CHAPTER -9❤️

1440 Words
"Vanessa bumalik kana . Kailangan ka ng Daddy mo at ni Sebastian. " ani ni Jego sa umiiyak na si Vanessa. "Jego alam mo naman gano ka delikado ,lalo na para sa mga anak ko. Ayaw ko silang madamay. Bigyan mo ako ng oras para mapag isipan koyan. " sagot niya sa binata " mag mula ng bumalik ang memorya ko ay naisip ko naring bumalik na. Ngunit kailangan ko munang ihanda ang Sarili ko lalo na para sa mga anak ko Jego. Pag kakaguluhan kami ng mga media kapag nalamang buhay ako. At hindi imposibleng mapasali ang mga anak ko. Masyado Pa silang mga bata para iharap sila . At yan ang pinag hahandaan ko.. Gusto ko Jego pag balik ko ay pag babayarin ko ng mahal ang mag inang Margarita at Rita lalo na ang Martin nayun. Silang tatlo mag babayad sila sa lahat ng ginawa nila saakin at sa mommy ko. " mahabang sabi ni Vanessa sabay pahid ng luha. "Ku- Kumusta na pala si Seb ? " tanong niya . At nakita naman niya ang pag lungkot ng mukha ni Jego kaya naman kinabahan siya para sa lalaking mahal niya. "Jego? Si Seb kumusta na siya? " tanong niya ulit " emmmp hindi siya mabuti Vanessa , Hindi maayos si Seb. Mahigit tatlong taon narin ng inakala ng lahat na patay kana , at yun ang hindi matanggap ni seb, sobrang dinamdam ni Seb ang pagka wala mo. Nung araw ng kasal niyo , kinagabihan nun ay naglasing siya at nag drive ng sobrang bilis kahit lasing. Dahilan upang maaksidente siya. Mabilis naman siya nadala sa Hospital. Ang akala nga namin ay mawawala rin siya . At sa awa ng Dyos ay hindi naman siya binawian ng buhay ngunit na Comatose siya ng mahigit isang taon, ng magising siya ay ikaw kaagad ang hinahanap niya. Hindi siya kumakain at hindi rin umiinom ng Gamot. Tanging ikaw lamang ang hinahanap at Bukambibig niya. Ang akala nga namin ay masisiraan na siya ng bait. At ng maka labas naman siya ng Hospital ay wala ng ginawa kundi ang mag paka lasing. Sinisira ang mga Kotseng naka Park sa labas ng Kompaniya mo. Binubugbog rin niya ang mga taong umaawat sa kaniya. Ilang beses narin niyang tinangkang mag pakamatay . Kaya mula nun ay Hindi na nawawala sa kaniyang tabi si Kuya Jerick maging ang mga Bantay na kinuha ni Kuya para kay Seb. " pag kukwento ni Jego. , habang Si Vanessa naman ay sobrang napahagulgul sa mga nalaman .. Hindi siya maka paniwala sa mga narinig tungkol sa mga ng yayare sa lalaking mahal niya. Hindi niya ma imagine kung gano kahirap ang pinag daanan ni Sebastian dahil sa kaniya. Sinisisi niya ang kaniyang sarili kung bakit nasisira ang buhay ni Seb. "Sorry mahal ko " sambit niya habang patuloy parin sa Pag iyak. "Sssshhh pareho lang kayo nag hirap ni Seb dahil sa mga ng Yare. Siguro naman hanggang bukas ay malalaman kona ang Disisyun mo. " ani ni Jego habang patuloy sa paghagod sa kaniyang likod. Huminga muna ng malalim si Vanessa at tumango sa kaharap. Dahil sa mga narinig tungkol kay Sebastian ay nabago ang kaniyang pasya. Mahaba ang naging kwentuhan nina Jego at Vanessa at napag kasunduan nila na sa parating na kaarawan ni Sebastian. Ay susupresahin nila ito . Nang maka uwi na si Jego ay inasekaso niya muna Ang kaniyang dalawang anak , nang maka tulog na ang kambal ay lumabas muna siya at tinungo ang dalampasigan .Muli nanaman siyang napapaiyak ng maalala ang mga ikinuwento sa kaniya ni Jego "Mahal I'm sorry, I'm sorry kung nag hirap ka dahil saakin . I'm really sorry " ani niya habang naka tanaw sa asul na karagatan sabay tulo ng kaniyang luha. "Mahal promise ko sayo. Pag balik ko hindi na ako mawawala, hindi kana ulit mag iisa. , mahal alamo malapit na ang kaarawan ng mga anak natin. Magka sunod lang kayo ng birthday at sa araw nayun ay makakasama mona kami , sobrang miss na miss na kita mahal. Konting tiis lang mahal " ani ng kaniyang isip "Ate !" Tawag ni Jessa sa kaniya kaya mabilis niyang pinahid ang kaniyang luha ,bago humarap "Oh Jessa bakit ?" "Umiiyak ka nanaman? , emmp may nag hahanap sayo " sagot nito "Ah wala to . Sino daw ? " "Ewan , basta hinahanap ka . Puntahan mo nalang " sagot ni Jessa at tumalikod na kaya naman sumunod na rin siya Ng maka pasok na siya ay kaagad niyang nakita ang dalawang lalake na naka upo. Malalake ang mga katawan na para bang batak na batak sa pag Gi gym Pagka kita sa kaniya ng Dalawang lalake ay kaagad na tumayo ang mga ito at nag bow na ikina laki naman ng mata ni Jessa. "Seniorita Vanessa" magka sabay na sabi ng Dalawa. "Sino ang nag padala sa inyo dito? " seryoso niyang tanong sa Dalawa. 'Natunton naba ako ni Margarita ? 'Siguro pinag sabi ng dalawang ginang na Nakita nila ako . 'Mukhang wala ng dahilan para hindi ako lumantad' ani ng kaniyang isip "Seniorita ipinadala kami ni Sir Jego " magka sabay na sabi ng dalawa. 'Haaays kanina lang siya nandito. Tapos ngayon wala man lang pasabi na mag papadala siya ng Bantay ' ani ng kaniyang isip at napapailing na lamang siya ng kaniyang ulo ------ "Dad ano to!? Totoo baito?, Sabihin mo saakin na hindi ito totoo. Sabihin mo saakin na buhay Pa si Vanessa " ani ni Sebastian kay Don Rafael. Sabay pakita ng news paper. Na kung saan naka lagay roon ang Balitang Tungkol sa isang sunog na bangkay na natagpuan sa isang isla kung saan malapit sa islang pag gaganapan ng kasal nila, at tinutukoy na iyon raw ang katawan ni Vanessa. Na Nasunog sa pag sabog ng Helicopter Umiling ang Don at ngumiti sa binata. " No iho, hindi yan ang anak ko. Nakakasigurado akong hindi siya si Vanessa --- "At papaano kung siya nga yan. ? Rafael, sebastian hanggang ngayon ba naman hindi niyo parin matanggap sa sarili niyo na wala na si Vanessa. " sabat naman ni Margarita na kararating lamang kasama nito ang anak na si Rita. "Hi Babe" mal*nding sabi ni Rita. Akmang lalapitan na niya si Sebastian ngunit kaagad na nag salita ang binata. " stop Sl*ty B*tch ! " seryoso at madiing sabi ni Seb na ikina hinto naman ni Rita "Tssk ang Hot mo parin talaga babe, hi Daddy" ani ni Rita at binalingan ang Don Para ibeso. "Nakita niyo napala yung news daddy. So ngayon siguro tanggapin nalang natin na wala na talaga ang Step Siste--- "Tumigil ka !" Tiim bagang na sabi ni Sebastian at mabilis na nilapitan si Rita at buong lakas na sinakal ang leeg ni Rita. "Sebastian ! Bitiwan mo ang anak ko! " sigaw ni Margarita sa binata at pilit inaalis ang kamay nito sa leeg ni Rita Binalingan naman ni Sebastian ng matalim na tingin ang Ginang at pabaliyang binitawan si Rita na ikina Bagsak naman ni Rita sa sahig .. Aatras Pa sana si Margarita ngunit mabilis hinawakan ni Sebastian ang leeg ni Margarita at madiing sinakal na halos malagutan na ng hininga si Margarita "say that again , Hindi ako mangingiming balian kayo ng leeg. Hindi Pa patay ang Asawa ko! " tiim bagang sigaw ni Sebastian sa ginang. Pulang pula na ang mukha ni Seb sa Sobrang galit. Samantala namumutla naman si Margarita dahil hindi na ito maka hinga. "iho, sebastian huminahon ka. Bitiwan mo si Margarita baka mapatay mo " nag aalalang sabi ni Don Rafael "Talagang mapapatay kotong mag inang ito dad. !" Sabat naman ni Sebastian at hindi parin binibitawan si margarita "Iho, buhay si Vanessa. Hindi Pa patay ang anak ko. Hindi Pa patay ang asawa mo. Kaya bitiwan mona si margarita " ani naman ni Don Rafael kaya napalingon si Sebastian sa matanda. "Really Dad? Baka naman sinasabi niyo lang yan para hindi ko masaktan itong mag inang ito. "Pina DNA test kona yung bangkay iho. Kaya confirm na hindi si Vanessa yun. Kaya huminahon kana iho " ani ni Don Rafael na ikina Lambot naman ng anyo ng mukha ni Sebastian. At kaagad na binitawan ang leeg ni Margarita Habul hininga naman si Margarita na kaagad nilapitan ni Rita para itayo ang ina. "Let's go mom " aya ni Rita sa ina kaya naiwan ulit sina Sebastian at Don Rafael. Napapahilamos na lamang sa sariling palad si Seb at napa luhod na lamang sa sobrang panghihina , hindi na niya napigilang mapa hagulgol sa harapan ng Don. // to be continue.....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD