Chapter 8

2051 Words
It was already 11:00pm and I was still awake. I couldn't sleep. I don't know why. Or I guess, I knew. It was because of nervous. That damn nervousness was eating me from the inside. Lumabas ako ng kwarto ko para kumuha muna ng gatas at cookies na makakain habang hindi ako makatulog. Baka magreview na lang din muna ako para pampalipas ng oras. Sayang din naman kasi kung tutunganga lang ako. Time is gold... right? Pagbaba ko, nakita ko pa si mama na nasa living room kaya napahinto ako sa paglalakad. I let out a deep breath. "Good eve, ma." I said with a smile. "May contest po ako tomorrow." Mama just nodded. Akala ko, sasabihan niya man lang ako ng 'good luck' or any words na magsasabi na kaya ko 'yan pero wala. I was waiting for nothing. Umakyat din agad si mama sa taas. Napabuntong-hininga na lang ako at dumiretso sa kusina. Ano pa bang inaasahan ko? Sa una pa lang, may dapat ba akong asahan? Napapikit ako nang madiin. Ang bigat lang sa dibdib. Iyong ibang tao, nagawa kang i-good luck tapos iyong sariling parents mo, wala man lang sinabi. Iyong iba nga, masali lang sa contest 'yong anak nila ay sobrang proud na. Samantalang ako, isang tango lang ang natanggap. What was I expecting? Pagkatapos kong kumuha ng cookies at gatas, umakyat na agad ako sa kwarto ko at nilock iyong pinto. Pumunta ako sa may kama ko at umupo. Pagkatapos ng contest ko bukas, back to normal na naman. Papasok na ulit ako sa klase at makikita ko na naman ang mukha ni Yttrium. Ano pa bang bago? E, kahit saan naman yata ako magpunta ay nakikita ko iyong mukha niya. May science pa nga pala. Muntik ko nang makalimutan iyong Science. Mukha pa namang nag-improve na si Yttrium sa Science... samantalang ako? Kahit kaunti, walang improvement sa Math. Unfair talaga. Si Yttrium naman, magpa-practice na sa baseball. Tapos, ise-seduce ko pa siya. Ba't parang ang dami kong problema ngayon? Kaasar, ha. Hindi ko nga rin alam kung itutuloy ko pa 'to, e. Alam ko, masyado akong magulo. Sabi ko no'ng nakaraan, mai-in love sa'kin si Yttrium pero parang ang hirap gawin no'n. Enemy kasi kami. Duh! At saka parang ang cliché din pakinggan, papa-in love-in ko siya sa'kin tapos bigla ko siyang ibe-break kung kailan hulog na hulog na siya sa'kin. Ang cliché, 'di ba? But well, life itself was cliché. Nasa tao pa rin naman kung paano niya gagawing unpredictable ang buhay niya. At ang isa pang inaalala ko, paano naman kaya kung hindi siya sa'kin ma-in love bago matapos ang school year? E 'di palpak naman. This plan wasn't clear. Ang dami pang magulo at kailangang paghandaan bago sumugal... iyong sugal na siguro akong ako ang mananalo. Sa ngayon, isa lang naman ang sigurado ako. Matuloy man 'tong plano o hindi... Hindi ako mai-in love kay Yttrium. Kinabukasan, sakto lang naman sa oras ang gising ko. Ginawa ko lang ang normal morning routines ko at nagpahatid na agad kay Manong Albert sa Yntela. Nanlalamig ang kamay ko at mabilis ang bawat t***k ng puso ko. Bago ako bumaba ng kotse, nagsalamin muna ako para tingnan kung ayos lang ba iyong mukha at buhok ko. After all... Ise-seduce ko na si Yttrium. Final na ito. Wala ng atrasan. Punyemas. Mas kinakabahan pa ako sa pag-seduce kuno ko kay Yttrium kaysa sa contest, ha! Inalog ko ang ulo ko at hinilot ang sintido ko bago ipaskil sa mukha ang isang malapad na ngiti. I was ready. Dumiretso muna ako sa classroom namin para makita si Deanne. "Hey, guys." Kumatok ako sa pinto at napatingin naman sila sa'kin. Kaunti pa lang iyong nasa classroom, iyong iba ay nasa labas pa at iyong iba, wala pa. Malamang late na naman iyong mga iyon. "Jazz!" Lumapit agad sa'kin si Donna at niyakap ako. "Hi, Donna!" I cheerfully smiled. I needed to exercise this kind of attitude. Tiyak na mas maa-attract sa'kin si Yttrium kung ganito ako kaysa sa laging gloomy. Speaking of maa-attract... hindi ko pa pala alam ang type niya. "Good luck," she said. "Thanks!" I said, giggling. Ni-good luck din ako ng iba ko pang mga kaklase. Isa sa mga magagandang