Jerome and Dahlia happy ending
Nagpa-alam na muna ako kay Dahlia, may text kasi si Mommy na paparating na sila at gusto ni Mommy na hintayin ko sila sa harapan ng hospital. I know my mom sigurado na bebembangin niya ako ng mura.
Pangiti-ngiti akong lumalakad at pag-angat ng mukha ko ay nakita ko si Daddy na pinipigilan si Mommy na sugurin.
"Tang*na!" Bulaslas ko nalang na sinalubong sila.
"Walang hiya kang adik ka! Kahit kailan talaga hindi ka mag babago! chick boy ka adik ka pa!" Sigaw ni Mommy na gusto akong sugurin.
"Mom, hindi ako adik. Anong pinagsasabi mo?"
"Tignan mo ang itsura mo! dry, ang lalim ng mata , ngumi-ngiti ka mag-isa at ang laki ng binagsak ng katawan mo!"
"Judgmental ka din mommy." Mahinang sagot ko na napakamot sa aking buhok.
"Tignan mo, adik ka nga talaga pati buhok mo ang haba! ipaparehab kita!" Sigaw pa niya at hiyang-hiya na ako sa mga biyenan ko na napapangiwi.
"Ano sinaktan mo ba si Dahlia!" Sabi pa niya na hindi maawat ka dadakdak
Hindi ko siya sinagot at mabilis niya akong sinipa.
"Aray Mommy."
"Kung idedemanda ka nila hindi kita tutulungan. Makulong ka sana g*go!"
"Mahal, pinagtitinginan na tayo." Saway ni Daddy.
"Isa ka pa! kaya naging adik ang anak mo dahil gusto mo nasa tabi mo ako lagi. Ayan tuloy ang anak natin ang nag suffer!"
"Eh hindi ko maka pagtrabaho kung hindi kita nakikita." Sagot naman ni Daddy na inakay na ang Mommy ko papasok sa loob.
"Kumusta si Dahlia Jerome?" Seryosong tanong ng biyenan kong lalaki.
"Baka tulog na po Daddy."
Napayuko ako ng tinignan niya ako ng masama. Sinikap kong hindi nila mapansin unit ng mga Mommy ko sila dinala. Ang Mommy ni Dahlia ang nagbukas ng pintuan at agad silang lumapit kaya nagising si Dahlia. Napansin ko si Daddy na lumibot kanyang paningin sabay tumingin sa akin kaya napangiti ako. Saktong kinuha ang baby namin para ipainit sa araw dahil may konting Jaundice daw ito.
"Anong nangyari saiyo anak, anong ginawa ni Jerome saiyo?" Tanong ni Mommy. Lumapit naman si Daddy sa akin at binulungan.
"Bakit nasa Maternity room kayo anak?"
Hindi ko na sinagot si Daddy dahil pumasok na ang nurse tulak ang crib ng baby namin. Tulala ang aming mga magulang at naiiyak na natatawa ako sa itsura nila. Nilapitan ko si Dahlia at nag apir kami dahil nakaganti din kami sa aming mga magulang. Natawa nalang ako ng hinila ni Mommy ang kumot ni Dahli, medyo malaki pa kasi ang tiyan ni Dahlia kaya halata na kapapanganak lang niya.
Habang si Daddy ay mabilis na nilapitan ang crib at binasa ang pangalan ng bata sa Crib. "Jerome Bautista JR!" Malakas na bulalas niya at nag-unahan na sila na kunin ang baby namin sa crib. Kahit malayo si Mommy ay siya ang nakaunang bumuhat sa kanyang apo.
"Ang apo ko, kamukhang-kamukha mo anak!" Sabi niya na umiiyak.
"Akala ko ba adik ako Mommy?" Natatawang sambit ko na lahat ng pagod ko ay nawala. Sa sabado lang ako nakakatulog ng 6 hours sa anim na araw ay puyat ako lagi mula nang nalaman kong buntis si Dahlia.
Kulang ang pagtratrabaho ko sa araw kaya kahit sa gabi hanggang alas doss ng umaga ay nag oovertime ako. Mabuti nalang at malakas ang aking resistensya at hindi ako nagkasakit.
Pagkatapos ng dalawang oras ay humupa na ang aming mga magulang at ang dami nilang tanong. Isa-isa kong sinagot lahat dahil nakatulog na ang aking mag-ina.
"Oh my God, we are sorry Son. Gusto lang naman namin na tumayo kayo sa sarili ninyong mga paa." Sagot ni Mommy na niyakap ako.
"From now on lumipat na kayo ng mas malaking unit sa taas. 3 bedrooms iyon para may tutulugan ang inyong makakasama sa bahay at ibabalik ko na ang iyong mga cards. Quit your job at mag-aral ka rin." Sabi ni Mommy at tinapik ako sa balikat ng Daddy ni Dahlia.
"Thank you." Sabi niya na nakangiti na sa akin at ang mommy ni Dahlia ay mahigpit akong niyakap.
Natawa nalang ako kay Mommy dahil nagkunwari siyang may sakit para mag stay din siya sa hospital. Sila na ang bahala sa kanilang apo habang ako ay pinatulog nila sa tabi ni Dahlia.
Dalawang araw lang kami sa hospital at pagbalik namin sa condo ay sa may malaking unit na kami dumeretso. Ang mga kagamitan ni Jr ay dumami at may kasambahay na rin kami.
Para maalagan at matulungan nila kami ay binili ng Parents ni Dahlia ang katabi naming unit. Agad din ikinuwento ng Mommy ni Dahlia ang nangyari kay Clarabelle. Bigla daw silang naglaho sa probinsiya at hindi niya alam kung nasaan na ito. Inalok nila na tumira sila sa kanilang bahay pero tinanggihan daw ni Clarabelle.
"Sana ay ligtas ng bestfriend ko Mommy." Malungkot na sambit ni Dahlia.
"Mabait at walang kalaban si Gob, sigurado ako na may tumulong sa kanila." Sabat naman ni Mommy.
Napahinga nalang ako ng malalim at kahit wrong timing ay kinuha ko na ang box sa aking bulsa na pinag-ipunan ko din hindi man milyon ang halaga importante ay ikakasal na kami ni Dahli.
"Dahlia, will you marry me?' tanong ko na nakatayo.
"T*nga, lumuhod ka hindi ganyan!" Bulaslas ni Mommy kaya napailing nalang ako na mabilis an lumuhod habang tawang-tawa ang mga magulang ni Dahlia.
"Oo naman." Naiiyak na sambit ni Dahlia at mabilis na tumayo ako at hinalikan ang kanyang labi.
"Hay naku Jerome, isuot mo muna ang singsing bago ka humalik!' Sambit na naman ni Mommy na pakialamera.
"Halika na nga ang ingay mo!" Saway ni Daddy at pinuntahan ang kanilang apo sa sala.
Binati ako ng mga magulang ni Dahlia at pagkalipas ng isang buwan ay ikinasal na kami sa judge.
"Jerome, hindi pa pwede sabi ng doctor after 3 months daw pagkatapos manganak.
"Babe naman, dahan dahanin ko naman. Hindi pwede na wala tayong honeymoon sa unang gabi na mag-asawa tayo."
"Dinudugo pa ako."
"Sa pwet nalang kaya." Pagbibiro ko at kinurot niya ako.
Buong gabi nalang kami magka-yakap ng asawa ko, ang baby namin ay kinuha ng aking mga magulang dala ang maraming gatas ni Dahlia na naipon niya. Masaya na ako kahit ang aga kong maging ama kung ganito naman kaganda ang magiging Ina ng mga anak ko. Hinalikan ko ang labi ni Dahlia na mahimbing ang tulog at napangiti ako dahil nabasa ko sa google na hindi 2 weeks na lang ang hihintayin ko at hindi 2 months. Sigurduhin kong masundan ang aming baby lalo na at supportado na kami ng aming mga magulang. Hindi uso ang famili planning sa tt kong excited.