Awkwardness at its finest... hindi ko na alam kung anong tamang term ang gagamitin sa sobrang pagkailang na nararamdaman ko kay Yttrium ngayon. Lalo na kapag malapit siya sa'kin at dahil nga magkatabi kami, lagi ko 'yong naramdaman. Kaya no'ng dumating iyong first teacher namin which is Ma'am Hernandez, umalis na agad ako ng classroom. Hindi rin naman ako kinakausap ni Yttrium. Hindi ko nga alam kung nagloloko lang 'yon o ano. Tuloy pa rin naman ang plano, pero kasi... how could I do this? Gusto raw ako ni Yttrium. Gladly, ako lang yata ang may alam no'n. Tiyak na aasarin kami ng mga classmates ko kapag nalaman nila 'yon. Actually, para sa'kin, mas okay pa kung gagawin ko ang plano ng wala pa siyang nararamdaman sa'kin. Ewan. Ang g**o ko talaga kahit kailan. Kasalanan 'to ng element na

