Nang makita nilang magkapatid na lumabas ang mag-asawa at tatlong bata sa labas ng bahay ampunan ay sinundan nila ito.
"Ate Melissa, baka bumalik tayo sa nakaraan?.." ang pagtatanong ni Vickie sa kanyang ate Melissa.
Nakita nilang lumabas ang matanda at nakipagusap sa mag-asawa at lumayo naman ang tatlong bata sa kanila.
Pumunta sila sa palaruan kung saan meron guma na nakatali ng lubid at nakakabit sa Puno ng mangga at meron ding mga tumba-tumba.
Nag-siunahan ang tatlong bata sa lumang gulong, kaya lang ay naunahan ng batang babae at nakasakay na ito kaya tinulak ng mahina ni Ricardo si Laura at tawang-tawa dahil itinutulak sya ni Ricardo.
Samantala ang kapatid ni Laura na si Arturo ay nakaupo sa tumba- tumba- at nakatingin ng masama sa dalawa na nagtatawanan habang tinutulak ni Ricardo si Laura.
Kaya lumapit si Arturo sa kanila at tinulak si Ricardo para umalis sa pagkakatulak kay Laura kaya natumba si Ricardo sa lupa.
Kaya tumayo si Laura at pinuntahan si Ricardo para tinulungan na makatayo.
"Ano ka ba? Kuya at bigla mo nalang tinulak si Ricardo ng ganyan." Ang pag-alala ni Laura kay Ricardo habang nakatingin sya kay Arturo.
Kaya lang ay bigla nalang hinila ni Arturo ang kanyang kapatid nasi Laura para lumayo kay Ricardo.
Kaya nabigla ding ang tatlong magkakapatid na nakatingin sa kanilang tatlo.
Narinig nila na may sinasabi ang batang Arturo Kay Ricardo.
At sinasabihan ang kanyang kapatid nasi Laura na huwag masyadong lumapit kay Ricardo.
Dahil ayaw nya ito kaya umiyak nalang si Laura.
At buong maghapon ay nakatingin si Laura kay Ricardo na nagdidilig ng halaman habang nakaupo sa tumba-tumba.
Hanggang umuwi na ang buong mag-anak ay nakatingin parin si Laura kay Ricardo. Lumapit ang mama ni Laura kay Ricardo at binigyan sya nito ng pera at sinabihan na mag-aral ng mabuti at niyakap ng mama ni Laura si Ricardo.
Umiiyak na lamang si Ricardo sa mama ni Laura habang niyayakap sya nito.
Dahil sa kanya ay naramdaman ni Ricardo ang pagmamahal ng Isang Ina Kay Misis De la Cruz .
Samantala magkahawak ang mga kamay ng tatlong magkakapatid dahil sa kanilang nasaksihan pangyayari sa batang Ricardo.
Naawa sila sa kanya at kung pwede lang na kausapin nila ito ay kanilang gagawin.
Kaya habang sumasakay ng karwahe ay kumakaway ng kamay si Laura kay Ricardo.
At kumaway pa balik si Ricardo Kay Laura pero bigla lang sinungitan ni Arturo si Laura para sabihin na tama na ang kanyang pagkuway ng mga kamay sa batang Ricardo.
Nang maka-alis na ang karwahing sakay ng mag-asawa ay naiwan nakatingin parin sa daan si Ricardo at dumadaloy parin ang kanyang mga luha.
"ate , ate ... Kawawa naman si Ricardo.. ate ." Umiiyak na sabi ni Vickie sa kanyang kapatid.
"Oo nga ate Melissa, nakakaawa sya." pagsasang-ayon ni jay..
Ng biglang humarap si Ricardo sa kanila at ngumiti..