VANESSA POV --
"Nay tapos napo ba kayo?" Tanong ko kay nanay pising.
"Oo iha natapos kona lahat ng mga dadalhin. Ang Tatay Baldo mo? " ani nito
"Nasa Labas napo si itay. Kasama ng kambal. Akin napo iyan nay ako napo ang mag dadala. " sabi ko at kinuha ko sa kaniya ang dalawang malaking Bag na nag lalaman ng mga Gamit nila para sa Tatlong araw na bakasyun sa isla VS na niregalo Pa saakin ni Sebastian nung ika Sampong Taon ng Relasyon namin.
"Sige anak. Mabigat yan ha. "
"Ayus lang po nay. Kaya ko naman po " sagot ko
Habang buhat buhat ko ang Dalawang malaking Bag palabas ng bahay ay kaagad naman ako tinulungan ng Dalawang Lalake na Nag babantay saamin.
"Salamat " sabi ko sa kanila.
"Moma look po mukha po akong Princess dito sa Dress ko sabi ni Lolotay "bibong sabi ng anak Kong si Stepani
"Wow napaka ganda naman ng Princess ko. Nagustuhan mo gift ni tito Jego mo ?" Ani ko sa anak ko
"Opo Moma. Sobrang ganda po, moma gusto korin po ng Pink na Headband "
"Sige pag may oras si Moma. ibibili kita ng maraming maraming Headband gusto moba yun? " naka ngiting sabi ko. Sabay halik sa matambok na pisngi ng cute Kong anak.
Mahigit tatlong taon palamang si Stepani ay kitang kita na ang pagkaka tulad nila ng kaniyang anak. Minana sa kaniya ni Stepani. Ang pagiging maarte. At kikay nung siya ay bata pa
"Wow talaga po moma? Promise po yan ha " masayang sabi ng Anak ko.
"Promise baby. Nasaan na ang Kuya Stepen mo? "
"Kasama po ni Tita Ninang " tukoy nito kay Jenny.
"Sige duon ka muna kay LoloTay mo anak ha. Tutulungan kolang ang mga ninang mo "
"Yes po moma. "Magiliw na sagot ng anak ko at malambing na humalik sa pisngi ko
Tinungo ko ang Silid nina Jenny at Jessa para tanungin ang mga ito kung tapos naba.
" ayyyieee hindi ka naman mukhang excited masyado ate Vanessa ha. " naka ngiting sabi saakin ni Jessa.
" naman, hindi na ako maka pag hintay Pa. Sobrang miss na miss kona sila Daddy at Seb. Oh ano tapos naba kayo? " sabi ko na ikina tango naman ni Jessa.
"Ayus na ate. " sagot ni Jessa.
Samantala kanina kopa napapansin na hindi mapakali si Jenny kaya hinarap ko ito at tinanong.
"Jenny may Problema ba? Naka dalawang araw ko ng napapansin na lagi kang wala sa sarili. Ayus kalang ba? " nag aalalang tanong ko sa kaniya. Nakita ko naman na Ngumiti ito ng pilit bago sumagot.
"Emmmp Vani Ayus lang ba na hindi nalang ako sumama. Medyo masama kasi pakiramdam ko. At ka---
"Aba hindi ate. ! Dapat sumama ka. Lahat tayo kasama . Saka hindi Karin papayagan ni Nanay na mag paiwan dito mag isa no " sabat naman ni Jessa.
Napapansin Kong nag sisinungaling si Jenny. At halatang may iniiwasan ito. Kaya dahil sa Curiosity ko ay umiling ako sa kaniya.
"Oo nga naman Jenny. Saka hindi rin ako papayag na mag paiwan ka dito. At saka mas makaka buti sayo yung lugar na pupuntahan natin. Makakapag Relax ka duon " sabi ko at wala naman nagawa si Jenny kundi ang Sumama nalang.
"Teka nasan si Stepen Jenny. Sabi ni Stepani nandito daw ang kuya niya. . " tanong ko ng hindi ko makita si Stepen.
" nandyan lang yun. " sabat naman ni Jessa
"Anak nandito na si Jego. " rinig naming sabi ni nanay pising. Kaya nauna ng lumabas si Jenny. . At palabas na sana si Jessa ng pamansin ko ang pormahan nito. Kaya hinila ko ito pabalik
"Araaay naman ate Vanessa. Bakit kaba ng hihila? " naka ngiwing sabi ni Jessa habang hinihimas ang kaniyang Braso
"Ang arte mo.! OA ka Jessa ha. Hindi ko naman nilakasan ang pag hawak sayo. Saka mag palit kanga ang pangit ng Outfit mo. " sabi ko sa kaniya.
"At saka. jessa naman bakit ganyan ang suot mo ? Hindi naman tayo manunuod ng Lega "
Pano ba naman kasi naka pang basketball short lamang siya at naka over-sized tshirt na kulay block. Akala moy tambay lang sa may kanto.
"E bakit ba. ? Isla naman yung pupuntahan natin ah hindi naman mall. " pabalang na sagot niya.
