"Strike out!" Napahikab na lang ako kasabay ng pagsigaw no'ng coach nila. "Game set!" Hay... sa wakas, tapos na rin. Hindi ko naman kasi talaga hilig ang baseball... nanonood ako ng ibang sport pero bihira lanh din. Dahil lang talaga kay Yttrium kaya ako nahilig pero medyo nasasanay na rin naman ako sa mga terms... or whatsoever. Tiningnan ko lang 'yong dalawang team na nagkikipagkamay. Para silang nangangandidato, e. Si Israel naman, ngiting-ngiti. I couldn't blame him, though. Panalo kasi kami– iyong school namin. Si Zhan, poker face lang as always at si Yttrium na akala mo pinagsakluban ng langit at lupa. Ace siya pero hindi siya pinasok sa game. I felt bad for him. Muntik ko nang isipin kanina na pinalitan na siya bilang ace. Magaling naman ang mga pitches ni Yttrium at panghalimaw

