Chapter 10

2247 Words
"Congrats, Jazz!" Nakangiting salubong sa'kin ni Deanne pagpasok na pagpasok ko sa classroom namin. Himala at ang aga niya ngayon. Saglit pang lumibot ang mata ko sa paligid bago tuluyang tumingin ulit sa kanya. "Thanks. Ba't ang aga mo?" I asked, straight to the point. "May assignment kasi sa Math, e, hindi ko alam 'yong gagawin. So, para may katulong akong gumawa, inagahan ko ng pasok." Nakangiti niya pa ring sabi at nakuha pang kumindat na para bang proud siya sa sinabi niya. Napangisi ako at tipid na tumango – 'yong tangong halatang hindi satisfied. "Mangongopya ka lang, e." Pang-aasar ko sa kanya. Tumawa naman siya at umiling-iling kasabay nang pagwagayway ng dalawang kamay niya. "Hindi ako nangongopya, 'no, nagbabagong buhay na 'to, dude!" Tinuro niya iyong sarili niya. "E 'di wow." Nilapag ko sa upuan ko ang bag ko. Lagi akong napapagalitan dito dahil iyong bag ko raw ang pinauupo ko imbis na ako, sa likod kasi ng upuan namin ay mayro'n namang lagayan na para talaga sa bag pero ayokong mahiwalay sa bag ko kaya wala na silang pakialam do'n. After all, I've got weird taste. Umupo ako sa upuan ko. May space pa naman, e. Malaki kaya ang upuan at payat lang din naman ako kaya sakto lang. Palibhasa, medyo may edad na ang ilan sa mga teacher namin kaya medyo nagkakaro'n na rin sila ng extra fats dahilan ng pagtaba, kawalan 'yon ng exercise. "Paturo nga, Jazz." Umupo rin si Deanne sa upuan niya, which is sa tabi ko sa kanan. Si Yttrium kasi ay sa kaliwa. Speaking of that element, hindi ko pa siya nakikita rito sa classroom. Late ba siya? Usually, lagi siyang maaga sa'kin. Tuwing darating ako rito sa umaga, nakahanda na agad ang pang-asar niya sa'kin at syempre, maiinis naman talaga ako. Nasisira tuloy ang araw ko kahit umaga pa lang. Pero ngayon... naninibago ako. Hindi sira ang araw ko. kaso... parang ang lungkot. Parang may kulang at hinahanap ako. I wanted him to annoy me... "Baka punitin ko pa 'yan," Inis kong sabi at hindi na sinubukang tingnan ang papel. Alagad ni element ang Math, baka roon tuluyang masira ang araw ko. Tinawanan niya lang ako at tumayo na ulit, pumunta siya sa harap at nakibalita kung may progress na ba iyong assignment ng iba – rinig na rinig ko ang boses niya dahil ang lakas. Nagsilapitan din naman ang iba pa roon sa harap kaya inalis ko na ang tingin ko. It would be an eyesore if I kept on looking at that. Kapag mas crowded ang place... pumapangit din sa mata. "Morning..." Nagpantig agad ang tainga ko nang marinig ang boses na 'yon. It was his typical sleepy and husky voice. Ganito ang madalas niyang boses tuwing umaga. Ewan ko ba kung nagpupuyat siya – not that I wanted to know. Nandyan na siya. Si Yttrium. Hinihintay ko ba siya? Probably. Pumihit ang mata ko sa gawi niya at nginitian siya nang malaki. "Good morning..." Mula ngayon, magpapakabait na ako kay Yttrium... kasi mabait na naman siya sa'kin, hindi na naman siguro ako mahihirapang pa-in love-in siya. Yes, seryoso na ako rito. Pagkalapag niya ng bag niya sa likod ng upuan niya, lumapit agad siya sa'kin at hinipo ang noo at leeg ko. My forehead creased. What was he doing? "Hindi ka naman mainit. Wala kang sakit. Hindi ka rin inuubo o sinisipon. Wait..." Tumitig siya sa'kin ng ilang segundo. Samantalang ako, kunot-noo lang na nakatingin sa kanya at hindi mahulaan kung anong iniisip niya. "Mamamatay ka na ba?" How could he say that with a straight face? Binatukan ko siya nang malakas kaya napa-aray naman siya. Serves him right. Grabe sa'kin, e! Papatayin ba naman ako? Hindi ko pa nga naaabot kahit ni isang hibla ng pangarap ko. "Ang sama mo talaga sa'kin." Inis kong sabi sa kanya at tinabig ang kamay nito. But I couldn't blame him. "Nakakagulat ka naman kasi... bigla-bigla kang bumabait sa'kin." Sabi niya habang hinihimas iyong ulo niya. Kung alam mo lang, Yttrium. Pilit lang 'to, syempre. This was clearly an act. I couldn't see myself na magiging mabait sa kanya. Siguro, kapag naging rank one na ako, baka pa. Pero ngayon? Don't make me laugh. I couldn't do such a thing. "Pasalamat ka nga, binati kita ng good morning, e." Inismidan niya naman ako at umupo sa upuan niya. "Thank you, ha." He said, sarcastically. I sweetly smiled. "You're welcome." Napailing na lang siya at umiwas ng tingin. "Uh, ano!" Bumalik ang tingin nito sa'kin. "What?" What was with his face? Was he annoyed? I looked like an attention seeker... should I continue? "About doon sa kahapon..." Yumuko ako. "T-Thank you... 'tsaka... may usapan tayo, 'di ba? Kapag nanalo ako, gagawin ko 'yong sasabihin mo." Inangat ko ang tingin ko sa kanya. Napangiti ito at pumitik sa hangin. "Oo nga, 'no?" Grabe, nakalimutan niya na? "Yeah... so, ano?" Hinawakan niya ang baba niya at nag-isip. "Uh–" "Wait!" Pigil ko. "Bakit?" Nagtataka niyang tanong. "L-Lewd things are not allowed..." Mahina kong saad. Ilang saglit pa kaming natahimik hanggang sa mahina siyang natawa. I looked like a fool. Why was he laughing? "Hindi naman ako interesado sa katawan mo." Nag-init agad ang mukha ko. Umismid ako para hindi niya mahalata. Was he serious? I mean, kailangan pa talagang sabihin ang gano'ng bagay?! Damn him and his little eyes! "Tss. Nevermind. Just forget it," Nakakahiya! Mabuti na lang at dumating na 'yong teacher namin kaya naputol na ang conversation namin. Habang nakikinig, rumehistro naman sa isip ko iyong mukha niya kahapon. May problema kaya siya? Ayoko namang magtanong dahil baka sabihin niya na nanghihimasok ako. At saka, hindi pa naman kami close. Hindi nga kami magkaibigan kaya tiyak na hindi rin siya sa'kin mag-o-open up. "Pass all your assignment," Striktong sabi ni ma'am sa harap bago. Mabilis naman na pinasa ng mga kaklase ko iyong mga assignment nila at gano'n din ako. "Yntela and Villafuerte, welcome back." Nakangiting pansin sa'min ni ma'am. Ngumiti lang naman kami at hindi na nagsalita. Kasabay ng pag-iwas ng tingin ni ma'am sa'min ang pagtulo ng pawis sa noo ko. Malamig naman dito sa classroom namin dahil naka-aircon, ah? Medyo pinagpawisan lang talaga siguro sa pagwelcome ni ma'am. After all, welcome to hell again yata ang ibig niyang sabihin. Kung pwede lang talaga na magcontest na lang habambuhay at 'wag nang mag-aral ng Math. I mean, basics was fine. Kaya kong magplus at magminus. Kabisado ko nga ang multiplication table hanggang 30. Pwede na naman akong mabuhay roon, 'di ba? Wala pa akong specific na gustong maging profession pero tiyak na hindi ko naman kakailanganin doon magsagot ng mga komplikadong Math problems. Nagdiscuss si Sir ng new topic, ang sabi niya sa'min ni Yttrium, manghiram na lang daw kami ng notes dahil bukas ay may long test. Doon ko naisip na, baka tama so Yttrium, mamamatay na yata ako bukas. Isa pa, ako lang din naman ang hihiram