"Oo nga Jessa mag palit kanga. Nakakahiya kung ganyan isusuot mo. Puro mayayaman Pa naman ang mga nandun. "Sabat naman ni Jenny na kababalik lang
"Oo na . Ano ba naman laban ko sa dalawa. " ani ni Jessa
"Oh ito isuot mo. Alam Kong kasya yan sayo. " ani ni Jenny sabay abot ng baby pink na Dress na hanggang Tuhod
"Seryoso ka ate. ? Pag susuotin mo ako ng ganyan? Ate naman alam mo naman na hindi ako nag susuot, ng mga ganyan. Mag papantalon nalang ako. " ani ni Jessa
" yan nalang isuot mo Jessa. Sige na please ngayon lang naman e. Saka nandyan na sa Labas si Jego. Kaya bilisan mona mag palit. "Aniko
"Hayaan niyo mag hintay ang kapre nayon. " aniya
At kinuha na ang damit saka nag palit na siya sa harapan namin. Ng matapos ay inayus naman ni Jenny ang kaniyang buhok na hanggang balikat.
"Wow mukha ka ng babae Jessa " naka ngiting sabi ni Jenny
"Abat babae naman talaga ako ah. " sagot ni Jessa
"Hindi. Ngayon kalang nag mukhang babae. Tara na kailangan mauna tayung dumating duon dahil mag aayus Pa tayo duon. " sabat ko.
Nauna na akong lumabas kasunod si Jenny at ang panghuli ay Si Jessa. . Kamuntikan na itong hindi nakilala ng mga magulang.
"Anak ang ganda mo .bagay pala sayo nakasuot pambabae. " ani ng tatay ni Jessa.
"Nako yan nga sabi namin kanina sa Loob Tay. Ngayon lang siya nag mukhang babae.
JEGO POV---
"Kwatro na update mona ba ang kuya Jerick mo? " tanong ni Vanessa saakin. Minsan Kwatro ang tawag niya saakin dahil pang apat ako sa Grupo namin.
"Oo Vani. Nandun nadaw si Kuya sa WhiteHouse . ito naba lahat ng mga Dadalhin niyo? " aniko
"Oo tara na Baka abutin Pa tayo ng Hapon. Kailangan mga 1-am ay nandun na tayo dahil marami Pa tayung aayusin. Lahat ba ng Grupo ay makaka punta? " tanong niya saakin
"Yup. 10 am palang nandun na ang Anim. Nauna na sila duon. " sagot ko.
"Nay, Tay Tara napo. Jenny paki hawakan si Stepen.
"Tito Pogi buhatin niyo po ako " ani saakin ni Stepani.
"Wow ang Cute naman ng Princess namin. "Sabiko sabay Buhat sa kaniya.
"Tito pogi tignan niyo po oh pareho kami ng Color ng Dress ni Tita jessa " sabi ni stepani sabay Turo sa Gawi ng Babaeng kalalabas lang
Kamuntikan ko ng hindi makilala ang Tomboy na si Jessa. "Ang ganda niya" mahinang sambit ko.
Actually hindi naman talaga siya totally na Tomboy. Sadyang Mahilig lang siyang manamit ng pang lalake. At ang angas Pa ng Dating lalo na kapag naka Bonet . Pero ngayon ibang Jessa ang nakikita ko. Napaka Ganda niya, para siyang nag slow-motion sa paningin ko. Bagay na bagay sa kaniya ang Kulay ng Dress sa kaniyang Morenang Kutis
"Tito baka po pasukan ng Langaw ang bibig niyopo "bahagyan Pa akong nagulat ng mag salita ang pamangkin Kong si Stepani. Sabay Hawak sa Baba ko kaya napa tikom ako ng bibig. Hindi kona pala namamalayan na naka tulala na pala ako habang naka ngangang naka tingin kay Jessa.
JERICK POV -----
Galing na ako sa mansyon ng Mga magulang ni Sebastian. Ngunit hindi ko parin mahanap hanap ang Pinsan Kong Sira ulo. Oo nasisiraan na ang pinsan ko dahil mahigit tatlong taon na itong nag lululong sa alak. Hindi rin ito pumasok sa Kompaniya kaya naisip Kong puntahan nalang siya sa bahay nila ni Vanessa. Sa White House. Natatakot man ay Kailangan Kong maka punta duon. Yeah natatakot akong pumunta sa Bahay nila sa White House dahil sa mga Mababangis na hayop na naka tira duon.
Habang papalapit na ang Kotse ko sa Gate ng White House ay pinag papawisan na ako ng Malagkit at nanlalamig narin. Damn takot ako sa aso.
Hindi paman ako nakaka pasok ay sinalubong na kaagad ako ng limang Gwardya kasama ang limang Malalaking aso na kulay itim.
Napapalunok ako ng sariling laway bago ko binuksan ang salamin ng sasakiyan ko.
"Guard nandyan ba si Seb? "
"Oho boss kayu pala yan. Sige po tuloy napo kayo. " sagot ng isang Gwardya kaya sinara kona kaagad ang salamin ng sasakiyan ko dahil hindi ko talaga gusto ang pag mumukha ng malalaking aso na iyon.
Pag pasok ko sa Malaking bahay ay tanging mga Tunog ng mga Hayop lamang sa labas ang naririnig ko sa katahimikan ng White House. Walang ni isang kasambahay kaya tinungo ko nalang ang silid ni Sebastian sa Third-floor . Ngunit wala ito. Tanging mga basag na gamit lamang ang mga nakita ko pati narin ang mga basyo ng bote ng mga alak ang naka kalat sa sahig. Maging sa sala at kusina ay wala rin siya. Tanging mga naka kalat lamang na mga gamit ang nakikita sa loob ng bahay. Naisip Kong umalis nalang dahil mukhang wala naman dito ang pinsan ko. Ngunit bigla ko naalala ang isang Private room sa pinaka Ground hindi iyon nakikita ng kahit na sino dahil tanging ang Grupo lamang ng Otso ang nakaka alam nun ngunit sa hindi sinasadya na nakita ko iyon ng minsang nakita Kong pumasok duon si Sebastian
Pumunta ako sa Likod ng Bahay kung saan naroon ang isang Malawak na Swimming pool pero hindi katulad ng isang ordinariyong swimming pool lamang iyon dahil hindi tao ang naliligo ruon kundi tinitirahan ng Walong nag lalakihang mga Buwaya na alaga Pa ng pinsan ko. Mataas na bakod ang naka Harang at may print password ang Pinto nito ,kaya walang sinumang nakaka pasok kundi sina Seb at Vanessa lamang , sa likod ng White house katabi ng Pader ng mga Buwaya ay merong isang malaking Flower Vase na halos kasing laki kona na naka Gitna Roon. Sa gitna ng Vase ay may maliit na Screan ruon kung saan may anim na Numero ang kailangang pindutin upang gumalaw ang vase. Nakita Kong hindi naka takip ang Screan kaya patunay lang na may Tao sa baba. Pinindot ko ang kulay asul na may naka Sulat na Open, kaya gumalaw ang malaking Vase na para bang may Makena sa Baba. Umatras ito ng konte , kaya napa tingin ako sa Sementong kina tatayuan roon ng Vase kanina . malakas koyun itinulak pababa kaya napa luhod ako. Pag bukas nun ay nakita Kong may Hagdan .idinungaw ko ang ulo ko para sumilip. Nakita ko namang naka bukas ang ilaw kaya naisipan konang pasukin iyon. Kasya lang sa isang tao ang Butas kaya pumasok ako at duon ay nakita ko si Sebastian. Naka upo ito habang nasa tabi niya ang isang Case ng Alak. Kaya napapailing akong lumapit sa kaniya.
Nilinga ko ang tingin sa Loob at nakita ko sa Apat na Sulok nun ay Puro mga masasayang Larawan nila ni Vanessa ang Naka display ruon. Ang kisame at ang apat na sulok nun ay makikita mong Halos wala ng Space Pa. Dahil naka Wallpaper ruon ang mga maliliit nilang mga Larawan. Simula nung mga bata Pa sila hanggang sa maging sila na. 16 years memories naruon na lahat.
Ang mga Bags nila nung nag aaral Pa sila simula Grade 3 hanggang sa college life ,maging First Guitar ni Sebastian ay naroon rin. Duon ko napag tanto na ang Silid na ito. Ay Tambakan ng Memories nila ni Vanessa. Narito Pa ang mga Old Couple T-shirt nila nung Highschool maging ang Badmenton ni Vanessa ay hindi naka Ligtas sa paningin ko
"Grabe nandito na lahat ng mga Ginamit niyo sa loob ng 16 years. Mga Ginamit sa Birthdays, monthsarry, anniversary, valentine's ." Aniko ng mapansin ang mga Kahon na pinag lagyan.
Lahat ng mga Special occasion na pinag gamitan nilang dalawa ay naroon na. Naka sulat Pa ang Mga Buwan at Araw kung kailan iyon ginamit.
"Wow insan napaka tagal na nito . Ito yung binigay sayo ni Vanessa nung Grade six palang tayo, nandito papala to " gulat Kong sabi ng makita ko ang binigay ni Vanessa na Bonet nung kabataan Pa namin nila Sebastian .
"Huwag mong hawakan yan Hik* pano ka naka pasok dito? Alam mobang Bawal pumasok dito? " lasing niyang sabi saakin
" tama na yan pinsan. . Napaka dami mo ng nainom ---
" wag mo na akong pag sabihan. Mas mabuti pang samahan mo na lang akong uminom hik* Bertdey ko ngayon pinsan " lasing niyang Sabi .
Haaaays pano ba to. ? Anong gagawin ko? Pano ko madadala sa isla ang mokong na ito.? Haaays bahala na. Para naman sa kaniyang itong gagawin ko.
"I'm sorry insan kung kailangan kotong gawin sayo. Happy birthday " sabi ko sa kaniya sabay palo sa kaniyang Batok n na ikina tulog naman niya.
To be continue.....
Abangan sa Next ang pag kikita na nila ni Vanessa.