Nabigla sila dahil ngumiti si Ricardo sa kanila, kaya ngumiti rin sila at kakausapin na sana nila kaya lang ay hindi pala sila ang ningitian kundi ang matandang lalaki na nasa likod nila.
Masayang masaya ka Ricardo at nakita mo muli si misis De Jesus..Sabi ng matandang lalaki habang tinapik sa balikat si Ricardo ng dahan-dahan.
"Pag pasensahin mo na si Arturo at ganyang kabigat ang galit nya sayo." Sabi ng matandang lalaki.
"Okay lang po Lolo" ang tugon ni Ricardo.
Nagising ang tatlong bata sa katok ng kanilang Tito sa kanilang kwarto nagkatinginan ang tatlong bata.
"Melissa, jay nandyan ba kayo ?" Tanong ni Tito.
Nakita nilang nasa kwarto na sila at nakahiga sa kama at maliwanag na ang sikat araw.
Kaya lumabas Sila ng kwarto at agad na pumunta sa attic na kinabigla ng kanilang Tito.
"Anong nanyayari sa inyo?" Habang sinusundan ang tatlong bata.
Pumunta ang mga bata sa attic ng tumigil si Melissa at hinawakan ang mga kamay ng kanyang mga kapatid at humarap sa kanilang Tito.
"Wala po Tito!' ang biglang Sabi ni Melissa at hinawakan ang mga kapatid pabalik sa kanilang kwarto.
Kaya napakamot ng Ulo ang kanilang Tito.
Ng pumasok na sa kanilang kwarto ay sinabihan nya ang kanyang mga kapatid na wag ipagsasabi ang kanilang ginawa kagabi.
Kaya ng promise si jay at Vickie sa kanilang ate.
Nag-ayos na sila ng kanilang mga sarili at bumababa sa kusina at naghihintay na sa mesa ang kanilang Tito at ang kanyang anak na si Karl.
Kaya Bago nagsimula silang kumain ay nagtanong si Melissa king nasaan ang Ina ni Karl.
"Wala na ang kanyang Ina sa panganganak Kay Karl" ang malungkot na salita nang kanilang Tito.
"Pa-patawad po Tito kung nagtanong ako ng ganoong" pagpapaumanhin ni Melissa sa kanyang Tito.
Ngunit huli na ng umiiyak si Karl at yumakap sa kanyang ama.
Mama!!, Ahhh!! Ang naiiyak na sabi ni Karl.
"Diba ang Isang lalaki ay hindi Umiiyak!" Ang mariin sabi ng kanyang ama.
Kaya himikbi ng himikbi si Karl at pa unti-unti na ang kanyang pag-iyak hanggang sa nawala.
Kaya nagsimula na silang manalangin at kumain.
Naging tahimik silang kumain hanggang sa natapos at umalis ang mag-ama papunta sa kanyang opisina at sinama ang kanyang anak.
Kaya na gi-guilty si Melissa sa kanyang ginawang pagtatanong kanina sa kanyang Tito.
Bakit ganoong na lamang ang iyak ni Karl sa kanyang Ina kung hindi nya ito nakita dahil namatay ito sa panganganak at matagal nang nanyari.
At naiisip ni Melissa hindi dapat I kumpara si Karl sa kanyang kapatid dahil magkaibang bata at damdamin. At hindi pa tanggap ng bata na wala na ang kanyang mama.
Nagising si Melissa sa kanyang pag-iisip ng kinalabit sya ng kanyang kapatid.
"Ate!, Ate!, Pumunta ulit tayo sa Attic, please!" Sabi ni jay na nangungulit.
"Mamaya kapag gumabi na at tulog na Ang mga tao dito sa atin" ang paliwanag nya sa kanyang kapatid.
Ate!, Di talaga ako makapaniwala sa na mayroon palang mahiwagang pinto dito sa bahay ni Tito? Pagtatanong ni Vickie sa kanyang kapatid.
"Hindi rin ako makapaniwala na may ganoong bagay dito sa mundo! Sagot nya sa kanyang kapatid.
Habang nasa kwarto ang magkakapatid ng biglang may kumatok sa kanilang pinto.
"Ate Melissa!, Pwede po akong pumasok? Tanong ni Karl sa kanila.
At agad naman binuksan ni Melissa ang pinto.
Kaya pumasok si Karl na may dalang bola at tinanong kung gusto namin maglaro sa labas.
Dahil na naiinip na ang bata sa loob ng bahay at nais naman nitong makipaglaro sa kanila.