Soledad's eyes widened a bit when she saw the ring. Wedding ring niya sa kasal nila ng matandang asawa. Napakurap siya bago agad tinanggap iyon mula sa katulong nang may bahagyang pagmamadali.
"T-thank you," aniya bago uminom ng tubig.
Nginitian siya ni Leandra. "Walang anuman, Señorita. Ang ganda ng singsing. Bigay ba 'yan ng kasintahan mo? Promise ring, gano'n? Sa laki ng bato sa gitna, aakalain mong mamahaling wedding ring," saad nito saka napahalakhak.
Umiling si Soledad at umiwas ng tingin. "Hindi... I don't have a boyfriend. This is just... one of my jewelries," pagsisinungaling niya at nagpatuloy sa pagkain.
Alam niyang sa lilipas na mga buwan ay mabubunyag din ang totoo sa mga tao rito tungkol sa kasal niya sa isang matanda. It will not be a secret forever. But for now, she wants to have a normal life. She wants to stay as the Señorita, the free daughter of Valerio.
Sa mga sumunod na araw ay hindi muna siya sumama sa kung anumang ganap ng grupo nina Adi at Oli. Soledad still kinda felt guilty about what happened to the last hangout of the group. Naiisip niya na may fault nga siguro siya. Hindi tuloy naging maganda ang pagtatapos no'n. Gusto niya rin iwasan muna si Angeline. Ayaw niya itong patulan para na rin sana sa pakikisama niya sa magkakaibigan pero kung patuloy na magsasalita ito ng mga hindi niya magugustuhan, Soledad won't hesitate to talk back. Kaya ngayon ay siya muna ang iiwas.
And that also means, hindi niya rin masyado nakita si Adi sa loob ng ilang araw.
"Señorita, may bisita ka," ani Andi matapos niya itong pagbuksan ng pinto sa kaniyang kwarto.
Tumaas ang kilay ni Soledad. "Who is it?" tanong niya at pinasadahan ng mga daliri ang mahaba niyang buhok.
Napangiwi si Andi. "Si Sir Jake po. 'Yong pamangkin ni Don Esteban. Sinabi niya sa akin na close na raw kayo. Gusto pa dumiretso dito sa kwarto mo, hinarang nga namin!" saad ng babae at halata sa mukha na hindi ito natutuwa sa inasal ng lalake.
Soledad's lips twitched. "What? His audacity," aniya at napairap saka nagpasya na babain ito.
Pagdating niya sa living area ay prenteng nakaupo ito sa isa sa mga sofa na naroon. When he saw her, Jake's face lit up then he stood with his arms open, waiting a hug from her. Huminto si Soledad sa harap ng lalake at pinagkrus ang braso, hindi pinansin ang naghihintay nitong yakap. Naglaho ang ngiti nito at ibinaba ang braso.
"Hey, I missed you. Hindi ka na bumisita sa mansion, I've been waiting for you," Jake said.
Soledad shrugged. "I've been busy," she answered nonchalantly. "What brought you here today?"
Ngumisi ang lalake. "Well, Uncle Esteban is inviting you there again. Mangabayo raw tayo. Pinasundo ka niya sa akin."
Naningkit ang mga mata ni Soledad. "Are you sure?" She's not interested to go there.
Humalakhak si Jake. "Yeah. May kasama nga akong tao niya para samahan ako papunta rito since I don't know the way. Remember, Adi? Pero baka 'di mo maalala since there's nothing remarkable about him except sa pagiging tauhan ni Uncle," he said.
Soledad was actually about to say no but when she heard Adi's name, she suddenly had the energy to go there. Napakurap siya.
"Okay," sagot niya. "I'll just change my clothes," aniya. Naka-dress lang kasi siya and it's not good for the activity she will do later on.
Nanlaki ang mga mata ni Jake. "Really?" Hindi makapaniwalang saad nito. "Sabi ko na nga ba mapapapayag din kita," nakangisi nitong dagdag.
Halos mapairap si Soledad at tinalikuran na ang lalake saka naglakad patungo sa kwarto niya. Kung hindi lang si Adi kasama ni Jake, hindi naman siya sasama. She doesn't trust Jake and she might never do.
Nagpalit siya ng damit na magiging komportable siya habang nakasakay sa kabayo. It was a comfortable top, tight but stretchy pants, and leather boots. Balot man siya ay kitang-kita pa rin ang magandang hulma ng katawan niya.
"Let's go," aniya at nilampasan agad si Jake pagbaba niya.
May sasabihin nga dapat ito nang makita siya but he was not able to say it because Soledad immediately walked past him.
Pagdating sa labas ay nakita niya ang isang kotse sa may harap ng mansion. Sa driver's seat ay naroon ang pamilyar na pigura ng lalake. Soledad swallowed hard.
"You're so excited, huh?" natatawang saad ni Jake na humabol sa kaniya saka siya pinagbuksan ng pinto mg kotse.
Pag-upo niya sa likod ay sinulyapan agad niya si Adi na nasa harap. He glanced at her through the rear mirror. Soledad just nodded at him to acknowledge his presence simply. Sumakay na rin si Jake at umupo sa tabi ni Soledad.
"Magandang hapon, Señorita Soledad," bati sa kaniya ni Adi bago ini-start ang engine ng kotse.
Soledad glanced at him again. "Good afternoon, Adi," mahinahon na bati niya pabalik.
Jake on the other hand looks upset that Adi got Soledad's attention without a bad reaction from her.
"Bilisan mo na, Adolfo. Uncle is waiting," iritado niyang saad.
Soledad saw how Adi's jaw clenched but he remained silent. She then glanced at Jake with a glare na tila ikinabigla ng lalake.
"Okay ka lang?" tanong ni Jake.
Soledad just crossed her arms and didn't answer him. She didn't like his tone when he spoke to Adi. Si Jake naman ay inisip na lang na bad mood siya.
Pasimpleng tumingin si Soledad sa harap at naabutan niya ang maya't maya na pagsulyap sa kaniya ni Adi gamit ang salamin sa harap. She didn't expect their eyes to lock for a second. Agad siyang napaiwas ng tingin at tumitig na lang sa bintana sa labas, pinapanood ang mga nadaraanan nila.
She clearly remembers the last thing Adi told her. Hindi ito magpaparaya kay Adan sa pagkakataong ito. She's curious what did he mean by that. Soledad has a clue but she doesn't want to entertain that thought.
Pagdating nila sa may rancho ay sinalubong siya ng Don nang saglit na yakap at pagbati. Inisa-isa nitong iintroduce sa kaniya ang mga kabayo na naroon. She looked at the horses in awe. Halatang alagang-alaga ang mga ito. Malalaki talaga at healthy ang katawan, ang mga balahibo pa ay nagkikintaban.
"Can we use Leo, Uncle? Dadalhin ko si Soledad do'n sa may magandang view—"
Agad umiling ang Don. "Hijo, hindi pwedeng kayo ni Soledad ang magkasama. You're not good at horse riding yet, baka mapaano pa kayo lalo na siya. And Leo is not fond of you. Si Adi na ang bahala sa Señorita at siya rin ang gagamit kay Leo dahil maamo sa kaniya ang kabayo," litanya ni Esteban.
"What!?" Jake violently said. Natigilan ito nang mapatingin sa kaniya si Soledad at taasan siya ng kilay. He tried to compose himself. "I am good in horse riding, Uncle. Kaya ko rin kontrolin si Leo," mariin niyang saad.
Umiling ang Don. "No, buts, Jake. Iyon na ang desisyon para sa kaligtasan niyo ni Soledad." Nilingon nito ang matandang tauhan at si Adi. "Edgar, bantay-bantayan mo si Jake dahil baka matulad no'ng nakaraan. Adi.. ikaw na ang bahala kay Soledad. Make sure that she will see the most beautiful view that the horse can reach." Sunod nitong hinarap si Soledad at hinawakan sa tuktok ng ulo na tila bata ang dalaga. "Enjoy, hija. You can trust Adi in this matter. He's the best rider."
May tipid na ngiti na tumango si Soledad. "I will definitely enjoy it. Thank you," aniya bago sinulyapan si Adi na pinagmamasdan siya.
Jake obviously was not in the mood after everything didn't go as he planned. Inalalayan ni Adi na makasakay si Soledad sa likod ng kabayo bago siya umupo sa likod ng dalaga.
"Humawak ka," ani Adi bago hinawakan din ang tali sa likod ng kabayo. Agad naman 'yon sinunod ni Soledad at humawak sa may maliit na hawakan para sa kaniya.
She suddenly felt a thud in her chest when she felt his body on her back. Hindi pa nakatutulong ang katotohanan na nasa magkabila niyang gilid ang mgra braso ni Adi at tila nakakulong siya sa mga bisig nito.
'Is this really a good idea?' she asked herself in her mind.
Nang magsimula ng tumakbo ang kabayo ay unti-unting nawala ang mga iniisip at nararamdaman niya. The soft wind touched her face as the horse ran. Gumagalaw ang katawan nila kasabay sa pagtakbo ng kabayo.
"Okay ka lang, Soledad?"
Napatingin siya sa gilid nila at nakita si Jake na sakay rin ng kabayo, pilit na humahabol sa kanila para makasabay. Soledad's brows furrowed.
"Yeah," sagot niya.
Adi made the horse ran faster until Jake can't keep up with their pace anymore. Mabuti na rin 'yon, isip ni Soledad. Atleast mae-enjoy niya ito dahil kung kasabay nila ang binata, siguradong puro tanong at pangungulit na naman ito sa kaniya.
Soledad chuckled after looking at her back and realized that they lost Jake and Tatay Edgar. She can't help but to giggle.
"Ang bilis mo, Adi. Ang galing!" she cheered like a child.
Adi let out a low and manly chuckle. "Talaga?" he asked. Naramdaman niya ang mainit nitong hininga sa tenga niya.
Natigilan si Soledad nang makaramdam na naman kung ano. She swallowed hard.
"He might get mad at you later," tanging sinabi niya.
"Wala akong pakialam," sagot ni Adi habang nakatutok sa daan na tinatahak ng kabayo. "Ang mahalaga, nailayo kita sa pangungulit niya."
Soledad then smirked. Adi seems to feel her annoyance towards Jake. "That's good. Buti alam mo and you took the initiative to take me away from him."
Hindi na kumibo si Adi kaya tumutok na lang din si Soledad sa dinaraanan nila. Her system began to calm down and be comfortable with the scenery. Naappreciate niya iyon. Ang kagandahan, kalinisan, at katahimikan.
Huminto ang kabayo malapit sa may dulo ng talampas. Naunang bumaba si Adi at inilahad ang kamay kay Soledad para alalayan ito pababa. Sunod ay itinali niya ang kabayo sa may puno at binigyan ito ng mangunguyang mga damo. Iniwan ni Soledad ang binata at nauna sa may dulo ng talampas. Her lips parted in awe as she saw the view. Puro berde ang nasa baba at iilang mga kabahayan. Sa malayo ay tanaw din ang asul na asul na dagat.
"It's so pretty. I really like it here..." bulong niya.
Tumabi sa kaniya si Adi at nagmasid na rin sa paligid. Malakas ang hangin doon. Sinulyapan niya ang Señorita na hinahangin ang ilang hibla ng buhok habang pilit nitong sinisikop ang iba. Adi's jaw clenched as he appreciated her face.
Napakurap ang binata. "Señorita..." aniya.
Nilingon siya ng dalaga at agad silang nagkatitigan. "Yes?" mahinahon niyang tanong.
Adi swallowed hard. He's never scared of anything. He's known for being strong minded, confident, intelligent, and strength. But now, he is hesitant. He's feeling nervous. Pakiramdam niya ay sasabog ang puso niya.
"What is it?" Soledad asked again.
Umiwas ng tingin si Adi at natulala sa kawalan. "Ang ganda mo," aniya.
Soledad was stunned for a while then her forehead creased. "You're really saying that without looking at my face?" she asked sarcastically with a hint of smile on her lips.
Tumikhim si Adi at nilingon muli ang dalaga. Ngayon ay mas may lakas na siya ng loob. He stared at her intensely.
"Ang ganda mo, Soledad," aniya.
Pakiramdam niya ay pagmamalabis ang tawagin ang dalaga sa pangalan lang nito pero pakiramdam niya rin ay iyon ang tama. Adi loves saying her name.
Nagkatitigan sila nang matagal. Pumainlang ang katahimikan at ang tanging tunog na maririnig ay ang malamyos na hampas ng hangin.
Bumaba ang tingin ni Adi sa labi ni Soledad. Lagi niya itong napapansin. It just inviting everytime he looks at it. Binalik niya sa mga mata ng dalaga ang titig ngunit tila hinihila siya ng mga labi ni Soledad.
"Have you ever kiss someone, Adi?" she suddenly asked that made the mighty Adolfo Linarez so weak and nervous.
He swallowed hard. Why would she ask that? Hindi siya makasagot.
"Si Angeline, nahalikan mo na ba siya?" tanong ni Soledad nang 'di agad ito nakasagot.
"Hindi. Wala pa..." namamaos na sagot ni Adi. Napahakbang siya palapit kay Soledad. "Hindi pa ako nakahahalik kahit kailan. Wala akong interes..."
Soledad suddenly realized that she was playing with fire. She just wanted to tease him dahil nakailang sulyap ang binata sa labi niya pero ngayon, siya yata ang maaapektuhan sa larong sinimulan niya.
"...pero ngayon, gusto kitang halikan," pagtutuloy ng binata.
And at that moment, she wants it, too.