ng notes. Si Yttrium, kaya niya na 'yan kahit hindi makinig. Kakalaban niya lang sa isang Math Contest no'ng nakaraang August 3, cover to cover ng book ang content ng test nila at balita ko, nagfirst siya. As expected from someone who's smarter than a monster. I wonder kung saan gawa ang utak niya? Nagjo-joke yata si ma'am no'ng sinabing humiram din daw si element ng notes. Buti na lang at mabilis lang ang oras at natapos din agad ang math. Actually, gusto ko na agad matapos ang araw na ito... kung pwede lang. Hindi ko na rin namalayan iyong ibang subject dahil talagang lutang na lutang ako. Letseng Math 'yan, ano masaya ka na ba? Nagulo na naman ang buhay ko. Frustration at its finest because of that damn long test for tomorrow. I just wanted to get rid of my life. "Jazz..." Tawag sa'kin ni Deanne. Tumingin ako sa kanya. "Oh?" "'Di ka maglu-lunch?" Tanong nito. "Hindi. Matutulog na lang ako, masyado akong nastress sa Math." Dumukdok ako. "You sure? Hindi ka magpapabili?" I shook my head. Umalis na agad siya sa harap ko. Ang isa sa magandang attitude ni Deanne ay kahit gagan'yan-gan'yan iyong babaeng iyon, maaalahanin pa rin siya. Kapag hindi mo siya pinansin o kinausap, tatanungin ka niya kung may mali ba o may problema ka. "Excuse po! Pinapatawag daw po ni Ma'am Krea sa faculty si Jazz! Salamat!" Ha? Ako? Bakit naman kaya? Hindi ko pa man din nasisimulan ang tulog ko. Lantang gulay akong tumayo sa upuan ko at nagsimulang maglakad papuntang faculty ng mga teachers. Nakakatamad, tatlong building pa ang dadaanan ko bago marating iyong faculty ng mga teachers tapos sa 3rd floor pa iyong sa Science Department. Pagdaan ko sa building ng mga Seniors, nakita ko si Kuya Aiden at Kuya Paolo na magkasama at nagtatawanan. No'ng mapansin naman nila ako, bumati agad sila sa'kin at gano'n din ako. "Back to normal na, 'no?" Bahagya akong natawa at tumango. "Dapat nga, pinagpahinga naman nila muna tayo kahit isang araw lang. Nakakapagod kaya magreview." Binatukan naman ni Kuya Aiden si Kuya Paolo. "Pahinga? Professional ka?" Sabay-sabay na lang kaming natawa. Pero naalala ko, pupunta pa nga pala ako sa faculty. Muntikan ko nang makalimutan, iba talaga ang saya kapag crush mo 'yong kausap, e. Nakakainis lang na ang bilis lumipas ng oras. Nagpaalam na rin ako agad at umalis na. Pagdating ko sa faculty ng mga Science teachers, nag-good morning muna ako saka pumasok. Lumapit ako sa desk ni Ma'am Krea. "Good morning po, ma'am. Bakit niyo po ako pinatawag?" Tumigil siya sa ginagawa niya at tumingin sa'kin. Parang alam ko na kung anong sasabihin niya... "Good morning, Jazz. Pakisabi sa mga classmates mo, bukas na 'yong Local Science Quiz Bee. So, magreview na kayo. Nakalimutan ko kasing sabihin kanina no'ng nagtuturo ako." Matamis itong ngumiti. "Ah, sige po, ayos lang po. Salamat, ma'am." Bahagya akong yumuko bilang paggalang. "Salamat din." Bumalik na agad si ma'am sa ginagawa niya. Lumabas na naman ako ng faculty. Bukas na pala ang Science... tapos mag-aaral pa ako mamaya para sa long test sa Math. Ghad. Ang dami kong problema. Anong uunahin ko? Naturally, Math dapat dahil do'n ako mahina kaso... hindi ako pwedeng maging confident sa Science ko dahil nando'n si Yttrium. Though, ang sabi niya sa'kin ay ako ang mananalo at nando'n lang siya para machallenge ako. But what if he was just bluffing? Hindi naman siya gano'n. Kailangan kong mag-exceed sa expectations niya. Nawala naman ako sa iniisip ko nang bigla may mabunggo akong kung ano. "Sorry..." Sabay pa naming sabi ni kuyang nakabunggo ko. Masyado kasi akong lutang, e, nakalimutan kong lunch pala ngayon at madaming students na naglilisawan. Ngumiti siya sa'kin at napakamot sa batok niya. "Uhm, sorry ulit." Paghingi ko ng paumanhin at ngumiti rin. I knew it. Unang tingin ko pa lang sa kanya, alam ko na. Alam ko nang siya ang magiging next crush ko. "It's fine. Israel Clifton. You are?" Nilahad niya iyong kamay niya. Inabot ko naman agad. Masyado 'tong surreal para sa isang crush na kakakilala ko pa lang. Tiyak na mayaman siya dahil sa pormal na paggalaw nito. He's my type. "Jazz Yntela," Single din po ako, kuya. Kaso... naalala ko. Ise-seduce ko pa nga pala si Yttrium. Hindi ako pwedeng magcheat– I mean, hindi ako pwedeng humanap ng ibang love life habang committed ako sa pangarap ko. Sayang. Sayang na sayang. Kung kailan nakahanap na ako... talagang ang galing sumingit ng element na 'yan. "Hi, Jazz. Nice to meet you," "Nice to meet you, too po. Anong grade na po kayo?" Nice, Jazz. Interview-in mo lang muna siya. Wala namang masama rito. "Grade 11. Ikaw ba? Junior high ka, 'no?" Sabi njya habang nakatingin sa uniform ko. Magkaiba kasi ang uniform ng Junior High at Senior High dito sa Yntela. One year gap. Not bad. "Opo..." Tumingin siya sa wristwatch niya. "Uh, una na ako, ha. May kailangan pa kasi akong puntahan. Hoping to see you again!" Nakangiti niyang sabi. Tumango ako. "Sure, kuya." Umawang ang labi ko nang lumapit ito sa'kin at tapikin ang ulo ko. "H'wag mo na akong i-kuya. Israel na lang." I couldn't stop myself from smiling, damn it. I just nodded. "Sige, una na 'ko." Sa isang iglap ay nawala na rin agad si kuya – I mean, Israel. Ang bait niya... at halatang cheerful siya. Ang ganda rin ng mata niya. "Aihmiel, sino 'yon?" Muntikan na akong mapatalon nang may magsalita sa likod ko at umihip ng hangin sa likod ng tainga ko. "Shit..." Sinamaan ko siya ng tingin. Malapad naman itong ngumiti at nawala ang mata. Bwisit na element. Tuwing masaya ako, laging nagpapakita para sirain ang araw ko. Nagpatuloy na ako sa paglalakad at nakasunod lang siya sa'kin. Dapat nga palang maging mabait na ako kay Yttrium mula ngayon. Parang mas mahihirapan pa ako rito kaysa Math. I was just thinking that it would be the first step... or second, I guess? "Uhm, Yttrium." Binagalan ko iyong paglalakad para magkasabay kami. "What?" Wait... ano nga bang sasabihin ko? Punyemas, peste, letse. I should've made a plan first. "Ano..." Huminto ako sa paglalakad at tiningnan siya. Huminto rin siya at tiningnan ako. "Hmm?" Ngumisi siya. His usual. "P-Pwede mo 'kong turuan sa Math? Para sa long test?" Yumuko ako at tumingin sa mga daliri ko. Hindi talaga ako sanay na ganito. Sa buong buhay ko, hindi ko akalain na magpapaturo ako sa kanya sa Math. Supposedly, this would be the last thing I must do. Pero... kailangang mapapayag ko siya. By any means. Lalo na ngayon na desidido na ako. He nodded. "Oo naman." I looked up at him and widened my smile. "Yes!" Napasigaw na lang ako sa tuwa. Napakagat din naman agad ako sa labi ko nang marealize na hindi ko dapat ginawa 'yon. "Uh... I mean, thanks... hehe." Umiling lang siya habang ngumingiti. Letse 'tong bunganga ko, ah. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD