NAYA MALIA
Nasa tapat ako ng pintuan ng kwarto ni Fabian… magkadaop ang dalawa kong kamay kabadong nilalamukos ito.
Bakit na naman kaya? Ilang araw na simula nang kahit papaano nakabawi-bawi ako ng lakas kaya nakakakilos-kilos na ako paunti-unti. Nakakahiya sa mga kasama ko rito sa bahay kung sa kwarto lang ako mag-hapon kahit sinasabi nilang ayos lang at magpahinga muna ako pero pinilit kong magpalakas.
Huminga muna ako ng malalim bago ako kumatok pinihit ko na ang saradura sabay binuksan. Ipinatawag niya ako na hindi ko alam ang dahilan.
Pagpasok ko agad namilog ang mga mata ko nang maabutan siyang nakaupo sa isang solo couch katabi ay lampshade na tanging iyon lang ang bukas at nagsisilbing liwanag.
Hindi ito ang gumulat sa akin kundi ang hawak niyang baril na nakatutok sa sahig mula sa maluwag niyang pagkakahawak habang ang isang kamay hawak ay sigarilyong may sindi kaya nanigas ako sa kinatatayuan ko pero buti malapit pa ako sa pintuan kaya hinawakan ko ang saradura akmang tatakbo ako palabas pero maagap siyang nag-salita.
“Don't you dare.” HIs voice is so deep and dark that makes my legs trembled.
He gave me a chilling look and almost took my breath away.
“B-Bakit niyo ako p-pinatawag?” nanginginig ang boses kong tanong.
“Come here so you will find out.” He pointed the gun to the edge of the bed signaling me to sit there in front of him.
Katapat ng dulo ng kama ang couch na inuupuan niya kung saan niya ako pinauupo. Ayaw ko man, ang mga paa ko kusa nang lumakad. My body is automatically moving like a slave following his Master’s order sa takot kong hindi siya sundin.
Naupo ako ng marahan sa dulo ng kama kung saan niya ako gusto maupo at ngayon magkatapat na kami sa tamang distansya lang. Para akong estatwa na pigil pati ang paghinga kasabay ng hirap na paglunok.
Napasinghap ako sa gulat nang sa akin niya itinutok ang hawak niyang baril pero wala ang daliri sa gatilyo at humithit pa siya ng sigarilyo habang ang magkabilang bisig niya nakatuon sa magkabila niyang hita na malayang nakabuka… at nakadungaw sa akin.
Nanlaki ang mata ko kasabay ng pag-bukas sara ng bibig ko, kahit pag-t***k ng puso ko hindi ko na ramdam. Is he going to end me? My eyes subconciosly heated and get watered,
He's topless why his masculine body is showing. He looks like in his bad mood.
“You wanna know why you are here?” he asked me coolly.
Hindi ako makasagot dahil sa paninigas habang nasa nakatutok sa akin ang tingin ko.
Hindi ko alam kung ang tinutukoy niya ay ang pagpapatawag niya sa akin dito sa silid niya o ang buong pananatili ko sa poder niya.
Umiling ako, “H-Hindi ko po alam..” tanging naisagot ko.
Nang pagak siyang natawa at sumenyas siya sa aking tumayo ako gamit ang nguso ng baril kaya walang pagaatubuli akong sinunod siya at lumapit sa kinaroroonan niya nang makalapit napadaing ako nang hilahin niya ako bigla braso at iniupo ako sa ibabaw ng hita niya.
Kasabay ng pag-pikit ko itinutok niya sa iialim ng aking baba ang dulo nito kaya hindi ko na napigilan lumikha ng munting ingay dulot ng impit na pag-iyak pero mas lalo niyang idiniin at napasinghap pa ako nang hawakan niya ako sa batok at mas itiningala sa kanya kaya kitang-kita ko ang galit sa mga mata niyang hindi ko alam saan ba lahat nanggagaling…
“P-Please…” I pleaded with sobs at napahawak na ako sa kamay niya.
“I don't know where your anger is coming from…” I said being choked by my own tears.
“Hindi mo talaga sinadyang sabihin sa akin na buntis ka… tama ba?” puno ng galit at hinanakit niyang tanong na hanggang ngayon tila sinsisi niya ako.
Umiling ako. “Sinabi ko nang hindi ko alam—aray!”
Mas humigpit ang hawak niya sa batok ko na ikinadaing ko at napaiyak sa laki at bigat ng kamay niya habang siya pinagmamasdan ang pagsusumamo ko na itigil niya na ito.
Mariin akong pumikit kasabay ng pabagsak ng butil sa gilid ng magkabila kong mga mata.
“A liar b*tch, huh?” Napairit ako nang hawakan niya ako sa leeg sabay tayo niya siyang tayo ko rin at inihagis ako sa kama na ikinatili ko at pahiga akong napaatras sa dulo nito at nahihindik siyang tiningnan.
“H-Hindi ko kasalanan! It was you!” I yelled at him as an act of bravery.
“At sa ipinapakita mo ngayon mas lalo mo lang ginagawang tama ang nangyari, na hindi ka karapat-dapat na magkaanak—”
Hindi ko na naituloy ang pagsasalita sa bilis ng pangyayari nang kinalabit niya ang gatilyo ng baril na hawak niya na siyang nakapagpatahimik sa akin at ikinatulala ko.
Pinakiramdaman ang sarili ko kung sa akin ba tumama ngunit hindi. Sa itaas ng ulo ko sa mismong headboard ng kama bumaon ang bala na nakapagpatigil ng paligid ko at hindi ako nakagalaw… tila tinakasan ako ng sarili kong kaluluwa.
Ipinapangako ko sa sarili sa oras na magkaroon ako ulit ng pagkakataong makaalis dito, aalis ako tutal mukang iisa lang naman ang kahihinatnan ko, p*p*atayin niya rin naman ako mabuti nang subukan ko ulit kahit sa kahuli-hulihang pagkakataon, at least, I tried…
M*matay man ako ngayon o sa gagawin ko sa hinaharap hindi ko pagsisihan ang naging plano ko.
Unti-unti bigla akong tumawa. Tawang ikinabigla niya at bakas sa mukhang natigilan din siya dahil ang inaasahan niya iiyak ako at magmamakaawa pero hindi.
Naisip ko na ano pa nga bang silbi kung inuunti-unti niya rin lang naman ako?
“Bakit hindi mo pa sa ulo ko pinatama?” tanong ko habang nanlalaki ang mata ko at lumuluha.
“Nang matapos na itong paghihirap ko…” mapait ko pang dagdag at muli akong natawa.
“Why don't you beg?” tiila hinahanap niya ang Naya na parating nagmamakaawa sa ganitong sitwasyon pero kung gagawin ko iyon parang bibigyan ko lang siya ulit ng kasiyahan.
“Palagay ko hindi na, hindi rin naman epektibo sa iyo nagiging masaya ka lang lalo…” tahasan at bukas kong sinabi.
“At para saan pa?” Humagikgik pa ako at pinanlakihan pa siya ng mata. “P*patayin mo rin naman ako."