"Pwede na kayong lumabas." Anunsyo no'ng proctor kaya kinuha ko na agad sa harap iyong backpack ko at umalis na sa room.
Pinakawalan ko muna ang maikling buntong-hininga at saglit na nagdasal bago tuluyang lumabas.
Hindi naman masyadong mahirap, nakaisip naman kasi agad ako ng title habang binabasa ko pa lang. Kaunti lang din ang grammatical error at may dalawang paragraph yata ang hindi naka-indent. Kadalasan, puro typographical error ang nakita ko o kaya baliktad na word, well, grammatical error na rin iyon, halimbawa...
She is mom our.
Mga gan'yan... so, ang magiging sign niya ay pabaligtad na 'S'. Para maging she is our mom.
Madali lang naman ang copy reading basta kailangan lang na matalim ang mata mo at talagang lahat ng mali ay makikita mo. Syempre, kailangan din ay master mo ang mga symbols.
For the last, title. Surprisingly, nakapag-isip ako ngayon ng title na nag-exceed sa expectations ko.
"Aihmiel..." Nakita ko agad si Yttrium na naghihintay sa labas ng room. Nakangiti lang siya sa'kin.
Hinintay niya ako rito? Kanina pa yata siya narito. Dapat bumaba na siya sa gymnasium.
Nilapitan ko siya at sabay kaming naglakad pababa ng hagdan. Mayro'n namang elevator kaso ang daming nando'n. Mga first timer yata o mga feeling anak ng presidente kaya ayaw maglakad dito sa hagdan. Hindi nila alam na exercise 'to o nakakaburn ng fats?
"Kanina ka pa ro'n?" Mahinang tanong ko nang mapansin na wala naman masyadong tao na kasabay namin.
"Saan?" Hindi niya ako nilingon at patuloy pa rin sa pagbaba, nauuna siyang bumaba sa'kin, e.
"Sa labas ng room..." He shook his head.
"Kakadating ko lang din para sabay na tayong bumaba." Tumango ako kahit hindi niya ako nakikita.
That was still an effort. Umakyat pa siya paitaas para lang magsabay kami.
Pagbaba namin, nakasalubong na namin si Kuya Paolo na pababa rin sa hagdan. Nagliwanag agad ang mata ko at nawala ang lahat ng kaba na nararamdaman ko. Para akong lumutang bigla sa cloud nine.
"Jazz!" I smiled from ear to ear. Ngumiti rin ito tulad ng usual at tipid na kumaway.
"Ito na naman siya." I just ignored Yttrium. Baka masapak ko ng wala sa oras 'to. Kita ko ang paghalukipkip niya sa tabi pero hinayaan ko lang.
Pwede naman siyang mauna na at iwan na lang kami ni kuya rito.
"How was it?" Natutuwang tanong niya.
"Hmm... okay lang po. Hindi madali, hindi rin mahirap." Tumango si Kuya Paolo. "Iyong sa inyo po? Ano po topic ang niyo?" Interesado kong tanong.
"Boxing." I nodded. "Medyo, hindi ako nadalian. You know, hindi naman ako mahilig sa boxing, buti na lang at may mga information na kaya kinaya naman." He said, laughing. Nakisabay lang ako sa tawa niya at palihim na ngumiti habang pinagmamasdan si kuya.
Ang gwapo talaga tapos ang cheerful pa!
"Yo." Sabay kaming napalingon kay Kuya Aiden na palapit sa'min.
"Aiden! What's up?" Nag-apir sila ni Kuya Paolo nang makalapit ito. Nginitian lang ako ni kuya at kinindatan naman niya si Yttrium pero umismid lang ito.
Seriously, anong problema niya?
"Okay lang. Sa'yo, mahirap ba?"
Grabe. Ang gandang sight. Dalawang crush ko ang nag-uusap! Para akong unti-unting natutunaw.
"Medyo." Natatawang sagot ni kuya.
Nakasalubong na rin namin iyong iba naming kasama, tanungan lang din kung mahirap ba o naging madali iyong contest. Pinakahuling dumating ay ang Photojournalist.
No'ng makumpleto na kami, kumain muna kami ng lunch sa pinakamalapit na fastfood restaurant na nakita namin, sagot naman ito ng school namin. Pagkatapos kumain, naggala din kami sa malapit lang na mall dito sa NWA.
"You seem happy." Aniya sa'kin habang nauunang maglakad. Pabalik na kami sa gymnasium dahil ia-announce na ang mga winners.
"Ha! Syempre. Hindi mo 'to magegets kasi wala ka namang crush." Masungit kong saad at ipinagkrus ang braso ko.
Medyo naging assuming lang ako kanina at inisip na type ako ni element.
Ang labo-labo.
Kung type niya ako, dapat magiging gentleman at sweet siya sa'kin. O considerate. Pero hindi. Kabaligtaran ng lahat ng iniisip ko ang nangyayari.
Huminto siya sa paglalakad kaya naabutan ko siya. Nakapasok sa bulsa niya ang dalawang kamay niya at nakatingin siya sa langit.
"Crush is just for elementary students." Umasim ang mukha ko sa sinabi niya at akmang hahampasin pa lang pero nahawakan niya na ang wrist ko. "Let's go." Hinila niya ako.
"H-Hoy! 'Wag mo akong hilahin! Bitiwan mo ako!"
Tumigil siya at hinarap ako. "What?"
I looked away. "May tanong muna ako."
"Go ahead," tipid na sagot nito.
"S-Sino 'yong crush mo?" Kinuyom ko ang kamao ko para ro'n mabaling ang hiyang nararamdaman ko.
Ilang minuto pa kaming natahimik hanggang sa narinig ko ang tawa niya.
Inis ko siyang tiningnan pero nakatalikod na ito sa'kin at nagsisimula ng maglakad.
"Hoy! Saglit!" Hinabol ko siya.
"I don't have a crush..." Rinig kong sabi nito. "But there's someone I like,"
Like? E, parehas lang 'yon, ah?
Ang g**o talaga ng utak niya!
"Here are the top five for the Sports Writing, English category." Narinig ko ang drumroll. Mas lalo lang akong kinabahan. Pagkatapos kasing i-announce ng sports writing, copy reading na!
I have to calm down first.
"5th, Shena Dizon!"
"4th, Axel Navarro!"
"3rd, Paolo Agustin!" Nagsigawan agad kami at todo palakpak. Syempre ako, lowkey lang para hindi halata.
"Congrats po." Nakangiti kong bati nang dumaan ito sa harap ko.
"Thanks." Ngumiti rin si Kuya Paolo at naglakad na paakyat sa stage kasama si Ma'am Bea para kunin iyong medal at certificate saka magpa-picture.
"2nd..."
"Oh, damn!" Nagulat ako nang biglang may humawak sa kamay ko.
"You okay?" Pinihit ko ang tingin ko sa kanya at tumango. Unti-unti ko ring binawi iyong kamay ko. Nakakailang kasi. Buti na lang at wala sa'min iyong focus ng mga kasama namin kundi aasarin na naman kami nito. "Nervous?"
"Medyo." I tried to smile to loosen up the nervousness I felt.
"Don't worry, you'll win." Napaiwas naman ako ng tingin. Ba't ba siya gan'yan? Nakakailang na, ah. Mas gusto ko pa rin iyong Yttrium na lagi akong inaasar.
"Ah, hehe, ano... ikaw rin, mananalo ka." I awkwardly said. Hindi kasi talaga ako sanay na sinasabihan siya nito. Hindi ko nga naisip na masasabi ko sa kanya 'to, e. Sa tagal ko ba naman na kasama siya, ang lagi kong iniisip ay sana matalo siya.
Pero alam kong para akong humihiling sa imposible tuwing gagawin ko 'yon. Alam ko namang hindi siya matatalo.
"''Yan, positive dapat, parang proton." Napangiti lang ako. Science. Talagang pinaalala niya pa sa'kin iyong science, e, 'no?
Naging kalmado naman ako sa sinabi niya. Nakatulong 'yon. Ewan ko kung bakit. Siguro, natuwa ako sa sinabi niya.
"And now, here are the top five for the Copy Reading, English category." Oh, my ghad. Ito na talaga. Sure naman ako na mananalo ako, kasi.... basta, instinct? Okay naman kasi iyong title ko at na-edit ko naman nang maayos. Saka, sinabi rin ni element na mananalo ako. Pero hindi ko pa rin maiwasan ang kabahan.
"5th, Haidee Santiago!"
"4th, Desiree Lombardo!" Okay. Hingang malalim. 4th pa lang naman 'yan pero habang lumalapit sa first, nawawalan na ako ng pag-asa.
"3rd, Sid Co!" Ghad. Bakit nawawala yata ang pangalan ko?
"2nd, Jolo Plaga." Bumagsak ang dalawang balikat ko.
Nawalan na ako ng pag-asa. Nagse-second ako lagi pero ngayon, wala. Bakit gano'n? Masyado ba akong naging confident sa sarili ko?
Tumingin ako kay Yttrium, nakatingin din siya sa'kin. I tried to smile.
"Hmm... Yttrium. Kapag natalo ako, payakap saglit, ah? Tapos sabihin mo sa'kin, okay lang 'yan." Mahina kong sabi sa kanya at tumingin sa malayo.
I was a fool for asking him like that.
Ayoko lang na ako na naman ang maiiwan mag-isa para pagaanin ang loob ko.
"Hindi naman mangyayari 'yon, mananalo ka. For sure." Huminga lang ako nang malalim at ngumiti. "Ganito na lang... kapag nanalo ka, gagawin mo 'yong sasabihin ko, okay?"
Tumingin ako sa kanya at unti-unting tunango. Hindi ko alam kung bakit ako sumunod sa sinabi niya.
"And for the first..." Narinig ko na naman iyong drumroll. Napapikit na lang ako at halos murahin ang sinumang may pakana ng drumroll na iyon. Mas lalo akong kinakabahan, e!
Huminga ako nang malalim.
"Aihmiel Jazz Yntela!"
Damn.
Tama ba ang dinig ko?
"Congrats," Siya ang unang bumati sa'kin. Si Yttrium. Niyakap ko agad siya nang mahigpit. Ang saya! Parang gusto kong magpa-fiesta bigla!
"Thank you, Yttrium." Naramdaman ko rin ang kamay niya sa likod ko.
"Ayie!" Rinig kong may sumigaw.
"Sabi na nga ba, e! Magkakatuluyan talaga sila sa huli!"
"Kaya pala laging nakabukod sa'tin kapag magre-review,"
Napahiwalay agad ako kay Yttrium at umiwas ng tingin. Nagtawanan naman iyong mga kasama namin at sinaway lang sila ni Yttrium.
Damn, nakakahiya! What's gotten into me?!
"H'wag niyo nga kaming tuksuhin! Kinikilig ang baby labs ko!" At talagang nakisali pa siya!
Humanda talaga sa'kin 'yang element na 'yan.
"Tara na, Jazz." Hinawakan ni Ma'am Bea iyong kamay ko at naglakad kami paakyat sa stage.
Pero sa ngayon, masaya muna ako.
"Congrats. I'm sure your parents will be proud of you." Nakangiting sabi ni ma'am sa'kin pagkatapos kaming kuhanan ng picture. Ngumiti lang ako at nagpasalamat.
I hope so...
Thank you, Lord. This would be my first step.
"Congrats." I said to him, smiling. He shrugged his shoulder.
"Thanks." Hinubad niya agad iyong medal sa leeg niya at nilagay sa loob ng bag niya, gano'n din iyong certificate niya.
First din si Yttrium sa copy reading, Filipino category. Well, ano pa bang aasahan ko? E, lagi naman siyang first saan man mapunta.
Grade 7 pa lang kami, nagfirst na siya sa copy reading. Partida, mga Grade 8, 9, 10 at ilang senior high ang kalaban niya. Kahit kasi ano namang grade ang pwedeng sumali sa Journalism kaya kahit anong grade din ang kalaban mo.
No'ng Grade 7 ako, nag-4th lang ako. No'ng Grade 8 at 9, doon ako nagsecond. Kaya damang-dama ko talaga ang pagka-first ngayon. First time kasi. Kahit sa Science Quiz Bee, hindi ko pa rin naranasan maging first.
Sa overall naman, kami rin ang first. Yntela University. Pati ang mga coach namin, tuwang-tuwa rin. Magpapa-fiesta talaga ako. Apat lang naman ang kasama naming coach, si Ma'am Celine, Ma'am Bea, Sir James at si Sir Daniel.
"Congrats sa inyong lahat." Nakangiting bati sa'min si Sir James. Well, lahat naman kasi kami ay nanalo. Humakot talaga.
"Burger lang po~" Natatawang sabi ni Ate Thea.
"Oo nga, ma'am!" Sang-ayon ni Kuya Paolo.
Tumawa naman sila Ma'am. "Sige na nga, daan tayo ro'n sa fastfood restaurant na kinainan natin, manong." Lumiko naman si manong doon sa sinasabi ni ma'am. Pauwi na rin pala kami.
Pagdating doon, kanya-kanya silang upo. Nakita rin namin iyong ibang school na nakalaban namin kanina. Pasimple kong tiningnan iyong wristwatch ko, 7:06pm na pala.
Ilang minuto pa at dumating na iyong order namin. Wala naman kasing masyadong tao kaya mabilis lang din.
Pakagat na ulit sana ako ng burger nang biglang magring iyong phone ni Yttrium. Sinulyapan ko siya, magkatabi lang kasi kami.
Napatingin ako sa cellphone niya, may picture ng babae na nakasando lang at nakaismid ang mukha. Mabilis lang 'yon pero kita kong maganda 'yong babae. Mukha nga lang masungit.
Hindi ko na nakita iyong name ng caller kasi biglang tumayo si Yttrium at naglakad palayo, pero nag-wait-gesture naman siya kay Ma'am Bea.
Tiningnan ko lang si Yttrium sa kinatatayuan niya. Iyong muka niya, parang may hindi magandang nangyari, bigla kasing rumehistro ang pag-aalala sa muka niya. Okay lang kaya siya?
"Crush mo na siya, 'no?" Umiwas agad ako ng tingin at tiningnan si Kuya Aiden.
"Sinasabi mo d'yan, kuya?" Umiling lang siya at ngumiti.
"In denial ka masyado." I pouted.
"Hindi, ah. Hindi ko kasi talaga siya crush." Tumango siya at uminom ng soft drinks.
"Yeah, seems so..."
Maya-maya pa at bumalik na si Yttrium sa table namin pero parang problemado pa rin siya. Gusto ko siyang tanungin kaso hindi ako makahanap ng magandang tyempo.
"Bye, Princess Ai and Sharrish! Ingat kayo!" Nakangiting paalam ni ma'am. Kinawayan ko lang silang dalawa.
Lima na lang kami sa loob ng van. Ako, Yttrium, Kuya Aiden, Ma'am Celine, at Ate Shane.
Ako ang huling-huli na ibababa, ako kasi ang pinakamalayong bahay.
Binaba na si Ate Shane at Kuya Aiden, magkapitbahay lang kasi sila ar magpinsan yata sa pagkaka-alam ko. Si Yttrium ang sunod na ibababa. Si Ma'am Celine naman, nakatulog na. 8:46pm na rin. 'Tsaka nakakapagod din ang araw na ito. Halo-halong kaba at saya.
"Tired?" Napatingin ko kay Yttrium at napahikab. Inaantok na rin pala ako. Hindi na niya ako pinagsalita at hinila na lang ako palapit sa kanya, umawang ang labi ko nang hinilig niya iyong ulo ko sa balikat niya.
"Tulog ka muna. Malayo pa rin naman 'yong bahay namin," Bakit siya gan'yan? Alam ko namang may problema siya pero iniisip niya pa rin ako.
Ba't ka gan'yan, Yttrium?