NANGUNOTNOO si Tanya na mahagip ng pandinig ang bulungan ng mga katulong nila na naglilinis ng garden. Matapos nilang kumain, sinamahan niya ang ama na maglakad-lakad na muna sa labas. Nakasaklay pa ang kanang binti ni Thomas dahil hindi pa ito makatayo na siya lang. "Iba talaga ang kutob ko sa dalawa. Pero kawawa naman 'yong legal wife noh? Biruin niyo, siya itong asawa pero ang tinatabihan sa gabi ay iyong ahas na kasama nila sa bahay," wika ng isang katulong na may pinag-uusapan sila. Inaalalayan naman ni Tanya ang ama nitong maglakad. Pero nahahagip pa rin ng tainga niya ang usapan ng mga katulong nilang naglilinis ng garden. "Napakalandi talaga ng ahas na iyon noh? Hindi na nakuntento sa mga lalake niya sa labas. Nanggigigil ako sa babaeng iyon e. Ang sarap niyang sabunutan. Nap

