KAAGAD umawat si Talita sa dalawa nang magsabunutan ang mga ito! Bumaba na rin si Thomas ng kama at paika-ika na lumapit sa tatlong babae. "Tama na, ano ba kayo?!" pagalit ni Talita sa dalawa. "Get off me!" sigaw ni Gela kay Tanya na mahigpit ang pagkakasabunot sa kanya! "Bitawan mo muna ako at aminin mo ang kasalanan mo!" giit ni Tanya dito. Pagak itong natawa na naningkit ang mga mata kay Tanya. "Hinding-hindi ko aaminin ang bagay na hindi ko ginawa, Tanya!" madiing pagtanggi nito. "So, are you saying me na ako ang nagnakaw ng emerald necklace ng mommy, huh?!" sikmat ni Tanya na nang-uuyam ang tono. Ngumisi naman si Gela. "Bakit, Tanya? Hindi nga ba?" makahulugang pagpaparatang nito. "Ikaw lang naman itong labas pasok dito sa silid nila mommy e. Isa pa, nag-apologized lang ak

