Nang mabuksan na namin ang pinto ay maraming mga kagamitan ang nasa loob at maalikabok kaya di muna kami pumasok at tinatawag namin si jay.
Di parin sya lumalabas kaya nadisisyunan ko ng pumasok kahit medyo madilim habang pumapasok ay tinatawag ko parin si jay at pumunta ako sa bintana para hawiin ang kurtina na nagpapadilim sa Kwarto.
At inilibot ko ang aking paningin maraming mga lumang aparador at salamin. Sumasama parin ang si Vickie at Karl. Di parin nagpapakita si jay habang ang dalawang Kasama ko ay nasa likod ko at nakakapit sa damit ko.
Melissa (pov)
Jay! Asan kana?
Wala parin sumasagot sa tawag ko kaya pinuntahan ko ang mga aparador at binuksan isa-isa ang mga aparador ngunit Wala si jay at nakita lang namin ay mga aklat na nakatago sa mga aparador at parang magandang babasahin pero di ko parin makita si jay at naiinis na ako sa kahahanap sa kanya.
Melissa (pov)
Kapag di ka lumabas at magpakita sa amin isusumbong kita kay Tito..
Iyan lamang ang akin paraan para sumunod sya sa akin. Ilang minuto na kaming nasa loob at naghihintay sa kanya walang jay ang nagpakita sa amin.
Maya-maya ay may gumalaw sa likod ng aparador at lumabas si jay na may bulaklak sa kanyang kamay.
Kaya nagtaka kaming lahat at lumipat sa amin.
Jay(pov)
Ate! Ate! Ang ganda ng lugar na napuntahan ko.
Ang kanyang pagbabalita sa amin.
Kaya tinanong sya ulit ni Vickie.
Vickie (pov)
Saan ka galing jay?
Kahit ako ay nagtataka sa kanya at may itinuturo sya sa likod ng aparador kaya pinuntahan namin at nakita ang Isang pinto.
At Akala namin na baka papunta labas o Kaya'y veranda at may mga bulaklak na nakatanim kaya nakakuha si jay.
Bubuksan na sana namin ng biglang pumasok si Tito at tinatanong kami kung bakit nandito kami sa attic.
At pinapalabas na nya kami at nagsalita.
Tito(pov)
Wag na kayong pumasok dito dahil maalikabok ang kwartong ito.
Kaya tumango na lamang kami at pumunta sa amin kwarto. Kasama namin si Karl na naglalaro Kay jay habang kami ni Vickie ay nag-uusap sa nakita namin sa attic dahil nga mahilig kami magbasa ng mga aklat.
Ngunit lumapit si jay sa amin at nag kwento tungkol sa pinto sa attic.
Jay (pov)
Ate totoo ang sinasabi ko pumunta sa ibang lugar at nakuha ang mga bulaklak.
Kaya lang ay tumawa si Vickie at di naniniwala Kay jay kaya umiiyak si jay at lumapit sa aking at yumakap sa akin.
Kaya sinuway ko si Vickie sa pagtawa nya Kay jay habang hinahagod ang likod ni jay.
Jay(pov)
Totoo yun sinasabi ko ate Melissa...
Habang patuloy parin ang pagluha na.
Kaya nagsanayon na lamang ako sa kanya upang tumahan na.
Melissa (pov)
Oo, naniniwala na ako ... Kaya tumahan kana ..
Ang pagtatahan ko kay jay hanggang sa nakatulog si jay sa aking tabi dahil narin sa kanyang pag-iiyak.