"Hoy, mga Mango! Sabi ni Ma'am Krea, bukas na raw ang Local Science Quiz Bee! Mag-aral daw kayo!" Sigaw ko sa harapan. Saglit silang tumingin sa akin at bumalik din sa kanya-kanyang mundo. Napailing ako. Ano pa bang bago? Mango 'yan, e. Naglakad ako papunta sa upuan ko at umupo. Vacant kami ngayon. Walang teacher kaya ang ingay rito sa loob ng classroom namin, parang hindi nga star section. Dumukdok ako sa table ko. Pwede naman sigurong matulog tutal wala naman kaming teacher o kaya naman isipin ko na lang kung paanong move o step ang gagawin ko mamaya kay Yttrium. Nalampasan ko na naman iyong first step which is papayagin siya na turuan ako ng Math, though, hindi ko naman talaga kailangan. Pwede naman akong mag-aral o matuto via internet pero okay na rin 'to. At least pwede ko siyan

