Habang mahimbing natutulog si jay ay tumabi naman sa aking si Vickie at tinitigan si jay.
"Naniniwala kaba sa sinasabi ni jay ate" tanong ni Vickie sa akin.
Di ako makasagot sa tanong nya.
Kaya umalis ako sa tabi ni jay at pumunta sa bintana habang natatanaw ang labas ng mansion.
Maya-maya ay nakita ko si Tito at ang anak nya na lumabas kasama ang kanilang aso.
"Ate Melissa may mga magagandang aklat sa attic diba, na ating nakita siguro maganda iyun basahan," tanong ni Melissa
Habang papalayo na ang kanilang Tito sa mansion ay napag isip-isip ang dalawang magkapatid na kumuha ng aklat sa attic.
"Naalikabok lamang doon at nakatago sa aparador at hindi naman ginagalaw," pagsasang-ayon ni Melissa.
"Ate bumalik tayo doon, gusto ko maghanap ng magandang babasahin g libro" sabi pa ni Vickie.
"Baka mapagalitan tayo ni Tito , Vickie!" Ang tugon ko kay Vickie.
"Sayang naman Kasi ate!, Wala naman tayong gagawin dito sa kwarto na ito" pagmamakaawa ni Vickie.
"Mamayang Gabi pupunta tayo sa attic kapag tulog na si tito" ang aking pagsang-ayon sa kanya.
Nakita na nya kasi na pabalik na si tito nya sa mansion.
Nang gumabi na ay nagtipon- tipon silang lahat sa lamesa at naghapunan.
Maraming pagkain ang kanilang nakain dahil nga simpleng pamumuhay lang ang kanilang pinaglakihan sa kanilang ama.
Habang sila ay kumakain ay nagsalita ang kanilang Tito na maari na silang mag-aral sa susunod na linggo dahil pasukan na.
Kaya ng marinig ng mga bata ay lalu silang natuwa sa balitang hatid ng kanilang Tito.
"Sabihin nyo lang ang mga kailangang nyo at ibibili ko kayo." Ang sabi sa kanilang Tito.
"Salamat po Tito" ang pagpapasalamat ng magkapatid sa kanilang Tito.
Hanggang sa matapos na ang kanilang hapunan at pumunta nasa kanilang mga kwarto.
Ng maramdaman na nilang natutulog na ang lahat ay pumunta ang magkakapatid sa attic.
"Ate Melissa oras na ba" ang pagtatanong ni Vickie.
Kaya tumango si Melissa at pumunta sa kanilang lamesa at kumuha ng lampara upang makita ang mga bagay sa attic.
Habang sila ay papunta sa attic at handa ng buksan ang pinto ng makita nilang nakasunod ang kapatid na si jay nagising Pala ito at sinundan sila.
Kaya dali-dali silang pumasok at sinarhan ang pinto ng attic. Napakadilim ng attic tangin lampara lamang ang lumiliwanag dito.
"Ate gusto nyo ba makita yun sinasabi ko sa inyo?" Ang pagtatanong ni jay sa amin.
Agad naman pumunta si Vickie sa Aparador at binuksan.
Habang ako ay nasa pinto at tinitignan si Vickie ay pumunta din si jay ay sa likod ng aparador kung nasaan ang nakita namin pinto kanina.
Ate Melissa tignan mo oh, ang ganda ng librong ito!" Habang pinapakita sa akin ang librong hawak nya.
Ate Melissa, Ate Vickie tignan nyo po!.
Sabi naman ni jay habang nasa likod ng aparador.
Kaya pinuntahan na nalang namin at makita ang kanyang itinuturo.