Dahlia's point of view
Nagising akong wala nang katabi, napahikbi ako dahil na scam ako ni Jerome. Hindi nga ako dinugo pero ang sakit ng buong katawan. Puro siya last kagabi hanggang sa nawalan nalang ako ng malay. Tas ngayon ay iniwan nalang niya ako basta. Hirap akong bumangon at deretso sa banyo.
Pagpasok ko ay may papel na nakadikit sa salamin na agad kong binabasa.
Good morning delicious babe,
Umalis ako ng maaga para itinda ang aking telepono. May bumili agad kaya nakabili na ako ng breakfast at lunch mo. May pera din na nasa mesa para kung may gusto kang kainin ay mabili mo. Kumuha lang ako ng pangkain ko din habang maghahanap ako ng trabaho. Ikaw na ang bahala sa pera. I know na masakit ang buo mong katawan kaya magpahinga ka lang.
Take care and see you soon..
Gwapong umangkin saiyo dahil ang sarap mo,
Jer jerome
"G*go!" Sambit ko na may kasamang ngiti.
Mabagal man ang aking kilos pero nakaligo ako at dahan-dahan lang akong lumakad papunta sa kusina. Nakita ko agad ang pagkain at pera. Ang pera ang unang kinuha ko at agad akong tumawag sa isang move it driver para bilhan nila ako ng marshmallow. Ang gusto ko ay rainbow at nagpabili din ako ng chocolate para gawin kong fondue.
Fast food ang binili ni Jerome kaya napangiwi ako, ayoko ng mamantika kaya ang tira naming kanin kagabi ang kinain ko lang. Pumunta na ako sa sala at hinintay ang aking pinabili.
Napahiga ako at hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako, nagising nalang ang na may nag doorbell. Agad akong napatingin sa cell phone ko at may mga tawag na pala ang delivery driver.
"Aray ko!" Sambit ko pa nang bigla akong tumayo.
Binuksan ko ang pintuan at agad na iniabot sa akin ang pinabili ko. Binigyan ko na din ng tip si Kuya dahil pinaghintay ko siya. Limang supot ang aking pinabili, excited kong pinalambot ang chocolate at pagkatapos ay dinala ko sa sala.
Pumili ako ng movie at habang kumakain ng marshmallow fondue. Hindi ko namamalayan na naubos ko ang tatlong plastics kaya parang naduduwal na ako. Agad akong pumunta kusina na may malapit, nag suka ako ng nag suka hanggang sa nanghina ako at nawalan ako ng malay.
Nagising nalang akong hawak ni Jerome ang aking kamay.
"Anong nangyari?" Tanong ko na hinang-hina.
"Nawalan ka ng malay, hinihintay ko lang ang mga test na ginawa saiyo. Anong nangyari? hindi ba sinabi ko na kumain ka? bakit hindi ko kinain ang binili kong pagkain?
"Kumain naman ako ng kanin, ayoko kasi ng manok. Malansa at mamantika."
"Kaya marshmallow at chocolate ang linantakan mo? diabetic ka ba?"
"G*go hindi ako diabetic." Agad na sagot at pumasok na ang isang doctor at nurse.
"Mabuti at gising kana misis, congratulations your 8 weeks pregnant."
Pareho kaming nagulat ni Jerome. Buntis pala ako at ngayon ko lang alam. Maraming sinabi ang doctor na bawal sa akin dahil medyo mataas daw ang sugar at cholesterol ko sa aking katawan. Napakagat ako sa aking labi dahil noong nasa bahay kami nina Jerome ay kain at tulog lang ang ginawa ko. Neresetahan ako ng mga gamot at bitamina na rin pagkatapos ay pina-uwi din ako agad.
Pagdating namin sa bahay ay pareho kaming tahimik ni Jerome.
"Jerome, paano kita ipagluluto bawal akong tumayo ng matagal? Wait tatawagan ko lang si Mommy."
"Huwag kang mag-alala ako na ang bahala sa lahat, sabi ng doctor ay mag bed rest ka at dahan-dahan ang iyong paglalakad. Tsaka nalang natin ipaalam sa ating mga magulang kung nailabas na ang baby natin para maka ganti man lang tayo sa pagpapahirap nila. Mabuti at may nahanap na akong trabaho at sa bahay lang ako. Magaling ako sa computer kaya maalagaan kita. We can do this babe kaya ilista mo na ang mga gusto mong kainin at bibili na ako then hanapin ko sa you tube kung paano lutuin."
Napangiti ako sa sinabi ni Jerome at may pahalik pa siya sa labi ko. Bwesit kinilig ako ng mga lima. Lumipas ang mag araw at buwan ay naka survived naman kami. Umaga palang ay ginigising niya ako para maglakad pagkatapos pag-uwi namin ay magluluto siya at masarap na siyang magluto.
Pag nap time ko na ay tsaka siya magtrabaho, sa ilang buwan na pag-aalaga ni Jerome sa akin ay nahulog na ng tuluyan ang loob ko. Once a month lang kami magsiping pero ilang rounds naman at very romantic hindi gaya noong una at pangalawa na talagang bira siya ng bira.
"Jerome, sumasakit na ang tiyan ko." Sambit ko na napatayo at napahawak sa aking tiyan.
"Sabi ko naman kasi saiyo huwag kang ma stress, next week pa ang due date mo."
"Naawa kasi ako sa kaibigan ko, nasunog ang hacienda nila at may lumabas pa na scandal. Kilala ko si Clarabelle alam kong hindi niya magagawa iyon." naiiyak na sambit ko at mas humilab ang aking tiyan.
"Arayyyy ko Jerome, masakit na talaga!" Mas lumakas na iyak ko, agad na tumawag si Jerome ng taxi. Malapit lang naman ang hospital kaya hindi ako pumayag na ambulansya ang kanyang tatawagan.
Nakarating kami sa hospital at pagkalagay nila sa akin sa hospital bed ay lumabas na ang aming anak na lalaki. Hinang-hina ako kaya nakatulog ako agad pagkalabas ng baby namin na hindi ko man lang nakita kung sino ang kamukha.
Pagkagising ko ay narinig ko ang iyak ng aking anak.
"Jerome." Mahinang sambit ko.
"Wait, Mommy gutom si baby nagpakuha ako ng gatas niya." Naghintay ako saglit at dumating ang nurse na may dalang gatas.
Pinanuod ko si Jerom ng pina inum sa maliit na botelya ang aming anak.
"Mommy, huwag mo akong titigan ng ganyan at baka masundan agad ang baby natin, alam mo naman na dapat mamayang gabi ang schedule natin." Sambit niya na may halong panunukso, alam kong namula ang aking mukha sa sinabi niya.
"Tinawagan mo na ba ang mag magulang natin?"
"Oo, sinabi ko na dinala kita sa hospital. Pinagalitan nila ako ang akala nila ay may ginawa akong masama saiyo." Natatawang sambit ni Jerome.
Napangiti narin ako, ang daming sakripisyo ni Jerome. Hindi siya nag-aral at nag trabaho nalang. Habang ako ay nag home school. Ang alam ng aming mga magulang ay nag-aaral kaming pareho. Sigurado ako na magugulat kung makita nila ang kanilang apo.