"Class, papasukin niyo na 'yong mga parents niyo." Utos sa'min ng adviser namin kaya nagsimula nang magsitayo ang mga kaklase ko pero nanatili pa rin akong nakaupo.
Parents, huh... pumangalumbaba ako at itinuon ang tingin ko sa mesa ko. I wanted to go home. Already. Para saan ba at nandito pa ako? All of this was nonsense. Lahat-lahat. Pero ang saya nila.
Mayro'n silang wala ako.
Mayro'n silang papapasukin. Ako, wala. Mayro'n silang kasama. Ako, wala.
Mayaman kami. Mas mayaman ako sa kanila. Bakit mayro'n sila no'ng wala ako?
A long sigh escaped my lips as I tried to find the answer. I couldn't find it. I was finding it a long time ago... and the answer I could find was... insecurities. Hindi iyon tama. Mali. Maling-mali, kaya sinubukan ko ulit na maghanap ng sagot.
Ano pa bang hindi nabibili ng pera?
Siguro, 'yon 'yong mayroon sila na wala ako.
"Ikaw Jazz, wala ba 'yong parents mo sa labas?" Nakangiting tanong sa'kin ni ma'am. Umiling lang ako at hindi nagsalita ng kahit isang salita.
Wala akong parents. Mayro'n pero parang wala. Lagi akong naghihintay tuwing ganito ang event pero lagi rin akong nadi-disappoint tuwing si yaya ang nakikita kong dumadating. Hindi naman sa galit ako sa kanya. Siya nga ang lagi kong nasa tabi. Ang uma-attend sa mga meetings na kailangan ng guardian. Parang nanay ko na si yaya.
Pero... hindi ko pa rin maiwasang hanapin 'yong presence ng totoo kong nanay. Kahit na wala. Patuloy ko lang dini-disappoint ang sarili ko.
Eventually, napagod din ako kaya tumigil na. Natanggap ko na wala talaga. Acceptance is the key nga raw sabi ni Deanne. In-apply ko na rito kahit na alam kong tungkol sa ex niya ang sinasabi niya no'n.
"Oh, sayang naman. Ang tataas pa naman ng grade mo." Muntik na akong matawa pero pinigilan ko. Hindi niya ako naiintindihan. Gano'n nga siguro. Nagkibit-balikat na lang ako at hindi inintindi ang sinabi sinabi ni ma'am.
That was an another lie.
Hindi 'yon mataas.
Nakita kong pumasok na 'yong parent ng iba kong kaklase. Sinamahan nila iyong mga parents nila sa mga upuan nila. Mga bagay na hindi ko nagawa mula no'ng bata ako.
Umiwas na lang ako ng tingin at ngumisi para hindi mahalata ang pait na nararamdaman ko. I was envious of them. Kahit na hindi sila honor student o matataas ang grade, pumupunta pa rin 'yong mga magulang nila. Samantalang ako, kahit anino man lang ni mama, walang makita.
"Oh, Jazz. Ako muna ang pinapunta ng mama mo, busy raw kasi siya..." Nandito na pala si yaya. Umusod ako ng kaunti sa upuan ko para makaupo si yaya.
"Yeah, saw it coming..." Tamad kong sagot at pumangalumbaba ulit. Lagi namang ganito. Busy. Walang oras para rito. Ano pa bang bago? Sa tagal na ganito, nasanay na ako.
"Good afternoon po mga parents. So I think, pwede na po tayong mag-start?" Tanong ni ma'am na tinanguan lang ng ibang magulang. Iyong iba ay busy sa pakikipag-usap sa mga anak nila.
May mukhang masaya at may ibang pinapagalitan. Kahit ano roon, wala akong naranasan. Ganito yata kapag sarili mo lagi ang kasama mo.
Kuhanan namin ng card ngayon for first grading. Wala naman sigurong bago. More or less, iyong mga top students no'ng Grade 9 kami ay iyon pa rin hanggang ngayon. Though, hindi pa rin sure dahil maraming umangat. Palagay ko. Ito na kasi ang last na battle namin.
Next year, senior high school na kami. Magkakaiba na ng school o kung hindi man, magkakaiba naman ng strand. Graduating din kaya kailangan talagang mag-strive for achievement.
"Mga mommies and daddies, lagi niyo pong i-remind 'yong mga anak niyo na mag-aral nang maigi. Lalo na ngayon dahil graduating sila. So far, wala pa naman pong nakakuha sa kanila ng bagsak na grade..." Huminto 'yong teacher namin at lumakad sa harap.
Marami akong pangarap. Pero ang una, gusto kong makalaya. Sa lahat. Lalo na sa parents ko. Gusto kong gumawa ng sarili kong desisyon... 'yong para sa sarili ko at tingin kong magiging masaya ako roon.
"Lahat naman po sila ay nakikita kong nag-aaral nang mabuti. Grade conscious din silang lahat kaya maganda. Kapag may project, nagtatanong silang lahat. Though, expected na talaga iyon dahil nasa star section tayo kaya matatalino." Ngumiti iyong teacher ko.
Probably, pinapagaan pa ang loob no'ng mga parents ng kaklase ko na may mababang grade. Hindi bagsak pero mababa. Walang kwenta – parang bagsak pa rin. Hindi 'yon grade conscious. Magkaiba iyong grade conscious sa ayaw bumagsak.
"Ngayong first grading po, sampo lang ang honor student natin. Sampo lang din po kasi ang nakakuha ng 90 above... well, sayang po 'yong iba dahil kaunting-kaunti na lang ay 90 na kaso wala naman po tayong magagawa roon..." Kinuha no'ng teacher ko 'yong isang pirasong papel sa table.
Pampalubag loob ulit 'yong sinabi ni ma'am. Pinapahaba niya lang ang lahat. Bakit hindi niya pa sabihin na sampo lang ang honor dahil sampo lang ang nakaabot sa standard? Kahit gaano pa kalapit, kapag hindi umabot, hindi umabot.
Hindi naman kasalanan ng tadhana na hindi ka umabot, iyong mismong estudyante ang may kasalanan kasi kulang pa ang effort niya.
"So, ito po 'yong mga with honor natin... tatlo po ang 90. Joseph Iranzo, Diana Bacuyag, Lheriza Miranda. Nakakuha naman po ng 92 sila Rein Manuel, Maoel Antonio at Margarita Llena. 93 si Charlotte Teodoro at 93.4 si Deanne Boringot." Huminto 'yong teacher ko at tumingin sa mga magulang.
That was eight student. Dalawa pa.
Kami iyon. That damn annoying little eyes.
"Mayro'n po tayong dalawang with high honor. Si Aihmiel Jazz Yntela ay nakakuha ng 95.3." Nagpalakpakan naman 'yong mga kaklase ko. Iyong ibang parents naman ay napatingin sa direksyon ko.
"Ang galing talaga ng alaga ko. Ang taas ng grade." Nakangiting sabi sa'kin ni yaya at tinapik ang ulo ko. I just shrugged my shoulders.
Anong magaling doon?
"Ang ating rank one... Yttrium Dash Villafuerte. Nakakuha ng 97.1 na average." Nagpalakpakan ulit 'yong mga kaklase ko. Monster at its finest.
Damn it.
Anong magaling doon kung may mas mataas at mas magaling pa sa'yo?
"Ibibigay ko na po 'yong mga card. Kung may tanong po kayo sa mga grade ng anak niyo, lumapit na lang po kayo sa mga subject teachers nila." Anunsyo nito at nagsimula nang magtawag ng apelido.
"Baltazar..."
"Catulong..."
Rank one ulit siya. Bwisit. Ano bang klaseng pag-aaral ang ginagawa niya? To think na nakakuha siya agad ng 97.1 na 1st grading pa lang? Nakakahiya. Hindi niya pa ginawang 100. Damn it.
"Antonio."
"Bacuyag." Tumayo si yaya at pumunta sa harapan para kuhanin 'yong card ni Diana.
That damn little eyes were starting to get in my nerves.
"Yntela." Lumapit ako kay ma'am at kinuha 'yong card ko. Nilagay ko 'yon sa bag ko nang hindi man lang tinitingnan.
"Maraming salamat po sa pagpunta niyo." Sabi ni ma'am sa mga parents bago sila magsilabasan.
Nauna na rin akong lumabas kay yaya. Kahit papaano, natuwa ako na makakauwi na ako para makapagsimula ng magreview ulit. Tiyak na gagabihin na naman kasi ako kung mamaya pa ako mag-i-start.
"Congrats," Hindi ko sinubukang lumingon nang marinig ko ang boses niya. I was annoyed. Couldn't he see that? This damn element.
"Whatever," mahinang bulong ko at binilisan ang lakad pero ramdam ko pa rin ang pagsabay niya sa'kin.
He really couldn't sense a thing! Ilang beses ko ba kailangang ipamukha sa kanya na ayaw ko sa kanya?
"Mayro'n ka, 'no? Ang sungit mo," his voice was getting in my nerves! I wanted to choke him with my fist!
"As if I care." Mas binilisan ko 'yong lakad ko.
Dapat pala ay sumabay na lang ako kay yaya. Nauna na kasi ako dahil iti-treat niya pa raw si Diana dahil honor ito. Kaklase ko si Diana pero hindi kami gano'n kaclose, anak siya ni yaya. No'ng una, pinapasama ako ni yaya para i-treat din daw ako niya kaso nahiya naman ako kaya tinurn down ko na lang ang offer.
