"Open your book on page 56 and answer the pretest, numbers 1 to 20. Copy and answer. Then tomorrow, we will start discussing our first lesson for second grading period." I yawned while looking at Miss Hernandez. I tried to hear what she was saying but my ears failed. Though, I've heard something about painful...
Mathematics.
Our first subject. Well, Miss Hernandez is our class adviser. Mabuti na lang at sinulat niya sa white board 'yong page kaya nakacatch up naman ako.
Kinuha ko 'yong book ko sa Math at in-open sa page 56. Kinusot ko pa iyong mata ko dahil feeling ko may muta pa ko o ano. Ito agad ang bumungad sa'kin ngayong umaga.
Napabuntong-hininga na lang ako nang makita ko 'yong mga tanong. Sandamakmak na numbers. I hate numbers. As well as symbols... and letters, I guess. Lalo na si x and y. Iyan iyong madalas na example, e.
I knew they hate me, too. The feeling was really mutual.
Kinuha ko na rin 'yong notebook ko at G-Tech na ballpen para makapag-start magsagot.
Pre-test lang naman 'to kaya hindi ko talaga kailangan i-stress ang sarili ko. Isa pa, hindi ko forte ang Math kaya ang mga pre-test na ganito – biyaya talaga sa'kin. Kaso... hindi ako pwedeng umi-score ng mababa.
Pasimple akong tumingin sa katabi ko at nakitang nasa number 10 na siya. Napailing na lang ako. Ba't ba ang bilis niya magsagot? Kakasabi lang ni ma'am na magsagot na tapos number 10 na agad siya? Baka naman, nasimulan niya na sa bahay nila 'tong pre-test?
"Cheating, huh?" Napaiwas ako ng tingin nang magsalita siya. I glared at him.
"For your information, I'm not cheating, Villafuerte." Madiin kong sabi kasabay ng pag-ikot ng mata ko. It couldn't be helped. He was irritating the s**t out of me.
"So, why are you looking at my paper?" Nanliit pa ang mata nito dahilan para magmukhang nakapikit siya.
Minsan, ang sarap na lang dukutin ng singkit na mata nitong si Yttrium.
"Ano bang pakialam mo?" Pinanliitan ko rin siya ng mata.
"Oh, teka... mag-aaway na naman kayo, e." Saway sa amin ni Deanne. Inis akong tumingin sa notebook ko at hinawakan na ang ballpen ko para magsimulang magsagot.
Nakakainis talaga 'tong element na 'to. Umagang-umaga, singkit na mata niya agad ang bubungad sa'kin.
"Uy, Jazz... may sagot ka na sa number one?" Tiningnan ko si Deanne at umiling.
"Hindi pa nga ako nakakapagsagot. Paano ka ba naman makakapagsagot? E, nakakabadtrip 'yong katabi mo. Panira ng araw..." Medyo nilakasan ko iyong boses ko. 'Yong maririnig ni Yttrium.
Bakit ba kasi naging seatmate ko 'to? Sa lahat-lahat. Out of 40 students.
"Someone's talking about annoyance without knowing that she's more annoying..." Mas nanliit ang mata ko nang magsalita pa siya. Hinarap ko ito.
"Nagpaparinig ka ba?" May pagkainis na tanong ko sa kanya.
Lumabas ang ngisi sa labi nito. "Bakit, tinamaan ka ba?"
Oh, ghad. Magaling na siya sa academics, bakit magaling pa siya pati sa pang-aasar?
Binasa ko na lang 'yong mga question at tinry na sagutan. Dito na lang ako magfocus kaysa masira ang ulo ko sa pakikipagtalo kay Yttrium. Knowing him, pagdating sa asaran, hindi ko siya matatalo. I just needed to answer this. Pretest lang naman ito. Hindi pa recorded, so nothing to worry.
Ilang minuto pa at natapos na akong magsagot. 'Yong iba, hinulaan ko na lang. Iyong iba naman ay tinry ko ang best ko para sagutan. Para saan pa ang pagpupuyat ko sa gabi para lang manood sa Youtube ng mga Math Tutorials kung hindi ko gagalingan, 'di ba? Though, medyo nakakaasar pa rin. Pwede naman kasing numbers na lang! Nakakaya ko pa no'ng number lang, e, ba't kailangan may letters pa?
"See you tomorrow, Mango..." Mango ang tawag sa'min ni Miss Hernandez dahil Mango ang name ng section namin. Most of the teachers ay gano'n ang tawag sa'min.
Pagkalabas na pagkalabas ni ma'am, parang nagkaroon na naman ng digmaan dito sa classroom namin. Maingay, may naghaharutan, may nagliligawan, may mga naglalaro ng online games at kung ano pang pwedeng gawin sa apat na sulok ng classroom na 'to. Para pa rin akong nasa elemantary.
Kaya natatawa talaga ako tuwing sasabihin no'ng kapitbahay namin sa probinsya na disiplinado raw ang mga private students hindi katulad ng public. Ewan, parang parehas lang naman kahit hindi pa ako nakakapunta sa public. May kaunting difference lang siguro sa pagtuturo at ambiance ng school dahil nga private. Pero 'yong ugali ng estudyante – gano'n na talaga 'yon.
"Aihmiel." Natigil ako at nilingon iyong katabi ko. My forehead furrowed as I looked at him.
Ba't ba tuwing titingnan ko 'yang singkit niyang mata, naiinis ako? Parang hinihila bigla 'yong trigger.
"Oh?" Tamad kong sagot.
"Ba't ang pangit ng pangalan mo?" I stopped myself from shrugging.
I see... he was going to annoy me again.
"E, ikaw Yttrium. Bakit kapag nakikita ko 'yang mukha mo, naiinis ako?" Irita kong sabi sa kanya at sinimangutan siya.
Automatic na yata ang inis basta sa kanya.
"Hmm... gwapo kasi ako. Siguro hindi ka pa nakakakita ng gwapo kaya tuwing nakikita mo ako, naninibago ka. Well, ngayon naman siguro, hindi ka na maninibago?" I faked my laugh.
"Ang hangin, ha..." Mapait kong ani.
"Nakatapat sa'yo 'yong electric fan." I just rolled my eyes at him. Kahit kailan, laging nakakalusot.
Ano bang mayro'n sa utak niya? Gusto ko na lang kalkalin.
"Nand'yan na si ma'am!" Sigaw ng isa kong kaklase.
Nagsiupuan naman agad 'yong mga kaklase ko at parang may dumaang anghel. Pinigilan ko ang pagtawa dahil kalahati yata ng kaklase ko ay tumayo. Mga wala sa sariling upuan.
"Good morning, class." Tumayo kami pagkabati nito.
"Good morning, Ma'am Kris." Sinenyasan niya kami na umupo kaya umupo na kami.
"Ventura and Iranzo, pakiayos 'tong projector para makapagsimula na tayo." Araling Panlipunan na. Mayro'ng part na history at mayro'n ding tungkol sa kaunladan ng bansa.
Inayos nila Jake at Joseph 'yong projector. Pagkatapos ay nagsimula na si ma'am.
Dapat ay ite-take namin ang pre-test ngayon pero dahil may inaasikaso raw si ma'am, may pinakopya siya muna sa'ming lecture. Diniscuss niya ito saglit at dinismiss na rin kami agad. May 20 minutes pa kami bago dumating 'yong next teacher namin. Wala namang problema dahil si Mrs. Perez na ang sunod naming teacher, pinakapaborito kong teacher. Favorite ko kasi 'yong subject na tinuturo niya which is Science.
Kapag Science ang subject, feeling ko ay nakalutang ako sa cloud nine.
Kabaligtaran ng Math. Pakiramdam ko, patikim ng impyerno 'yon.
"Hoy, Mango! Pahingi ako ng tigpafive!" Sigaw noong treasurer namin sa harap.
"Bakit na naman?" Tanong ni Luis.
"Wow! Makabakit na naman! Ngayon pa lang po ako maniningil." Nakapamewang na sabi ni Charlotte. Class treasurer namin. It seemed that she rised again to get our money.
"Wala akong pakialam. Wala akong barya," aroganteng sagot ni Luis.
Ang lakas ng boses nila. Partida, hindi pa sila sumisigaw. O... tahimik lang talaga ang classroom namin ngayon? Nagpapanggap siguro na tulog ang kalahati namin para hindi masingil na Charlotte.
"E 'di wala. Feeling mo naman ikaw lang pwede kong singilin. Bahala ka d'yan, wala kang sasagutan mamaya!" Masungit nitong sigaw. Nagawa pa niyang umirap bago talikuran si Luis.
"Aba't! Hoy pandak! Ito na nga!" Kumuha ng five pesos si Luis sa bulsa niya at binigay kay Charlotte.
"Magbibigay rin pala, dami pang sinasabi." Inis na sabi niya at padabog na kinuha ang five pesos. Inakbayan naman siya ni Joseph na naroon din sa pwesto nila.
"May crush kasi si Luis sa'yo, Charlotte, kaya siya nagpapapansin sa'yo. Gets mo?" Namula naman ng bahagya si Charlotte. Hindi dahil sa crush siya ni Luis kundi dahil sa crush niya si Joseph at inakbayan siya nito.
Napahilamos na lang ako sa mukha ko. Highschool talaga nagsisimula ang mga gan'yang love-love tapos pagkatapos ng graduation, magbe-break din naman. Mga nagsasayang lang ng oras.
"Jazz, pahinging lima." Nilahad ni Charlotte 'yong kamay niya sa'kin. Kinuha ko 'yong wallet ko at kumuha ng 100 pesos.
"Oh..." Inabot ko iyon sa kanya pero hindi niya kinuha kaya tinaasan ko siya ng kilay.
"Wala akong barya," saad niya.
"E 'di keep the–" Bigla namang nag-abot ng dalawang lima si Yttrium kay Charlotte kaya natigil ako sa sasabihin ko.
"Bayad naming dalawa ni Aihmiel." Kinuha naman iyon ni Charlotte.
"Okay. Thanks." Nilista niya 'yong pangalan namin ni Yttrium sa notebook niya at umalis na sa harap namin.
Tiningnan ko si Yttrium. "Thanks." Mahina kong sabi pero alam ko namang nadinig niya iyon.
"Anong thanks ka d'yan? Libre mo ako mamaya." Pinanliitan ko siya ng mata.
Seriously?
"Anong libre ka d'yan? Anong gusto mong ilibre ko sa'yo? Gulaman? E, kulang pa nga 'yong five pesos para makabili ng gulaman, duh!" I crossed my arm over my chest as I rolled my eyes because of irritation.
"Kung hindi kita binayaran, hindi ka makakapagsagot." He crossed his arm over his chest as well. Gaya-gaya talaga! Halatang idol ako!
"May pera ako, 'no." Giit ko at umismid.
"Wala ka namang barya," pangangatwiran niya.
"Keep the change na—"
"Good morning, class." Tumayo kami.
Naputol na naman ang linya ko kanina, kainis.
"Good morning, Ma'am Krea." Bati rin namin at umupo pagkatapos.
"Ma'am, ito po 'yong pera. Iyong sa test paper po para sa pre-test." Binigay ni Charlotte iyong pera kay Ma'am Perez.
Biglang tumayo si Yttrium kaya hinawakan ko 'yong braso niya.
"Saan ka pupunta?" I raised my left eyebrow.
"Kay ma'am. Sasabihin ko na nadoble 'yong bayad ko, so makikita niya na hindi ka pa bayad. Doon mo sabihin 'yong keep the change mo." Tinanggal niya 'yong kamay ko sa braso niya. Asar! Nakakainis talaga 'tong element na 'to!
Bahagya akong tumayo at hinila ko 'yong laylayan ng polo niya kaya napatingin siya sa'kin.
Buti na lang at hindi pa kami napapansin ni ma'am dahil busy sa pagbilang kung kumpleto 'yong bayad.
"Hoy, element, umupo ka na nga. Ililibre na kita mamaya kung 'yon ang ikatatahimik ng kaluluwa mo." May pagkainis na sabi ko. Mas nainis lang ako lalo nang lumabas ang ngisi sa labi niya.
"Okay." Umupo na siya sa may upuan niya, which is katabi ko.
Binigay na ni ma'am 'yong pre-test sa'min. Siguro mga 10 minutes ko lang ito sinagutan kahit na hindi pa natuturo. Malaki talaga ang tulong ng advance reading. Sure na ako sa mga sagot ko at syempre, tiyak na perfect 'to kahit hindi pa nache-check-an. Medyo kahawig niya kasi 'yong test na nakita ko sa Youtube no'ng nakaraang araw.
After all, Science's my favorite subject. Kahit na bali-baliktarin ang mundo, hindi mawawala ang fact na 'yon. Nakakapanghina nga lang kapag dumating na kami sa Physics pero nilalakasan ko na lang ang loob ko. Sa chemistry naman, may kaunting Math pero kinakaya naman.
Tiningnan ko si Yttrium at nakita kong nakatingin din siya sa'kin at nakangisi. Usual na siya.
So, halos sabay lang din pala kaming natapos magsagot? Nice... kahit medyo nakakaasar. Bakit ang galing niya sa lahat?
"Class, next week, we will have a contest. Science Quiz bee. Pipili na kami ng isasali namin para ipanglaban sa ibang schools. So, meron bang interasado rito? I hope na marami ang sasali dahil star section kayo..." Walang emosyon na anunsyo ni ma'am sa'min.
Sabay kaming nagtaas ni Yttrium ng kamay, pagkatapos ay nagsitaasan rin ng kamay ang iba kong mga kaklase.
"Hmm... maraming sasali. May plus five sa activity natin bukas ang mga sasali, pakilista na lang Ivy. Good luck and class dismissed." Umalis na si ma'am.
"'Yon! May plus five!" Ngiting tagumpay na sigaw ni Clarence.
"s**t! Dapat pala sumali ako!" Natawa naman ako kay Luis. Mga tipong gagawin ang lahat basta sa plus.
"Tititigan ko lang 'yong marker at white board na gagamitin natin doon, e!" Proud at tatawa-tawa pang sabi ni Jeriell.
Napatingin naman ako kay Yttrium at ngumisi. He really ticked me off.
"Good luck." Ngumisi rin siya sa'kin at lumapit ng kaunti sa mukha ko.
"You'll win for sure. Sumali lang ako para naman machallenge ka... and of course, to see how smart you are, Aihmiel." He winked.