Chapter 6

3045 Words
Hindi siya makapapasyal sa araw na 'yon kaya minabuti na lang niyang magkulong sa kwarto. Focus kasi si Adi sa paglilinis ng garden nila. Soledad doesn't know if Angeline stayed but she doesn't care anymore. Ano naman kung magkasama ang dalawa sa baba? Hapon na nang bumaba siya mula sa kwarto niya. Nakasalubong pa niya ang mayordoma kasunod si Oli at Ruben. Tinulungan nila ang ginang sa pagdala ng mga pinamalengke nito sa bayan. "Magandang hapon, Señorita!" bati ni Oli at Ruben. She smiled a bit. "Good afternoon." "Tama-tama bumaba ka na, Soledad. Nakapagluto na sina Leandra ng meryenda," ani Nana Rona. "Magmeryenda na rin kayo rito Oli at Ruben. Si Adi ay pabalik na rito." Kumunot ang noo ni Soledad. "Saan siya galing Nana?" takhang tanong niya. Napatingin sa kaniya ang mayordoma at napangiti. "Sinamahan ako no'n sa palengke dahil may bibilhin daw siya. Pinauna na ako umalis no'ng nakasalubong ko sina Oli at Ruben dahil may dadaanan daw muna siya." Tumango si Soledad. "Okay..." tangi niyang sinagot. Doon sila sa may porch nagmeryenda. Magsisimula pa lang siya kumain kasama si Ruben at Oli nang dumating si Adi, dala ang ibang mabibigat na pinamili ni Nana Rona. He glanced at her but he didn't stop walking. Diretso itong pumasok sa loob ng mansion. "Nga pala Señorita, swimming na tayo sa may falls bukas. Sasama ka naman, 'di ba?" tanong ni Ruben. Soledad immediately nodded. "Yes, of course. I've been waiting for that," she excitedly said. Si Oli naman ay napangisi. "Ikaw bahala sa babaunin na pagkain, Señorita?" tanong nito. Si Ruben ang nahiya sa sinabi ni Oli kaya siniko niya ito. "Mahiya ka nga, tol!" mariin na bulong nito. Soledad chuckled. "Oo, nasabi ko naman na 'di ba. Don't worry about anything." Napapalakpak si Oli. "Ayun oh! Para naman hindi puro nilagang saging at inihaw na isda handa natin sa picnic. Barbeque sana, Señorita tapos—" Nailing-iling si Ruben sa hiya samantalang si Soledad ay tumango. "Sabihin mo na kay Nana Rona, irequest mo sa kaniya kahit ano. Nasabi ko naman sa kaniya last time na magsi-swimming tayo anytime soon," she said. Nagmamadaling tumayo si Oli at kumaripas ng takbo papasok sa mansion para puntahan na ang mayordoma. Si Ruben naman ay napakamot sa ulo. "Pasensya ka na kay Oli, Señorita..." Soledad smirked. "It's fine, Ruben. Walang problem do'n," aniya. Nahihiya naman na ngumiti sa kaniya si Ruben. Iyon ang naabutan ni Adi. Tahimik itong umupo sa tabi ni Soledad na hindi niya inaasahan. Napatuwid tuloy ng upo ang dalaga. May inilapag si Adi sa harap ni Soledad na maliit na plastic bag. Her eyebrow raised before she picked it. Sinilip niya ang nasa loob no'n at nakakita ng tatlong item do'n. Bumalik na si Oli na ngiting-ngiti na umupo sa harap nila. "What's this?" tanong ni Soledad saka nilingon si Adi. Kumakain na ang binata ng meryenda na nakalatag sa harap nila. "Anti-scar cream. Para hindi ka magkapeklat." Kumunot ang noo niya. "Huh? Why? At bakit tatlo?" Si Oli at Ruben ay pinagmamasdan na sila. "Bakit, ano ang nangyari?" tanong ni Oli. "Hindi ko alam kung alin ang sure na effective kaya binili ko 'yang tatlo," tanging sagot ni Adi. Napansin ni Ruben ang maninipis na sugat sa balat ni Soledad. "Oh, napano ka, Señorita?" Bago pa sumagot si Soledad ay si Adi na ang nagsalita. "Nahiwa sa talahib." Natawa si Oli. "Ang liliit naman niyan. Kung makabili ka naman ng cream para diyan Adi, akala mo ay ang laki-laki. Kailan ka pa naging ganiyan kaselan sa sugat at peklat?" ani ng lalake. Adi shrugged. "Hindi bagay sa Señorita ang may sugat o peklat. Dapat inaalagaan ang balat niya," sagot nito. Natulala si Soledad sa mga cream na nasa harap niya. Kaya ba ito sumama kay Nana Rona sa bayan para sa mga ito? Sumadya pa talaga sa bayan para lang bumili ng mga cream. She bit her lower lip and opened one of the three items. Inamoy niya 'yon at sinara ulit. "Thanks, Adi," aniya. Hindi naman kailangan. She can buy it by herself if it's really needed. Pero kung sasabihin niya pa 'yon ay parang iinvalidate niya lang ang effort ng binata. She shouldn't say anything contradicting towards his effort. Soledad chose to be just thankful. "Walang anuman," tanging saad ni Adi. Si Ruben at Oli ay palipat-lipat ang tingin sa dalawa, sunod ay tumagal kay Adi. Then the two guys looked at each other like they are realizing something. Natatawang napatikhim si Oli. "Swimming bukas, Adi, ha? Ikaw ang hinintay namin kaya bukas gaganapin. No'ng nakaraan pa dapat 'yan." Umiling si Adi. "May gagawin ako sa kabilang rancho. Hindi ako makakasama." Si Ruben ay kumunot ang noo. "Sasama raw si Angeline, ah?" Nag-angat ng tingin si Adi. "Busy ako," tila walang interes na saad niya. Bumuntong-hininga si Oli. "Sayang naman. Pero itutuloy namin kasi first time ng Señorita do'n. Gusto na raw niya maranasan mag-swimming sa falls." Natigilan si Adi at nilingon si Soledad na kumakain na ng ginataan na halo-halo ang sangkap. Iniwas niya agad ang tingin bago pa sila magkatitigan muli ng dalaga. "Pero susubukan kong tapusin nang maaga ang trabaho. Hahabol ako. Ano'ng oras ba?" tanong ni Adi. Naubo si Oli habang nakangisi. "Mga 10, Adi. Maghapon na ro'n," sagot ni Ruben at sumulyap kay Oli na tila may laman ang mga titig. "Okay," tipid na sagot ng binata. KINAGABIHAN ay naghanda na si Soledad ng susuotin niya sa pagligo pati na rin ang pamalit niya at ibang essential stuffs like lotion. Hindi talaga mawawala ang lotion niya na may mataas na sun protection. Her phone beeped for a message. Binuksan niya 'yon at nabasa ang message galing sa Daddy niya. Gusto raw nito tumawag bukas. Ngayon sana kaso ay busy raw ito. Nagsimula siyang magtipa ng message. "I missed you too, Daddy. You can call me tomorrow at 5 or 6 p.m. I'm going somewhere bukas, eh." Ilang minuto ang lumipas ay may mensahe ulit na dumating. "Alright, sweetheart. I'll call at 6 pm. Have fun, okay? And please take care of yourself. I love you, anak." She sighed while reading his reply. May sama siya ng loob sa ama niya, sa ginawa nitong pagpapakasal sa kaniya sa matandang lalake. But of course, she still loves him so much. It was the aftermath of his mistakes that led them to this. Pero nang maayos pa ang lahat, walang kapantay ang pagmamahal sa kaniya ng Daddy niya. Spoiled siya at sobrang protektado. "I will. Take care po. Don't forget to drink your meds regularly. I love you too, Daddy." Soledad closed her eyes tightly. She promised herself that she will forget all of the sad things about her life while she's here. I-enjoy muna niya ang kalayaan niya sa maikling panahon subalit minsan ay hindi maiwasan lalo na kung hindi na maalis sa kaniya ang bigat ng dinadala. "I'll forget everything for now. This is for real now. In the mean time, I am Soledad, a happy and free woman," she whispered to herself. Pagmulat niya ay ngumiti siya at pilit muling kinalimutan ang mga problema niya. KINABUKASAN, excited siyang nagising. Matapos niya mag-breakfast ay dinala na niya sa living room ang bag niya na naglalaman ng mga iilang dadalhin niya sa swimming. She's now wearing an oversized longsleeve polo and maong short underneath. May sunglasses siya na nasa ulo niya. Handa na siya at hihintayin