But seeing his annoying little eyes, parang gusto ko na lang lunukin ang hiya ko para hindi siya makita.
"Uy, teka lang. Ang bilis mo maglakad." Napahinto ako nang hawakan niya ang braso ko. Hinablot ko agad 'yon. "Ba't ba lagi ka sa'king galit, Aihmiel?" Nakakunot-noo niyang tanong. I rolled my eyes.
"Naiinis kasi ako sa mata mo, Yttrium..." Pagdadahilan ko.
Naiinis ako sa kanya dahil masyado siyang matalino.
Mas kumunot ang noo niya. "'Wag mo nga akong tawagin na Yttrium. Dash ang pangalan ko," Madiin niyang sabi.
As expected from him. Ewan ko ba kung bakit ayaw niya sa pangalan niyang Yttrium. As if may oras ako para alamin.
"Duh? Pangalan mo rin 'yong Yttrium. Yttrium Dash kaya ang pangalan mo. Nabaliw ka na ba sa sobrang talino mo, ha?" Right. Mas mabuti na mabaliw na lang siya.
"Well, you're partially correct but I still wanted you to call me Dash. Ayoko ng Yttrium." Pinanliitan ko siya ng mata.
"Why do you care? E, gusto kong Yttrium ang itawag sa'yo." Nanliit din iyong mata niya dahilan para magmukha siyang nakapikit.
"E, Dash nga ang gusto kong itawag mo sa'kin. Can't understand that?"
"Ayaw mo ng Yttrium? E 'di Element na lang." Sinuklay niya iyong buhok niya gamit iyong daliri niya. Sign of his frustration.
"Ewan ko sa'yo. Ang g**o talaga kausap ng mga babae," inis niyang sabi.
"You're the one to talk, huh?" Inis ko ring sabi.
Naghiwalay na kami ng landas dahil nasa parking lot na ako. I was glad.
Kumukulo bigla ang dugo ko kapag nakikita ko ang maliliit niyang mata. Kabaligtaran ng utak niya.
Sumakay na ako sa kotse namin at umuwi ng bahay.
Pagdating ko, dumiretso agad ako sa kwarto ko at nagbihis ng damit. Kinuha ko 'yong card ko at tinitigan. Bumagsak ang balikat ko at nawala lahat ng sigla na naipon ko kanina.
Kulang pa rin...
Nagising na lang ako dahil nakarinig ako ng katok sa pinto ko. Hindi ko namalayan na nakatulog ako. Tumingin ako sa wall clock at nakitang dinner time na pala. Hindi ako pwedeng malate.
Tumayo ako at binuksan ang pinto.
"Tawag na po kayo sa ibaba, kakain na raw po..." Salubong sa'kin no'ng isang maid dito sa bahay.
Tumango lang ako at umalis na siya.
Huminga muna ako nang malalim bago bumaba at pumunta sa dining room. Nakita ko roon si mama na nakaupo na, umupo rin ako sa tabi niyang upuan.
Kailan kaya siya nakauwi?
"How was your grade?" I cleared my throat. That was her first question for today. It was also our first talk since week ago.
"Good, I guess..." I casually answered.
Tumango si mama at kumuha naman ako ng pinggan para makakain na.
"Hmm, I see... how about your ranking?" Napatigil ako sa pagkuha ng pagkain at umupo. Humigpit ang hawak ko sa tinidor at yumuko.
"2nd..." Tipid kong sagot.
"What?" She heard it, I know.
"2nd," Ulit ko.
"2nd lang?" Lang...
"I'm still doing my best," I couldn't look at her.
Wala kasi akong mapagmamalaki.
"Best? You're doing your best? And that is your best? You're funny, Jazz. Want to be a comedian?" Sopistikada itong tumawa at sumimsim sa kape niya. Pagkababa ng tasa ay sumeryoso ang mukha nito. "Get a hold of yourself. You're mistaken, it's not the best but a disappoinment."
Disappointment... huh?
I knew it.
"What about Erich? You heard her ranking? First! That was amazing, right? Make her your model. Ayusin mo 'yang pag-aaral mo."
We were here again. Erich again. Damn this. Damn it all.
"This is the first and very reason kung bakit ayaw kong um-attend sa mga meeting niyo,"
Hindi naman kita kailangan doon. Wala naman akong kailangan.
"Strive for more. Make sure na maipagmamalaki ka namin ng papa mo." Nawala na sa paningin ko si mama. Ako naman ay naiwan dito sa dining room na nakatitig lang sa pagkain ko.
Naramdaman ko na lang ang pagyakap sa'kin ni yaya mula sa likod.
"Okay lang 'yan." Hinagod ni yaya ang likuran ko.
I couldn't help but to clench my fist.
Disappointment my face. I already knew it.
Damn it all. I just wanted my freedom.