There was a tension for a minute pero agad ginawan nina Oli ng paraan para mawala iyon at mapalitan ng tawanan. Bumalik sila sa may kubo-kubo. Agad lumayo si Soledad kay Adi dahil dikit na dikit dito si Angeline. Ngayon ay may rason tuloy siya para mairita sa babae. She feels like Angeline is such a 'pick me' kind of girl and she hates that kind of girl so much. Iyon 'yong mga klase ng babae na hihilain pababa ang iba para lang umangat at maging kapuri-puri.
"Tara," aya sa kaniya ni Adan at ito ang umalalay sa kaniya paahon.
Soledad accepted his offer and went with him. Sinuot niya muna ang polo na suot kanina para hindi siya lamigin pagdating sa may kubo.
Hindi napansin ng dalawa ang paninitig ni Adi sa kanila. And while Adi's gaze was glued on them, Angeline was watching him look at them.
"Kainan na!" excited na saad ni Sonia.
Si Oli at Sonia ang magkatabi, sunod ay si Nina, Angeline at Adi. Tapos si Ruben at Eliza, si Soledad at Adan naman ang magkatabi.
Kaniya-kaniyang sandok ng pagkain ang bawat isa, inilalagay 'yon sa kaniya-kaniya nilang paper plate. Soledad was smiling while they were doing that. Nagkakatuwaan kasi at nagtatawanan habang ginagawa 'yon. She realized that she's loving this kind of set up of bonding so much— laughter and telling stories while eating delicious food.
"Talon tayo mamaya galing do'n sa tuktok," aya ni Ruben kina Oli, Adan, at Adi na agad sinang-ayunan ng mga lalake.
Angeline pouted. "Mga kalokohan niyo, baka mapaano pa 'tong si Adolfo no'n!" saad nito.
Napaangat ng tingin si Soledad at tinignan ang mga nasa harap niya. Nagtawanan ang magkakaibigan. Si Adan naman ay halata ang iritasyon sa mukha habang natatawa.
"Ano ka ba, Angeline? Kay Kuya ka pa talaga magiging protective, simula bata kami ginagawa na namin 'yan," ani Adan at napailing.
Si Oli ay tawang-tawa rin. "Akala mo baguhan si Angeline dito. Patawa ka."
Si Angeline naman ay mukhang offended sa litanya ng dalawang lalake pero itinago 'yon sa pilit na ngiti.
"Ang sarap-sarap talaga ng luto ni Nana Rona," ani Eliza habang ganado kumain. "Salamat sa pag-sponsor, Señorita. Sarap tuloy ng pagkain natin ngayon."
Soledad just smiled and nodded while lightly pulling the barbeque from the stick with her teeth.
"May dessert pa, leche flan!" ani Sonia naman.
Si Angeline ay napaangat ng tingin. "May dessert pa diyang isa ha, 'yong dala kong kakanin. Biko."
"Masarap din 'yon pero mukhang unang titirahin ng lahat 'yong leche flan," natatawang saad ni Oli.
Nina chuckled and nodded. "Palagi na kasi nating pagkain 'yan. Breakfast pa nga madalas."
Kumunot ang noo ni Angeline at hindi nagsalita ngunit napunta ang titig niya kay Soledad na tahimik at nag-eenjoy lang sa pagkain. Unti-unti ng nabubuo sa isip niya na tila isang threat si Soledad sa kaniya.
Dessert na ang kinakain nila at katulad nga ng sinabi ni Oli, unang nilantakan ng lahat ay ang leche flan. Tanging si Angeline ang kumain mula sa dala niya. Everyone was not thinking about it, just her. Lalong naging mapait ang pakiramdam niya nang makitang sarap na sarap ang mga kaibigan sa dala ni Soledad, hindi na napansin ang dala niya.
Kumuha siya ng portion ng biko gamit ang tinidor at iniumang iyon sa bibig ni Adi na abala rin sa leche flan.
"Say ah!" Angeline said playfully followed with her giggle.
Natigilan ang lahat at napatingin sa kanila.
Eliza laughed. "Yiieh! Ang tamis naman!" pang-aasar nito na lalo yatang ikinatuwa ni Angeline.
Soledad just watched them with her brows furrowed. They look so cheesy. Kumibot ang labi niya. Corny.
Adi on the other hand looks uncomfortable but he doesn't want to hurt Angeline's feeling. Kukunin niya sana ang tinidor mula sa kamay ng babae para siya na ang sumubo sa sarili pero nakangiting inilayo 'yon ni Angeline.
"Sige na, Adi. Nangangalay na si Angeline!" natatawang saad ni Sonia.
Tila walang nagawa si Adi at kinain na nga 'yon. Napatingin pa siya kay Soledad. She just made a face showing how cheesy they look like then she focused on her food again.
"Gusto mo tikman?" tanong ni Adan na katabi niya.
Nilingon ni Soledad ang katabi. "Is it good? Hindi pa ako naka-try niyan," saad niya.
Tumango si Adan habang nakangiti. "Huwag ka matakot mag-try ng bagong pagkain, Señorita. Tumikim ka palagi lalo na kung interested ka," aniya at nilagyan ang plato ng dalaga.
Tinikman iyon ni Soledad. She nodded in delight when the taste registered on her taste buds.
"It's good," komento niya.
Adan smirked. "So, gusto mo pa?"
Tumango siya at binigay sa binata ang plato niya para lagyan pa ito ulit.
"Just don't put too much..." aniya.
Nagpatuloy na siya sa pagkain nang ilang sandali ang nakalipas ay bigla siyang naubo dahil muntik mabilaukan. Mabilis na kumilos si Adan para kumuha ng baso at tubig pero mas mabilis si Adi. Tumayo pa si Adi at lumapit kay Soledad para iabot iyon. Marahan pa nitong hinimas ang likod niya.
"Okay ka lang?" alalang tanong ni Adi.
Napaubo ulit si Soledad bago tinanggap ang iniabot na baso ni Adi at ininom iyon.
The group went silent upon the sight. Sino ba namang hindi mabibigla sa sobrang bilis ng kilos ni Adi, sa halos pag-isang hakbang nito sa pagitan nila ni Soledad, at sa labis na pag-aalala nito sa dalaga? He's even lightly touching her back.
Soledad cleared her throat and sighed.
"Thanks," aniya. Paglingon niya sa mga kasama ay doon niya napansin ang ekspresyon ng mga 'to na dali-daling nagsiiwasan ng tingin while Angeline looks like she lost her mood.
Si Adi naman ay tila hindi alintana iyon. "Dahan-dahan lang, Seńorita," mahinahon ngunit mariin nitong saad bago bumalik sa pwesto niya kanina.
Nagpahinga lang sila saglit bago muling naligo. Si Soledad ay nakaupo lang sa gilid habang nakalublob sa tubig ang kalahati ng katawan at pinapanood ang nagkakasiyahang mga kasama.
"Tara, Señorita!" aya ni Nina. Nasa may gitna ito kasama ang iba. Sina Sonia at Eliza ay nakangiti nang nilingon siya pero si Angeline ay walang kangiti-ngiti na nakatitig lang sa kaniya.
She shook her head with a smile. "I'll join you later..."
Ang mga babae ay nagkakasiyahan na habang naghaharutan sa may gitna ng tubig at ang apat na lalake naman ay nag-akyatan sa may tuktok para tumalon mula roon. Soledad can't help but to smile. She appreciate the combination of their simplicity and laughter so much. Ang dali para sa kanila ang maging masaya sa kahit anong sandali.
Nagtilian sina Sonia, Eliza, Nina, at Angeline nang magsimula ng magtalunan ang boys. Nauna si Oli na sinundan ni Ruben, Adan, at Adi.
For a second, Soledad held her breath as she waited for them to resurface again. Malalim kasi ang tubig sa banda na tinalunan ng mga ito. She exhaled in relief when they resurfaced again.
"Gawa tayo ng tricks at exhibition habang nasa ere tayo. Pagalingan," aya ni Oli. "Kayo girls ang mag-score kung sino ang pinakamalupit!" pasigaw na dagdag nito.
Gaano man kaseryoso ang mga ito at hardworking sa oras ng trabaho, tila mga nagiging bata ulit ang mga ito pagdating sa kalokohan. And for Soledad, it was like a breath of fresh air. That's what she needs in her life that requires her to be matured and too serious.
Si Oli muli ang unang sumalang. Pagtalon nito, habang nasa ere ay nagpaikot-ikot pa ito bago tuluyang bumulusok sa tubig. The girls cheered. Napapalakpak din ang Señorita.
Si Ruben na ang nakasalang nang mapaangat ng tingin si Soledad sa may batong hagdan. She saw some people walking down the stairs. Mukhang magkakaibigan din ang mga ito na maliligo rin at picnic. Puro binata ang mga ito. Binalik niya na ang tingin sa mga kasama.
Napatingin ang grupo ng mga binata sa mga kasama niya ngunit agad naagaw ni Soledad ang atensyon nila. Natahimik ang mga ito at sa kaniya na lang tumitig.
Tila hindi nakatiis ang dalawa sa grupo ng mga binatang iyon at nilapitan na si Soledad.
"Hi, Miss," bati ng isa.
Nilingon ni Soledad ang mga ito, nakatingala siya.
Tumaas ang kilay niya. "Yes?"
Nakangiti ang dalawa. "Nag-iisa ka? You wanna hang out with our group?"
Agad umiling si Soledad. "I'm with them," aniya at itinuro sina Sonia.
Kumunot ang noo ng isa. "Really? Bakit ka nag-iisa rito? Come on, we're not bad people. Hang out with us..."
Sa kabilang banda, palapit pa lang ang dalawa kay Soledad ay agad namataan ni Adi ang mga ito. Without hesitation, he jumped into the water kahit si Adan pa dapat ang gagawa no'n. Adi didn't do any exhibition or anything that made his friends confused. Pagbulusok sa tubig ay agad siyang lumangoy patungo sa pwesto ni Soledad.
Tama-tamang paglapit niya ay iritado na ang dalaga sa pangungulit ng mga ito at napatayo na. The guys were eyeing her body maliciously.
"What did I tell you that you can't understand? I said I am fine here and I am with them. Ayoko makipag-hangout sa inyo," mariin na saad ni Soledad.
Humakbang ang isa at akmang didikitan si Soledad at hahawakan ngunit nakalapit na si Adi at agad tinulak palayo ang lalake na halos natumba.
"Huwag na huwag kang magkakamali na hawakan siya," mariin na saad ni Adi.
Agad nagsilapitan ang mga kasama ng lalake at si Adi naman ay hinarang ang sarili sa harap ni Soledad at hinawakan sa palapulsuhan ang dalaga.
"May problema, Kuya?" sigaw ni Adan na palapit na rin kasama ang ibang lalake. Kahit ang mga babae ay napaahon na.
Tumayo ang natumba at akmang aambahan si Adi. "Sino ka ba? Ang yabang mo—"
Susuntukin sana nito si Adi ngunit agad pinigil ng kasamahan.
"Jeff! Huwag!" pigil nito at tinulak palayo ang kaibigan. His face was apologetic when he faced Adi. "Pasensya ka na sa mga kaibigan namin, Kuya Adi. Pasensya na..." saad nito.
Si Adi ay tumiim ang bagang. "Sabihin mo sa kaibigan mo, huwag na huwag mamimilit at humawak ng babae kapag ayaw. At mas lalong huwag na huwag gagawin ang mga 'yon dito sa kasama ko," mariin niyang saad. Seryoso ang boses niya ngunit alam ng kahit sinong nakarinig na may laman iyon na banta. And knowing Adi, he will really do it.
Soledad silently watched them. Matatangkad ang mga binata pero nagmistulang mga maliliit kumpara kay Adi. She then looked at the two guys who made her uncomfortable just a while ago. Sinamaan niya ang mga ito ng tingin.
"May problema ba ang mga kasama niyo, Cyan?" ani Adan na tila nanghahamon na nang makalapit.
Umiling ang lalake. "Wala, Adan. Pasensya ulit, Kuya Adi, at sayo, Miss. Hindi na mauulit," ani ng lalake at hinila palayo ang dalawang makulit na lalake.
Binatukan niya ang dalawa habang pinapagalitan ang mga ito sa pagkakamali. They had a traumatizing past that they got because of Adi at hindi kilala ng dalawang iyon ang binata. Muntik tuloy silang magulpi.
"Ano'ng nangyari? Pinagtripan ba ng mga mokong na 'yon si Señorita?" galit na saad ni Oli.
"Tapos na, Oli," seryosong sabi ni Adi saka nilingon si Soledad.
Si Adan naman ay hinila si Soledad kaya nabitawan ni Adi ang palapulsuhan nito. Hinawakan ni Adan sa magkabilang balikat ang dalaga.
"Okay ka lang, Señorita Soledad?" tanong ni Adan.
Tumango si Soledad at nanatiling tahimik. She was not scared that's why she was silent. Dahil iyon sa unang beses na may nagtanggol sa kaniya nang walang pagdadalawang-isip.
"Baliw ang mga 'yon, ah?" ani Sonia at nilapitan din si Soledad. "Hinawakan ka ba, Señorita?"
Umiling si Soledad. "Okay lang ako, guys. Don't worry."
Si Angeline ay nakataas ang kilay. "Yan ang sinasabi ko kanina. Alam mo na, Señorita? Kaya huwag ka na magsuot ng ganiyan, nabastos ka tuloy. Nasira din ang kasiyahan namin dahil sa gulong ikaw ang dahilan. Mapapaaway pa si Adi—"
"Angeline," mariin na saad ni Adan. "Tama na 'yan."
Naging iritado ang ekspresyon ng dalaga. "What? Totoo naman, 'di ba? Tapos pinili niya pa mag-isa rito. Para ano? Maging agaw-pansin sa mga darating at mabastos—"
"Tumahimik ka, Angeline. Hindi nakatutuwa ang mga lumalabas sa bibig mo," ani Adi.
Natigilan si Angeline at natulala, malamang ay hindi inaasahan ang pagsaway sa kaniya ng matalik na kaibigan. Adi's firm and cold voice made her lips tremble. Kailanman ay hindi siya napagsabihan nito sa gano'ng paraan.
"Talaga, Adi?" tila disappointed na saad ni Angeline at napailing, habang ang mga mata ay namumula dahil sa nagbabadyang luha. Nilingon niya si Soledad saka sarkastikong nginisihan bago nag-walk out patungo sa kubo.
Natahimik ang grupo. Soledad sighed and felt guilty. She feels like she's responsible for this.
Nilingon siya ni Adi. "Iuuwi na kita, Señorita."
Tumango si Soledad at nilingon isa-isa ang mga kasama na tila hindi maipinta ang mukha dahil sa nangyari.
"Right. I'll just change..." aniya at naglakad na rin patungo sa kubo. Agad naman sumunod si Adan para alalayan ito.
Si Nina ay napabuntong-hininga. "Baka ma-feel ni Angeline na pinipili nating lahat si Señorita. Lalo ka na, Adi..." aniya.
Eliza shook her head. "Pero kasi mali naman talaga ang mga binitawan niyang salita. Sinisisi niya pa ang Señorita. Wala naman may gustong mangyari iyon."
Nagkibit-balikat si Sonia. "Basta ako, feel ko na may selosan."
Kumunot ang noo ni Adi. "Selosan?"
Halos mapairap si Oli. "Matalino ka, Adi. Alam mo dapat 'yon," saad ng lalake. "Tara na. Lumapit din tayo ro'n. Isa pang salita ni Angeline, papatulan na 'yon ni Señorita."
NAGPAALAM na si Soledad sa mga kasama at nagpasalamat. Si Angeline ay hindi na siya tinignan. Namamaga ang mata nito, naiyak kanina sa sama ng loob sa sinabi sa kaniya ni Adi.
Tahimik lang sila ni Adi paakyat sa hagdaan na bato, inaalalayan siya ng binata. Pag-akyat do'n ay nilapitan nila ang motor. Ang tanging dala lang ni Soledad ay ang bag niya. Sina Oli na ang bahala magdala ng mga ginamit nila pabalik sa mansion.
Kinuha ni Adi ang helmet mula sa compartment ng motor niya. Soledad stared on it when she realized something.
"You will let me use this again. Kay Angeline 'to, 'di ba?" aniya habang tinititigan ang pink helmet. Ito lagi ang ginagamit niya sa tuwing inaangkas siya ni Adi.
Umiling ang binata. "Hindi ko pinagsusuot si Angeline ng helmet. Malapit lang naman at... hindi niya kailangan."
Kumunot ang noo niya at isinuot na ang helmet. "Kanino pala 'to?"
Adi sighed. "Wala. Nasa bahay lang 'yan. Freebie no'ng binili ko ang helmet ko. Ngayon lang nagagamit, ikaw ang gumagamit."
Natigilan si Soledad at napatingala para matitigan ang binata. Adi's jaw moved as he stared on her. Kapagkuwan ay inayos nito ang pagkakasuot ng helmet sa kaniya.
Kumurap si Soledad at umiwas ng tingin. Hindi niya talaga matagalan ang titig nito.
"Sorry kanina. I kinda feel responsible sa muntik na gulong nangyari. Nag-away pa kayo ni Angeline."
Umiling si Adi. "Hindi ka dapat mag-sorry. None of it is your fault..."
She looked at him again. "But still..." Nakagat niya ang pang-ibabang labi.
Ang mata ni Adi ay napatitig sa labi niya. He stared on it like he's hypnotized.
"No. Huwag ka ma-guilty, Soledad."
Her lips parted a bit hearing her name from his mouth. Her name sounds good in his voice. Napaiwas ulit siya ng tingin.
"Tara na. My Dad will call me anytime soon," aniya.
Sumakay na si Adi at umangkas naman siya. Kumapit siya sa bewang ng binata.
Tahimik lang ang naging biyahe nila. Kapwa sila nalulunod sa kaniya-kaniyang iniisip, hindi na nila namalayan halos na nasa harap na sila ng mansion. Bumaba si Soledad mula sa motorsiklo at hinarap na si Adi.
"Thanks."
Tumango si Adi. "Salamat din sa pagsama sa amin."
Napangiti na nang tuluyan si Soledad. "Ako dapat ang grateful dahil sinama niyo ako sa bonding niyo."
Adi licked his lower lip. "Sigurado akong masaya ang mga kaibigan ko na sumama sa amin ang Señorita."
Soledad felt warm. It is so nice to know that her mere presence could do that. She's so happy to know that.
"May gusto pala akong itanong—" ani Adi.
"I wanna ask something—" saad naman ni Soledad.
Sabay nilang nasabi iyon. Natigilan sila kapagkuwan ay napangiti sa isa't isa.
"What is it? Go on..." aniya.
Umiling si Adi. "Ikaw muna."
Kumurap si Soledad saka huminga nang malalim. "Well, I just wanna know if Angeline is really just your bestfriend or like, may secret relationship kayo? Like girlfriend and boyfriend?" curious niyang tanong.
Tumaas ang sulok ng labi ni Adi at umiling. "Matalik lang kaming magkaibigan, Señorita. Hindi na hihigit pa roon ang tingin ko kay Angeline."
Napatango si Soledad habang nakataas ng kilay. Oh, really? Angeline seems to like Adi more than friends though. She shrugged.
"So, what's your question?"
Tumikhim si Adi. "May gusto ka ba sa kapatid ko? Kay Adan?" Walang pagdadalawang-isip nitong tanong.
Soledad's eyebrows furrowed then she chuckled. "What?" she asked in surprised. "No. No, I don't like him in that way. More like a potential close friend or even brother."
Tila nakahinga nang maluwag si Adi at tumango. "Mabuti..." aniya sa baritonong boses.
Tumaas ang kilay ni Soledad. "Mabuti?" tanong niya.
Tinitigan siya ni Adi nang mariin habang may multo ng ngiti sa labi. "Kung sakaling gumawa siya ng hakbang, huwag mong i-entertain ang kapatid ko, Señorita."
Halos mapairap si Soledad. "I know. Hindi mo na kailangan sabihin 'yan," maarte niyang saad.
Tumango si Adi, mukhang kontento sa naging sagot niya. Seryoso siya nitong tinitigan bago nagsalita.
"Mapagbigay ako sa kapatid ko, pero hindi sa pagkakataong ito."