Lumabas kami ng bahay at naglaro ng bola pasa-pasahan sina Vickie, Karl at jay habang nakaupo ako sa mga malalaking bato na malapit sa fishpond at mayroon ibat-ibang klaseng isda na makukulay habang tumitingin lamang sa kanila.
Napapaisip parin ako kung ano ang hiwaga ng pinto at bakit parang hindi alam ni tito ang ganoong bagay sa kanyang bahay.
Habang nag-iisip ako ay bigla akong napasigaw dahil natamaan ako ng bola sa mukha.
Napakasakit noon dahil sa mukha pa ako tinamaan kaya nilapitan ako ng mga bata at tinanong nila ako.
"Ate Melissa!, Okay lang po ba kayo. Masakit po ba!, Namumula ang mukha mo!"
Sunod-sunod na tanong ni Jay sa akin.
Kaya tumango lang ako kahit masakit na, napayuko ako dahil sa sakit ng aking mukha at ng napatingin ako sa attic ay nakita ko si Tito na nakatingin sa amin.
Kaya napabawi ako ng tingin sa kanya at pumikit ng mata dahil sa sakit at hanggang sa mawala ang sakit ng aking Mata at muli Kong tinignan ang attic kung naroon pa si tito ngunit hindi ko na sya makita pa.
Bumalik naman sa paglalaro sina Vickie, Karl at jay.
Nang biglang dumilim ang kalangitan at uulan kaya pumasok na lamang kami at pumunta sa kanilang sala at doon na lamang namalagi ng ilang oras.
Nang maggagabi na ay hindi ko pa rin nakikita si Tito Arturo.
Habang nasa lamesa kami at naghihintay kay Tito Arturo kung pupunta ba sya o hindi para kumain.
Kaya lang ay lumapit sa amin ang mayorduma at sinabihan na mauna na kaming kumain at marami pang gagawin si Tito Arturo kaya di na sya pupunta para kumain.
Habang kami ay kumakain ay bigla na lang may narinig kaming lagapok sa itaas at bigla kaming tumigil sa pagkain at tumingin sa itaas.
Sunod-sunod ang mga ingay na amin naririnig sa itaas kaya tumayo na ako at tumakbo para tignan kung ano ang nanyayari sa itaas at kasunod naman ang mga kapatid ko at si Karl.
Ng nasa itaas na kami ay naririnig pa rin namin ang mga ingay na galing sa opisina ni Tito na para bang nagbabasag ito ng mga gamit.
Kaya pumunta kami sa pintuan at pinakinggan ang mga ingay. Ng nabigla kami dahil nasa harapan na namin si Tito dahil bigla nyang binuksan ang pinto.
Lumabas syang may mga dugo sa kanyang kamay at dumadaloy kaya natakot kami sa kanya.
"Bakit kayo naririto sa opisina ko?" Ang mariin nyang tanong sa amin.
Ah!!, Tito Kasi! Ahh! May narinig kaming malakas na ingay dito kaya pumunta kami dito sa opisina nyo!" Nauutal na Sabi ni Melissa sa kanyang Tito Arturo.
"Bumalik na kayo sa mesa at kumain" utos ni Tito habang naglalakad patungo sa attic at dumadaloy parin ang kanyang dugo sa kamay.
Natatakot kaming umalis at bumaba kaya nanatili kami sa pintuan ni Tito ng buksan ni Karl ang pinto ng kanyang papa at nakita namin na maraming mga basag na mga gamit, mga mamahaling vase at kung anu-ano pa ang nabasang.
Nang marinig namin ang tunog ng mga paa ni Tito Arturo na galing sa attic at papunta na sa amin kaya bigla na lang namin nilabas si Karl sa opisina nya at tumakbo pababa.