Nang pumunta kami sa likod ng aparador ay nakita namin ang tinuturo ni jay ang pinto sa likod ng aparador.
Kaya lumapit na si Vickie at binuksan ang pinto ay napakadilim kaya itinaas ko ang dalang lampara upang makita ang sa labas nito.
Humakbang si jay palabas at ng nakalabas na sya ay sumigaw sya sa mga pangalan namin.
Ate Melissa, Ate Vickie.. Halikayo para makita nyo ang labas!, Kaya lumabas kami kahit na nakakatakot naman dahil napa kadilim.
Kaya natatakot akong lumabas nauna ng lumabas si Vickie at tinatawag din ako.
Kaya nung lumabas ako ay napamangha sa nakikita ko.
Parang hindi sa bahay ni Tito kami lumabas at nasa ibang lugar na yata.
Kung saan Isang pamilyar na lugar ang aming nilabasan.
Lumabas kami sa lumang minahan kung saan malapit sa aming bahay noong nabubuhay ang aming ama.
Maraming bulaklak ang nakapaligid at makikita mo ang magandang tanawin ng dagat at naglalayag na mga barko.
Pero may kakaiba sa amin nakikita dahil Hindi kagaya noong kami ay umalis na maraming mga kabahayan at mga sasakyan.
Dito ay wala pang mga bahay at mga kabayo ang makikita mong ng lalakad sa daan.
"Ate Melissa, diba dito tayo ng lalaro noong bakit walang mga bahay at sasakyan na dumadaan" ang tanong ni jay sa akin.
Pati ako ay naguguluhan sa mga nangyayari at pinagmasdam ng mabuti ang lugar. May kakaiba talaga kaya naglakad kami patungo sa amin bahay.
Ngunit wala doon ang amin bahay, kundi Isang malaking Puno ang nakatayo at may mga batang naglalaro.
May nagtatakbuhan at nagku-kwentuhan habang kami ay nakatingin sa kanila ay narinig ko na tinatawag ng Isang matandang lalaki ang batang lalaki at pamilyar ang kanyang Mukha.
"Ate, ate Melissa.. tignan mo iyun bata.." Habang tinuturo ni Vickie ang batang tinatawag.
"Parang si papa.. diba ate Melissa?.." tanong ni jay sa akin.
Kaya tumango ako bilang pag-sasangayon sa kanila habang nakatingin sa kanila.
Ng sumama ang bata sa matandang lalaki ay sinundan namin sya.
Papunta sya sa Isang bahay ampunan na may maraming mga bata ang naglalaro sa labas at nakihabilo kami sa kanila kahit na kakaiba ang amin damit sa kanila.
Sinundan namin ang bata pumunta sya sa likod ng bahay ampunan at kumuha ng mga lagayan ng tubig pagkatapos ay pumunta sa balon para kumuha ng tubig.
Habang kami ay nakasunod sa kanya, bigla kaming nabigla dahil may nagsalita sa amin likod ang matandang lalaki na tumawag sa bata.