I was speechless. Hindi na ako nakapagsalita dahil dumating na rin 'yong iba naming mga classmates. Puro pa naman sila issue. Makita lang nila na nag-uusap kayo, issue na agad. Sungalngalin ko sila, e. Pero ayon na nga! Kung ano-ano talaga ang lumalabas sa bibig ng element na 'to. Ang sarap niya ring sungalngalin. Sakit sila sa ulo. No'ng sinabi niya 'yon... may something akong naramdaman. Kinilig ako. Hindi ko alam kung bakit ako kinilig pero 'yon talaga ang naramdaman ko. Masyadong corny pakinggan pero medyo lang naman. Babae pa rin naman ako, 'di ba? Bakit ba kasi ang dami niyang alam? Dapat talaga ipadispatya na 'tong element na 'to. Masyado ng marami ang nalalaman niya. Mas okay pa no'ng hindi kami ganito. Kapag tuwing inaasar niya lang ako, no'ng para pa lang kaming aso't pus