ugali ng Mango ay ang pagiging supportive sa bawat isa. Laban ng isa, laban ng lahat. Solid kami. Pero hindi naman war freak. Lumabas na rin ako ng classroom dahil wala naman si Deanne. Late na naman iyong babaeng 'yon. Nako, ano pa bang iba? E, lagi namang late iyong gagang iyon. Minsan nga, kalahating minuto nang nagtuturo iyong teacher namin sa first subject 'tsaka pa lang siya darating. Matibay 'yang si Deanne. Ewan ko ba kung saan gawa ang mukha niya at ang kapal. Hay. Pumunta na ako sa library. Ang usapan kasi namin ay rito kami magkikita-kita. Nakita ko na si Kuya Paolo, Kuya Aiden, Kuya Ydan, Ate Shane, Ate Thea, Ate Sophia, Princess Ai, Sharrish, Mariel, Sheripearl, at Valerie. Wala pa si Yttrium? Nilibot ko ulit iyong paningin ko pero wala talagang element akong nakita. Nasaan na iyon? Hindi niya naman ugaling malate. In fact, tuwing may field trip kami, lagi siyang maaga ng 20 minutes. Tiningnan ko iyong wrist watch ko, 8:26am na. Four minutes na lang at aalis na kami. 8:30am kasi ang usapan. Nakalimutan ko, mga Pilipino nga pala kami. Usapang 8:30 pero asahan mo na 9:00 pa dadating 'yan. But still, hindi naman gano'n si element. May nangyari kaya? "Looking for him?" Napatingin ako kay Kuya Aiden, nasa tabi ko pala siya. I smiled and nodded. "Nasa field." Field? At this time? Seriously. "Ah, okay. Thank you." Patakbo akong pumunta sa baseball field. Medyo malayo sa library 'tong field pero tingin ko ay kakayanin ko naman basta full speed ng takbo. Pagdating ko sa field, hingal na hingal akong huminto sa gilid at nakita ko siya sa may mound na nagpi-pitch. Napailing na lang ako at napangiti. Paano siya makakapagpitch nang maayos kung nakablack shoes siya? At naka-uniform pa. Huminga ako nang malalim. "Hey." Lumapit ako sa kanya. He looked at me. Mukhang nagulat siya na nandito ako kaya agad akong nagsalita. "Kuya Aiden told me that you're here." "Ah..." Nakaawang pa iyong bibig niya na parang may sasabihin pero sinara niya na rin at nagpatuloy na lang sa paghagis ng bola. "Why are you doing that?" Tumingin siya sa'kin ng kunot-noo. "Doing what?" Lito niyang tanong. He really lack the common sense. "Pitching. Ba't ka nagpi-pitch ngayon, e, malapit na tayong umalis?" Humalukipkip ako. Huminga naman siya nang malalim at umalis na sa mound. Nilagay niya iyong bola sa bag niya at sinakbit na. "Pangpatanggal kaba." I raised an eyebrow. "Really? Then, could you teach me how to pitch?" Tutal, lagi na akong susunod sa kanya. Kailangang ma-in love siya sa'kin. Lumingon ito sa gawi ko dahil nauuna siyang maglakad. Nakatigil lang ako at medyo iniipon pa ulit ang stamina ko. Naubos ang lakas ko para sa pagtakbo kanina. Lumapit ito sa'kin at pinilig ang ulo niya. "You alright?" Umiwas ako ng tingin at tipid na tumango. "Yeah..." Bumalik ang tingin ko sa kanya. I was pretty aware that my face waa turning red but I needed to endure this. "So, could you? Y-You don't mind, right?" Nahihiya at mahina kong saad. Unti-unting lumitaw ang ngiti sa labi niya. "Yeah. Kapag may oras." Tumalikod na siya at nagpatuloy sa paglalakad. Tumango lang ako kahit hindi naman niya ako nakikita at sinundan na lang siya sa paglalakad. I wish I could've said to him that help me to walk... but now was fine. Nabalik na ang stamina ko. There I was, hoping for him to be gentleman just for once. Pagdating sa library, kumpleto na rin kaming lahat, kami na lang din daw ang hinihintay. Inasar pa tuloy kami ng mga kasama namin dahil baka raw nag-date pa kami. No'ng ready na ang lahat, umalis na kami at mga one hour lang din ay nakarating na kami sa Northwest Academy. Iyong school na gaganapan ng contest. Pagbaba namin sa van, which is pag-aari rin ng school ng lola ko, may mga sumalubong na sa amin na mga students at binabati kami ng good morning. I just ignored them, though. I know, it was rude but kabang-kaba na ako, 'wag na naman nilang dagdagan iyong problema ko. It was frustrating and scaring the s**t out of me. Nagregister muna kami at pumunta na sa gymnasium ng NWA. Dito kasi gagawin iyong opening remarks. Pagkaupo ko, nilabas ko na agad iyong bond paper na may nakaprint na mga signs kung paano ang gagawin kapag may grammatical error, typographical error, hindi naka-indent, wrong spelling, walang tuldok, whatever. Baka kasi may makalimutan ako na sign kaya nire-refresh ko lang. Though, parang mas advisable na hindi ko muna ito tingnan. Sabi kasi roon sa napanood kong video sa YouTube, mas magugulo lang daw ang isip ng contestant kapag mas nadagdagan pa 'yong knowledge within the day of the contest. But that wouldn't do the trick for me. Nasanay na ako sa ganitong way at as far as I know, hindi pa ako nakakaencounter ng talo sa ganitong tactic. "Mic test... hello..." Magsisimula na siguro iyong program, naririnig ko na iyong emcee, e. "Good morning to all of you, to the judges, facilitator, proctor, and specially to the contestants. So before we start our program, let's have a prayer." Pinatayo kami nito. May mga babae na nakaputing damit ang pumunta sa harap, then, may narinig akong tugtog. Doxology? Maya-maya pa ay narinig ko na ang prayer. Pumikit ako. Ngayon, hindi madiin kundi sakto lang para makausap ko si God. Hindi naman gano'n kahaba ang prayer ko. Nagpasalamat ako na nagising ako, sa kinain ko, sa mga nakilala kong bagong tao at sa lalo na unconditional love Niya. Humingi rin ako ng tawad sa kasalanan ko... pero hindi ko hiniling na sana manalo ako – hiniling ko na sana maging proud na sa'kin ang parents ko pagtapos ng contest na 'to. Pagmulat ko, nakita ko agad si Yttrium na nakatingin sa'kin at nakangiti.  "What?" I irritatedly whispered. He just shook his head with his grin. Anong problema nito? But fine, I'd just let him slide for now. Kakadasal ko lang, baka magkaroon agad ako ng kasalanan. Sinabi na rin no'ng emcee iyong mga dapat gawin at kung hanggang anong time iyong contest saka kung anong time ia-announce iyong mga winner. Top five ang kukunin. 30 schools lahat ang kasali. At bawat isa ay may entry para sa bawat category, depende rin sa school kung ilan. Ang minimum na entry ay isa at ang maximum ay tatlo pero sa school namin, tig-iisa lang ang entry. Nagsisimula na naman akong kabahan. Sinabi na rin kung saang building at floor kami pupunta. Ang copy reading daw ay sa Grade 8 building, 3rd floor at 4th floor pero para lang 'yan sa English category. Ang mga Filipino category ay sa 1st at 2nd floor pero parehas lang kami ng building. "You may now proceed to your respective rooms, good luck!" Masayang anunsyo ng emcee at umalis na ng stage. Ito na. Tumayo na ako at sinakbit sa balikat ko iyong maliit na backpack ko. Nginitian kami ng mga coach namin at ni-good luck din isa-isa. Ganon din naman kami sa mga kasama naming journalist doon. Niyakap pa ako ni Ate Shane at hinawakan iyong kamay ko. "Lamig ng kamay mo!" She chuckled. "Halatang kinakabahan. Don't worry, kaya mo 'yan. Easy lang sa'yo 'yon." I smiled a little. That made me calm a bit. "I hope so. Good luck po, kaya niyo rin po 'yan." Sabay kaming tumawa at tinanguan niya lang ako. "Hi, Ate! Good luck." Lumapit ako kina Princess Ai at Sharrish. "Good luck din sa inyo." Pinisil ko pa iyong pisngi nila. Ang saya siguro magkaroon ng kapatid. Wala kasi ako no'n. Mag-isa lang talaga ako. Naghiwalay-hiwalay na rin kami, kanya-kanyang punta sa mga respective rooms. Kami naman ni Yttrium ang magkasama, may hawak pa nga kaming mapa. Malaki rin kasi talaga itong NWA. No'ng mahanap na namin iyong building, sinamahan ako ni Yttrium sa 3rd floor para hanapin iyong pangalan ko. Nakita rin naman namin agad. Humarap na ako sa kanya. I was glad that he went this far for me. Nag-insist talaga siya na samahan ako. "Uhm... sige." I said as I smiled.  "Win this contest. I want to see you to pray again... that melts my heart, actually. I was really looking for a girl like you... who loves God. That's it." He widened his smile. What... did he mean? Type niya ba ako?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD