CCHAPTER SEVEN

1271 Words
FABIAN FIERRO Hawak ko ang isang personal na baril at nililinis gamit ang manipis na itim na tela habang kasalukuyang nasa opisina at nakaupo sa solohang itim na leather couch. Itinutok ko sa malayong haliging dingding, sinusubukang iasinta at ipinikit ang isang mata ngunit wala rito ang isip ko... kundi na kay Naya. Nang may biglang kumatok mula sa labas ng pinto kaya natigilan ako. Nag-bukas nang walang pahintulot ko at walang sabi-sabing pumasok na lang si Warren, ang isa sa mga pinagkakatiwalaan kong kaibigan. “Ano itong nabalitaan ko na nakabuntis ka raw pero nakunan?” bulalas nito pagpasok na pagpasok pa lang ngunit hindi ako kumibo. Nasa baril lang ang tingin ko at bumalik ako sa paglilinis nito pero nagtatago ang nagtatangis na kalooban. Naupo siya sa katapat na couch at in-ekis ang mga binti habang hindi ko siya binibigyang pansin nang magpakawala siya ng marahas na hangin mula sa bibig, umayos ng upo, itinuon ang magkabilang braso at siko sa dalawang hita nang wala siyang nakuhang sagot mula sa akin. “Kahindik-hindik ka… binuntis mo na ginulpi mo pa.” Sabay hilaw na natawa saka napa-iling. "Nakakaya pa ba ng konsensya mo, Fabian?” dagdag pa niyang tanong kaya sandali akong tumigil at nag-angat ng tingin sa kanya. “Kung sa bagay… wala ka nga pala no'n.” Ngumisi siya. “Pero curious ako kung anong pakiramdam mo na ikaw ang rason bakit siya nakunan? Is there even a little bit of pain in your cold heart?” Tumaas pa ang dalawa niyang kilay. Natawa ako pero walang tuwa. “Are you here for guilt trippin, Warren?” I asked and put up the gun I'm holding which why he leaned back when I pointed it at him kay napataas siya ng kamay at dinaan sa tawa ang nerbyos. “Ito naman! Parang hindi kaiibigan!” “You know I can shoot you from here, right?” My eyebrows raised still pointing the gun. Kabado siyang tumawa. “O-Oo! Walang duda diyan! Sarili mo ngang anak pin*tay mo ako pa kaya—” Hindi na niya naituloy pa ang sanang sasabihin nang magpanting ang tainga ko at mabilis na kinalabit ang gatilyo na kamuntikan tumanggal sa kaliwang tainga niya kaya napasigaw ito kasabay ng pagmumura! “DAMN MAN!! WHAT THE F*CK?!” gulat niyang bulalas at nasapo ang taingang muntik nang daplisan habang nanlalaki ang mga matang hindi makapaniwalang napatitig sa direksyon ko. “BALIW KA NA NGA TALAGA!” galit pa niyang bulyaw pero madilim lang akong natawa. “How dare you accuse me of killing my own child when I had no idea that she was bearing it?” I asked darkly and my eyes almost about to kill him which makes him shut his mouth but he looked surprised. “You didn't know?”’ May himig duda dito. “But man… you are sleeping with her, dapat sumagi sa isip mo ito…” “How can I if I only see her as a poor servant who's taking care of my needs?” I answered in a cold and pitiless manner. Nang tumawa siya. “Sigurado ka bang iyon lang ang tingin mo sa kanya?” tanong niya na may kasamang panunudyo. Wala sa loob kong napaigting ng panga. “Halos ikamatay mo nga kapag hindi mo nakikita at lintik ka mag-wala noon minsan kang tinakasan ng babae kaya talaga ba na iyon lang siya para sa iyo, Fabian?” Nagawa niya pa akong ngisihan kaya lalo akong nag-tangis. “Sh*t up. You know nothing.” Tumayo na ako at isinukbit ang baril sa baywang ko at nag-tungo ako sa lamesa at kinuha at isinuot ang coat and I also get the car key. Tinungo ko na ang pintuan at akmang palabas na sana ako nang humirit pa ito kaya hawak ko na ang saradura nang matigilan ako sa narinig ko. “Wala naman masamang magppakatotoo sa nararamdaman, kaibigan… ang masama diyan eh… iyung alam mo na sa sariili mong mahal mo na pero naaatim mo pa rin siyang pahirapan kahit wala naman siyang naging kasalanan sa iyo.” Imbis na maantig ako sa sinabi niya natawa lang ako ng pagak at inilagay ang isang kamay sa bulsa kasabay ng pagdidilim ng aking mukha at dumako ang tingin kawalan. “As I have said, you know nothing, so do not get yourself involved.” It served as a warning but he just laughed too. “May alam kaya ako…” Humalakhak pa siya. “You have been so… obsessed with that innocent girl ever since she was a little. Hindi mo alam na sa mga Herrea napunta ang batang iyon na dati ay nilalaro-laro mo lang and you were shocked after you confirmed that she was that little girl from 13 years ago…” Napa tiim bagang ako at sinulyapan ko siya ng masamang tingin nang lumingon ako sa gawi niya ngunit hindi ko siya ganap na hinaharap. Ang tinutukoy niya ay iyong mga panahong ayos pa ang koneksyon ng pamilya ko sa tunay na pamilya ni Naya. “Saka alam mo, Fabian hindi kasalanan ng anak ang kasalanan ng magulang.” He is talking about Naya’s real family na malaki ang naging atraso buo kong pamilya kaya buhay rin ng mga ito ang naging kapalit. “Oo anak siya ng kumitil sa buhay ng magulang mo, matagal na panahon ka nang nakabawi sa kanila kaya bakit iyung nag-iisa nilang anak na babae pa kailangan mo pang pahirapan— “Shut. the f*ck.up,” I said with my gritted teeth as a final warning. Sagad ang galit ko kapag may nagpapaalala sa akin ng matagal nang nangyari. But this assh*le just chuckled. “Malinaw pa talaga sa sikat ng araw na kaya ka malupit sa kanya dahil naalala mo pa rin ang ginawa ng totoo niyang pamilya sa pamilya niyo noon, kawawa naman, siya ang sumasalo ng walang hanggan mong galit,” tila batid ang pangongonsensya ngunit hindi man lang ako tinablan. At sa halip tumawa lang ako. “Do you think I have a conscience?” Ngumisi ako siyang laho naman ng pagkakangiti sa kanyang mukha. “It's still not enough for me… I'm still unsatisfied.” I smirked. “Fabian, wala kang patawad nakunan na nga—” “That's another thing,” I cut him off. “Her real family is a killer too why I lost mine… and now my baby is gone. Anong pinagkaiba niya sa pinanggalingan niya?” “Mag-isip ka, Fabian… tulad mo rin hindi nga niya alam na buntis siya—” “And do you really believe that?” I cut him one more time. “She said she didn't know at least for her to keep it..” “Sh*t! Anong pag-iisip iyan?!” He looked shocked. “Parang sinasabi mo na nagsisinungaling siyang hindi niya alam, na she was aware sinadya niya lang na hindi sabihin para makunan siya at sinadya niyang hindi ipaalam sa iyo kasi gusto niyang mawala, iyon ba ibig mong sabihin?” he asked like it's his business. “Exaclty.” I smirked darkly. "She's also a killer like her parents," I added which made his eyes widened. “This is insane dude! That is an act of blame of projection and self-justification of yours, Fabian…” He shook his head in dismay. “You're blaming her just to save yourself from your own guilt, sa kanya mo lahat isinsisi,” he added, but I just chuckled. “I am not saying I'm clean, Warren… I did what I did too, but she also has part of it.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD