Chapter 5.

399 Words
"Ricardo halika muna at pumasok, dumating ang mag-asawang de Jesus At hinahanap ka!" Ang tawag ng matanda sa kanya. "Opo Lolo Jose, pupunta na po" sagot ni batang Ricardo. "Ate kapangalan nya si Papa Ricardo!," Sabi ni Vickie. "Oo ka pangalan yah nga," ang sang-ayon ni jay. Nakita namin na sumunod ang batang Ricardo sa matanda. Ate bakit hindi nila tayo kinakausap, di ba nila tayo nakikita? Tanong ni Vickie sa akin. "Hindi ko din alam, Vickie!.' sagot ko kay Vickie. Kaya sinundan namin sila na pumasok sa malaking bahay. Nang pumasok kami ay dumaan kami sa kusina at abala lahat sa pagluluto ng pagkain. "Ricardo nandito ang mag-asawang De Jesus at kasama ang magkakapatid at hinahanap ka!" Sabi ng taga kusinera. Opo manang Corazon!!, Papunta na po, sabi ni Ricardo. Ate diba apelyido ni Tito ang de Jesus?, Ang tanong ni Vickie. Dumaan sila sa mahabang hallway papunta sa sala maraming mga bata ang nanduon at naka palibot ng Malaki. Nakita nina Melissa at Vickie ang malalaking box na hindi pa nabubuksan. At may apat na tao ang nakaupo sa mga upuan na nakapalibit sa tabi ng mga box. Tumayo ang batang babae at tumakbo kay Ricardo habang papalapit sa kanila. Ricardo!, Ricardo!, Halika may mga laruan kaming dala ni mama para sa inyo. Salamat Laura!, At sa magulang mo na hindi humihinto sa pagbibigay tulong sa amin. Ricardo halika, lumapit ka at buksan ang mga box at ipamamahagi sa kasamahang mo!. sabi ng magandang babae. Kaya lumapit si Ricardo sa kanila at binuksan ang malalaking box habang ang batang babae at nasa kilid nya at tumitingin sa kanya at sa mga bata. Isa -isang nilang nilabas ang mga laman ng box, Meron itong mga damit, laruan, at mga sapatos. Kaya nagsigawan ang mga kabataan na kanina pa excited sa mga regalo ng kanilang bisita. Lumapit ng kaunti sina Melissa at Vickie para makita ng maayos ang ginagawa ng mga bata. Isa- Isang lumapit ang mga bata sa kanila at ibinigay ang damit, laruan at sapatos. Habang ang mag-asawang ay magkahawak ang mga kamay at ngumingiti sa mga batang nakapila at kumukuha ng mga regalo na ibinigay nila. Nang matapos nila ipamahagi ang mga regalo ay nagpasalamat ang mga bata sa mag-asawa. Hanggang lumapit ang matandang lalaki at tinatawag ang mga bata para magtanghalian. Kaya naiwan ang mag-asawa at tatlong bata sa Sala. Habang nanonood ang tatlong magkakapatid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD