CHAPTER -10❤️

1673 Words
"P*ste talaga ang Sebastian nayan. Muntikan na ako dun. Ahhhrg p*ste May araw Karin! " ng gigigil na sabi ni Margarita "Mommy. Ikaw naman kasi e . Bakit Pa kasi tayo naki sali sa usapan nila. Edi sana hindi tayo nasaktan ng Bebe Sebastian ko. " ani naman ni Rita. Matalim na tingin naman ang pinukol ni Margarita sa kaniyang anak dahil sa sinabi nito. "Napaka B*ba mo talaga. !" Galit at ng gigigil na sabi niya sa anak. ----- "Jenny may pupuntahan kaba mamaya? " tanong ni Vanessa sa kaniyang kaibigan. Nasa Kusina silang dalawa ,mag katulong sa pag luluto para sa kanilang Pananghalian "Bakit beshi? " tanong ni Jenny habang naka tutok parin ang atensyun sa kaniyang nilulutong Pinakbet "Kung wala ka kasing pupuntahan mamaya. Pwede kobang iwan muna sayo ang kambal. May pupuntahan Lang kasi ako. Saka nandito naman ang dalawang bantay na pinadala ni Jego. Gagabihin padaw sa Pag uwi si Jessa. Tumawag siya kanina. ". Sabi niya " ah ganun ba. Oo naman anything para sa mga inaanak ko. Saan ka ngaba pupunta. ?" "Ah bibisita Lang ako sa Dati Kong Pinag tatrabahuan . Sa Restaurant, hindi kasi ako naka pag paalam ng maayos. Saka may gusto Lang akong alamin. " sagot niya. "Sa-sa Restaurant ka pupunta ?" Gulat na sabi ni Jenny na siyang ikina kunot nuo naman ni Vanessa. " oo bakit? " "Wa-wala Lang naman. " ani ni Jenny habang hindi maka Tingin sa kaniya. Hindi alam ni Jenny kung sasabihin baniya ang totoo kay Vanessa na kilala niya ang magkapatid na Lance at Lorence na mga pinsan ni Vanessa. Hindi niya rin alam kung ipag tatapat ba niya sa kaibigan na naging sila ni Lorence nuon at boyfriend niya ngayon si Lance. Masyadong magulo kaya naisip nalang niya na huwag muna banggitin ang mga ito. Subalit hanggng kailan niya matatago sa Kaibigan ang tungkol sa kaniya at sa dalawang pinsan nito. " ah eh Vanessa, Beshi emmp sigurado kabang hindi mo natatandaan si Lance? ". Lakas loob na tanong ni Jenny. "Yun rin nga ang gusto Kong malaman e. Ngayon nakakaalala na ako. Gusto ko sana maka harap si Lance. Dahil gusto kulang alamin kung siya ngaba yung Kuya Lance ko. Ang kapatid ng pinsan Kong Si kuya Lorence ,satingi----Jenny what happen to you?! " sabi niya at nagulat Pa siya ng mabitawan ni Jenny ang Sandok na hawak nito kaya nahulog ito sa paanan niya at tumilapon ang Sauce ng pinakbet sa Skinny pants niya. "Sorry sorry so-- "Jenny okey kalang? "Nag aalalang tanong niya . "O-oo ayus Lang ako. Pasensya na si-sige tawagin kulang yung kambal. Paki tignan Lang ito baka masunog " ani ni Jenny at mabilis siyang tinalikuran. "anong ng yareng dun? " taka niyang sabi. At napapailing na lamang. "Hello Vanessa. Ang tagal mong nawala ah. Bakit ngayon kalang pumasok. Late kana ah " ani ng isang Waitress na naging kaibigan narin niya. "Hi Clowi emmp ,nagka problema Lang saka pumunta Lang naman ako dito para mag paalam sana. " sabi niya. "Paalam ? Saan ka pupunta? " "Mag re resign na sana ako. Emmp nandyan ba si Sir Lance. ?" Sagot niya. "Nako bakit? Akala koba kailangan mo ng trabaho. Bakit ka aalis? ". Muling tanong ni Clowi. "Emmp e kukwento ko nalang sayo mamayang gabi. Pumunta ka sa bahay. "Sagot niya, tanging si Clowi lamang ang naging matalik niyang kaibigan sa Restaurant nayun. "Sige ba basta may suman mamaya, saka Dai kahapon Pa umalis si Sir Lance . Bumalik ng maynila. Ewan konga mukhang importante dahil nag mamadali e. " sabi nito "Ah ganun ba. Sige paki sabi nalang na Pumunta ako dito ,saka paki bigay narin itong Resignation letter ko. Hintayin kita mamaya ha. " sabi niya. .. "Sige mag iingat ka. " pahabol pang sabi ni Clowi at tumalikod na. --- "Kuya Where are you " tanong ni Jego sa kaniyang kapatid na si Jerick ?Nasa bahay bakit? " masungit nitong sagot.. "Where's Sebastian? " muli niyang tanong. ? why? Mukha ba akong yaya ni Seb. ?" "Kuya bukas na ang Birthday ni Seb --- ? oh tapos? "isusuprise natin siyang lahat buka--- ? tssssk duon rin ako galing sa Condo niya kanina. Ayun nag lalasing nanaman. Saka anong Suprise pinag sasabi mo Jego. Alam mong Hindi lalabas ang Pinsan mong Yun. Mas gugustuhin pa ang Bote ng alak ang katabi kaysa sa maki Join sa atin. " sagot ni Jerick. "Aba! kung maka pag salita parang hindi mo rin pinsan ah. Saka basta malaking Suprise yun para kay Sebastian kuya. At bukas ay makikita na nating ngingiti ya--- ?Tsssk asa ka. Alam naman natin na isang tao Lang ang may kayang mag pangiti at mag pabalik sa normal kay Sebastian. " "Exactly, kaya nga tinawagan kita e. Para mag patulong. Para madala niyo sa isla VS si Seb. -- ? what do you mean Jego? , saka may importante akong business Meeting bukas, kaya siguraduhin mong makukumbinsi mo ako sa dahilan at gusto niyo. " Huminga muna ng Malalim si Jego. Bago inumpisahang mag kwento sa kapatid. Sinabi niya kay Jerick ang lahat ng tungkol sa kalagayan at ang mga nang ng yare kay Vanessa .. ?Really ? " hindi maka paniwalang sambit ni Jerick. "Yeah kuya maging ako man ay nagulat ng makita ko siyang buhay. " sagot niya ?Okey ako ng bahala ,mag dadala sa kaniya bukas sa isla. " sagot nito. ----- "Dad diba birthday ni Seb tomorrow. Hindi ba mag hahanda sila Tita Sonia? "Tanong ni Rita kay Don Rafael habang nasa sala silang tatlo "I don't know iha at hindi rin ako makaka punta bukas kung meron man , dahil may Business trip ako bukas at 2days akong mawawala" ani ni Don Rafael.. Pero ang totoo ay pupunta siya sa isla VS kasama niya ang mga Magulang ni Sebastian. Dahil tinawagan na siya ni Jego maging ang mga Magulang ni Sebastian at mga malalapit na kaibigan ng mga ito ay tinawagan narin nito Habang seryosong nag babasa ng Dyariyo ay Sa loob loob ni Don Rafael ay Sobra siyang na ee excite at sobrang Tuwa ng puso niya dahil sawakas ay makikita at makakasama naniya ulit ang kaniyang Unica iha. At sobra sobrang excitment niya dahil makikita at makikilala na niya ang kaniyang kambal na mga apo. "Hon naririnig moba ako? " pukaw ni Margarita sa naka ngiting Don habang napa tulala "Ang saya mo ata Hon. Ngayon lang kita nakitang ngumiti ulit simula ng mawala si Vanessa"kunot nuong sabi ni Margarita. Kanina paniya napapansin na masyadong maganda ang Mood ng Don. Palagi itong naka ngiti. At yun ang nag pasingkit sa mata ni Margarita at napaisip na para bang merong kakaiba. At yun ang dapat niyang alamin. "Ah masaya lang ako hon. Dahil sa wakas ay pumayag na ang pamangkin Kong si Lance na siya muna ang mag papatakbo sa Shoes company Dahil tutal si Lorence naman ang nag papatakbo sa Kumpaniya ni Vanessa. At yung ibang business sa ibang bansa ay ang mga pamankin ko muna ang mamahala. " sagot ng don. "Bakit kami ng anak ko . Hindi mo binigyan ng business na pwede naming pagka abalahan. Or position sa mga Companies natin. At bakit si Lorence Pa ? Bakit hindi nalang si Rita ang mag patakbo sa Naiwang Kompaniya ni Vanessa. ? " naka taas kilay na ani ni Margarita. " Margarita Hon, hayaan mo na lang ang mga pamangkin ko. May mga Tiwala ako sa kanila. " "At saamin wala? " naka taas kilay na sabi ni Rita. "Syempre meron. Pero hindi ko naman pwedeng ilipat sayo ang Kompaniya ni Vanessa at hindi korin pwedeng pakealaman ang lahat ng naiwang pag aari ng anak ko. Dahil ang PVS Company ay minana niya sa kaniyang lolo na Ama ng kaniyang mommy Romina. Kaya wala akong karapatan sa mga Naiwan niya. Lalo na sa mga Binigay ng mga namayapa Kong mga Biyanan sa nag iisa nilang apo. " mahabang litaniya ni Don Rafael. "E bakit si Lorence ang naupo sa PVS ?" Naiinis na tanong ni Rita. "Dahil si Lorence lamang ang pinaka malapit na pinsan niya at pinag kakatiwalaan ni vanessa. Sa lahat ng ari arian niya " sagot ng don Sobrang galit na galit naman ang kalooban ni Rita dahil matagal na niyang gustong makuha ang PVS company at mukhang mahihirapan siyang makuha ito. "Eh ang R Jewelry sino ang namamahala? " sabat naman ni Margarita. Tukoy niya sa mga Naiwang Business ni Romina " lahat ng naiwan ni Romina. Ay hindi korin pwedeng pakealaman. Ni pisong duling ay hindi ko pwedeng galawin. dahil lahat ng mga yun ay Naka pangalan lahat kay Vanessa. At naka lagay rin sa Mga Papeles na iniwan ni Romina sa Kaniyang Abogado na kapag may ng Yare kay Vanessa ay sa mga anak nito mapupunta lahat lahat ng ari arian na naiwan ni Romina maging ang mga minana Pa nito sa kaniyang mga Magulang. " mahabang sabi ng Don. Na siyang nag pagalit naman kay Margarita. "What. ! Kahit anak mo Pa si Vanessa. ?!". Galit at patanong na sabi ni Margarita "Oo. Kahit anak kopa siya. Ay wala parin akong karapatan. Dahil lahat ng Naiwan ng mga magulang ni Romina ay si Vanessa lamang ang may karapatan at yun ang sinabi ng abogado ng mga Castro. "E ang mga ari arian mo? Siguro naman Hon. May Karapatan na kami ni Rita dahil asawa mo naman ako diba? " paniniyak ni Margarita habang seryosong pinaka titigan ang Matandang Don. Napa kunot nuo naman si Don Rafael dahil sa mga Tinuran ni Margarita. " buhay Pa ako Hon. At malakas Pa ako sa Kalabaw. Bakit ang mga Ari arian ko kaagad ang usapan natin?. Saka malalaman niyo rin kapag naibigay kona kay attorney ang Last Will ko. " sagot ng don. Sobra namang napapaisip si Margarita at naiisip niyang palitan kung ano man ang mga ilalagay ni Rafael sa Last Will nito. Ayaw niyang may kahati sila ni Rita sa lahat ng Ari arian ng matanda. //to be continue...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD