LUMIPAS ang araw na nagpatuloy sa gawain si Leo at Gela. Tila unti-unting nahuhumaling na rin si Leo sa dalaga at nakakasanayan na may namamagitan sa kanila. Ni hindi na ito makadama ng guilt kapag may namamagitan sa kanila ni Gela para sa asawa niya. Dahil walang oras si Tanya para alagaan ito at ibigay ang mga pangangailangan niya. Isang umaga, lumabas si Tanya dahil sumama siya sa kanilang katulong na maggo-grocery. May mga bibilhin kasi itong gamot ng kanilang daddy kaya sumabay na ito sa kanilang katulong. "Saan ba kasi tayo pupunta, Gela? Kumikirot na ang ulo ko dito sa labas," wika ni Talita na napasapo sa kanyang ulo. Pinilit kasi ito ni Gela na lumabas sila. Dahil namimis niya na raw maka-bonding ang ina. Matapos nilang tumambay sa Starbucks ng isang oras, inaya na siya ni Ge