na lang ang pagdating nina Oli. 9:30 nang dumating ang magkakaibigan, dala ang mini truck at lahat sila ay sa likod noon nakasakay habang si Ruben ang nasa loob dahil ito ang driver. "Nagdala ba kayo ng ihawan, Oli? O hihiramin niyo 'yung dito sa mansion?" tanong ni Nana Rona. Si Oli ay agad tumango. "May dala kami 'Nay, don't worry!" Nagtulong-tulong ang magkakaibigan na dalhin ang mga hinandang pagkain para sa picnic nila. Nakalagay 'yon sa malalaking tupperware. Sina Sonia na ang nagdala ng maraming plastic cups, paper plates, at plastic utensils, pati na rin ang iba pang mga gagamitin. "Ang sasarap naman ng pagkain!" ani Eliza at humagikhik. "Salamat Señorita," dagdag nito. Soledad smiled. "Si Nana Rona ang nag-prepare niyan. You should thank her." Lumabi si Nina. "Pero sa inyo naman po galing ang budget." Soledad just shrugged. Nang ready na ang lahat ay lumabas na sila at lumapit sa mini truck. Inalalayan ni Ruben at Oli na makaakyat sa likod ng truck si Soledad. "Hindi naman ba ako tatalsik nito sa labas?" alanganin na saad niya. She looks at the area. Mababa lang ang harang. "It seems dangerous." Humagikhik si Sonia. "Safe 'to, Señorita. Mabagal lang din naman ang takbo. Sa gitna ka rin namin ipe-pwesto para 'di ka kabahan." Inayos ang pagkakalagay ng mga dala nila sa likod at nag-double check na ayos na ang lahat. "Si Adi pala? Si Angeline din, wala. Akala ko ba sasama siya?" tanong ni Eliza. Napangisi si Oli at sumulyap kay Soledad. "Hahabol si Adi. Madaling araw pa lang pumasok na sa trabaho niya sa rancho para tama-tama, pagdating natin sa falls, tapos na siya at susunod na." Napahalakhak si Ruben. "Gumawa talaga ng paraan, makasama lang." "Kasama kasi si Angeline," ani Nina. Natawa lalo si Oli at umiling-iling, tila kontra sa sinabi ng kaibigan pero hindi na umimik. Si Soledad naman ay kumunot ang noo. "So, sabay silang pupunta sa falls ni Adi?" she asked curiously. Ngumisi si Oli. "Baka gano'n nga Señorita kasi for sure, didiretso 'yon sa bahay nina Adi. Si Adan naman, nauna na roon sa falls, ni-ready na pwesto natin." Tumango siya. Kasama pala si Adan. That's good. Pagkatapos ng ilang minutong biyahe ay tumigil na ang mini truck. Luminga si Soledad ngunit puro puno lang ang nakita niya. Nagbabaan na ang mga kasama niya at agad naman siyang inalalayan ng magkakaibigan pababa. Kaniya-kaniya silang kuha ng mabibitbit. Si Soledad ay sukbit ang bag na dala niya. Ang pinabuhat na lang sa kaniya ay 'yong naglalaman ng paper plates, plastic cups, at mga plastic utensil. Then they walked across a hanging bridge made of woods. Narinig na agad niya ang lagaslas ng tubig kaya lalo siyang na-excite. After a while, they finally arrived at their destination. Hindi gano'n kataas ang falls. Pwede ngang galing sa tuktok ay tumalon pababa pabulusok sa tubig. The pristine water was inviting. Puro puno ang nasa paligid at wala man lang mga basura. Ang tanging kalat ay mga tuyong dahon at mga sanga. Soledad's lips parted in awe. She appreciated the nature more. "Ganda ba, Señorita?" nakangiting tanong sa kaniya ni Eliza. She smiled. "Super..." Kailangan pa nilang bumaba sa may batuhan. Mabuti na lang ay naayos na 'yon na tila hagdan kaya hindi mahirap bumaba. Kumaway sa kanila si Adan at nilapitan sila. Imbes ang unahin na tulungan ay si Oli na may dalang ihawan sa isang kamay at sa isa ay malaking tupperware na naglalaman ng pagkain, si Soledad ang sinalubong nito at kinuha ang mga dala ng dalaga. "Ano 'yan, Adan?" iritadong saad ni Oli. "Bulag ka ba? Tigilan mo pag-damoves kay Señorita!" Nagtawanan ang magkakaibigan. Adan just flashed his infamous smirk. "VIP treatment para sa isang señorita." Inirapan niya 'to. "No need naman." Ang maganda pa sa lugar ay may pwesto kung saan may maliit na kubo-kubo. May upuan na gawa sa kawayan at mesa kaya may paglalagyan sila ng mga gamit at hindi sila mag-aalala na baka mabasa. "Señorita, si Adi ang gumawa niyan," pagbibida ni Oli. Soledad was surprised. "Really?" she uttered and scanned it with her gaze. "Kahit sa bahay nila, siya rin ang nag-ayos no'n. Siya rin gumawa ng furnitures nila. Galing ni Adi, 'no?" dagdag ni Oli. Si Adan naman ay tumango. "Talented talaga si Kuya. Pulido at quality ang mga gawa," pagpuri nito sa kapatid. Nagsimula na sila maghanda. Inilatag na nila ang mga pagkain. Nag-set up na rin ng ihawan para makapagluto na. "Hi, guys!" Sabay-sabay silang napaangat ng tingin. Pababa na sa batuhang daan si Angeline at Adi. Inalalayan ng binata ang babae. Tumaas ang kilay ni Soledad habang pinagmamasdan sila. "Mabuti dumating na kayo!" ani Ruben. May dala si Angeline na kakanin na nasa bilao pero si Adi ang may bitbit noon. Agad pinagmasdan ni Adi si Soledad nang makalapit pero saglit lang siya nitong tinignan at kinuha na ang camera niya. Soledad started taking pictures of the place. It is just so beautiful, she wants to have clear memories of it. Nagsasalita si Angeline nang lumapit ulit si Soledad sa mga kasama. "Let's take pictures," aniya. Excited naman na pumayag ang mga kasama niya at hindi na napakinggan si Angeline. Nag-step forward si Soledad at inextend ang kamay para sa group photo. Tumabi sa kaniya si Adan at umakbay sa kaniya. They made different poses and took lots of picture. Soledad checked the pictures. Lahat ay ngiting-ngiti. Kumunot ang noo niya nang makita na si Adi ay seryoso ang mukha, parang 'di natutuwa. Biglang dumikit si Adan kay Soledad at nilahad ang kamay. "Patingin ng pictures," ani Adan. Soledad handed him the camera. "Sure..." Nilingon niya si Adi kapagkuwan ay naabutan itong pinagmamasdan sila. Tinaasan niya ito ng kilay. Magsasalita sana siya pero inakbayan ulit siya ni Adan at pinaharap sa camera. "Picture tayo," ani Adan na pinagbigyan niya. She smiled on the camera. Pareho silang ngiting-ngiti ni Adan. "Ang ganda-ganda mo talaga, Soledad," ani Adan. Soledad smirked. "I know..." Hindi problema ang init ng araw do'n dahil nga napapalibutan naman ng matataas at mayayabong na mga puno. That's why Soledad was so happy that she would be able to swim nonstop without worrying about sunburn. Niluto na ni Nina ang barbeque. Kaniya kaniya ng sulong ang magkakaibigan sa tubig. Sunod na tumalon ay si Adan na topless at nakashort lang. He was grinning at Soledad. "Tara na, Señorita!" Natawa si Sonia. "Naka-polo kang maliligo, Señorita?" tanong nito. Sasagot sana si Soledad ngunit humagikhik nang malakas si Angeline at hinihila na sa tubig si Adi. Naka-spaghetti strap na sando ito at naka-short kaya lantad ang makinis nitong legs. "Halika na, Adi!" saad nito. Adi smirked then removed his shirt exposing his gorgeous body. Tumalon na ito sa tubig na agad sinundan ni Angeline. Agad kumapit ang babae kay Adi. Tumalikod si Soledad at lumapit sa kubo. Kunot ang noo na tinanggal niya ang pagkakabutones ng maong niyang short saka iyon hinubad. Mag-bestfriend lang ba talaga ang dalawa? Napaka-touchy naman yata ni Angeline para sa isang bestfriend? Then she unbuttoned her polo one by one. Inilugay muna niya ang naka-bun na buhok bago tinanggal nang tuluyan ang suot. Hinarap niya ulit ang tubig at agad niyang naagaw ang atensyon ng magkakaibigan. She's wearing a maroon two piece bikini kaya mas lalong tumingkad ang kulay ng maputi at makinis niyang balat. Ang string ng top niya ay nakatali sa kaniyang leeg. Her cleavage was showing generously. Sadyang malusog kasi ang dibdib niya. Ang pambaba naman ng bikini niya ay tila naka-ribbon ang string sa magkabilang gilid kaya kung mahila man ito ay tiyak na mahuhubad iyon. But she's Maria Soledad Valerio. She's very confident to flaunt her flawless body. Animo'y hourglass pa ang hubog ng katawan niya. Napasipol si Adan at tumaas ang sulok ng labi. "Hot," saad nito. Ang iba ay shock na shock na napatitig sa kaniya. Lahat kasi ng babae ay nakashort lang at tshirt, tapos ang mga lalake ay topless. Inakala ng mga ito na si Angeline na ang pinaka-revealing ang suot pero nagkakamali sila. "Para akong magiging lesbian sa kagandahan at ka-sexyhan mo, Señorita," ani Sonia. Si Eliza naman ay napa-sign of the cross pa. Soledad just chuckled and slowly went to the water na agad inalalayan ni Adan. Sanay naman siya mag-bikini. Nakapagsuot na siya nang mas malala pang bikini. Nakapunta na rin siya sa isang sauna sa Japan kung saan lahat ay nakahubad habang naroon pero hiwalay naman ang lugar ng mga babae at lalake. Si Adan ay ngiting-ngiti sa kaniya. "Masyado kang nakakasilaw, Señorita," saad nito at humalakhak. Tinawanan niya lang ito at nilayuan na saka lumangoy-langoy. Hindi agad naka-move on ang mga kasama niya at panay puri pa rin sa katawan ni Soledad. Matapos ang ilang sandali ay uupo sana siya sa may gilid, malapit sa mga kasama, sa tabi ni Adan. Nagke-kwentuhan na kasi ang mga ito habang nakalublob pa rin ang katawan sa tubig. Natigilan siya nang may humila sa kaniya at dinala siya sa ibang pwesto. Natahimik ang lahat at napatingin sa kanila. "Dito ka," ani Adi at pinaupo sa tabi niya. "Nakasusugat ang mga bato ro'n," dagdag nito. "Okay, thanks," sagot niya. Ang kamay ni Adi ay pumwesto sa likod niya. Hindi iyon nakadikit sa kaniya pero sa pwestong iyon, mukhang dominante masyado ang binata na tila ba minamarkahan na bilang kaniya si Soledad kahit pa hindi ito ang intensyon niya. Si Angeline ay kumunot ang noo habang nakatitig sa dalawa. Ang iba naman nilang kasama ay napatingin sa uupuan sana ni Soledad. "Ay, oo nga. Mabuti napansin mo agad, Adi. Sayang ang kinis ni Señorita kung 'di mo napigilan," ani Eliza. Sina Oli at Ruben ay nagkatinginan habang si Adan ay kunot ang noo na pinagmamasdan din ang dalawa. Natawa si Angeline. "Hindi niyo yata nasabi sa Señorita na mabato rito, ganiyan tuloy ang nasuot niya. Kaya nga ako ganito ang suot. Hindi ko rin kasi kaya mag-bikini kasi parang masyadong... mahalay tignan, 'di ba? Hindi appropriate tignan," saad nito at ngumiti. Natahimik ang ibang naroon. Kumunot naman ang noo ni Soledad at nakaramdam ng iritasyon. "Girl, just tell that you can't wear a bikini. Hindi mo kailangan i-drag down ang pagsusuot ng ganito," saad niya. Tila nabigla si Angeline sa pagsagot niya. Nagkaroon tuloy ng tensyon sa pagitan nilang dalawa kaya biglang awkward ang atmosphere. "Sorry, Señorita. Na-offend ka yata," saad nito at matamis na ngumiti. "Nag-aalala lang din ako kasi maya-maya may iba pang pupunta rito, baka mabastos ka kasi ganiyan ang suot mo. Soledad can sense when someone is being sarcastic. Tinaasan niya lang ng kilay si Angeline. Gusto niya pa magsalita ngunit naunahan siya ni Adi. "Hayaan mo siya sa suot niya, Angeline. Swimsuit 'yan, appropriate dito. And I am here, hindi ko hahayaan na mabastos si Señorita Soledad. I can fight," ani Adolfo sa tonong wala ng makakakontra pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD