"Nagrecess ka na ba, Jazz?" Mahinhing tanong sa'kin ni Ma'am Krea. Tipid akong umiling at ngumiti. "Hindi pa po... pero mamaya na lang po." Tumango ito at mukha namang nakumbinsi sa sinabi ko. "Oh, sige. Basta mamaya-maya, kumain ka na para hindi ka mahirapang magreview. Aalis na muna ako, may klase pa kasi ako sa Mangosteen. Pagbalik ko, may papasagutan ako sa'yo." Kinuha ni ma'am iyong gamit niya at umalis na ng faculty. Huminga ako nang malalim at tumingin na ulit sa book na nire-review ko. September 22 na ngayon. Ilang linggo na lang bago ang contest ko na sa Science. Ni-full out na rin ako ni Ma'am para matutukan ko na raw iyong mga kailangan kong i-review. Masaya naman. Hindi masyadong boring. Mag-isa lang ako rito sa loob ng faculty dahil lahat ng teachers ay nasa kanya-kanyang

