MABILIS lumipas ang mga araw. Nakabalik na rin sa Manila ang dalawa. Inihatid pa ni Taylor ang nobya nito sa pamamahay nila Tanya at kinausap ang mag-asawang Miller. Magkasama silang humarap ni Tanya at ipinagtapat na opisyal na silang magkarelasyon. Masaya ang mag-asawa para sa dalawa. Nakikita kasi nila kung gaano kasaya si Tanya at kita rin naman nilang seryoso si Taylor sa anak nila. Kaya walang rason para humadlang sila sa masayang relasyon nila Tanya at Taylor. They're both single at nasa tamang edad na rin naman ang mga ito. “Mommy, magpapaalam po sana ako sa inyo ni daddy para sa weekend,” magalang wika ni Tanya sa kanyang ina. Nasa silid siya ng mga magulang. Nagdala ng gatas para sa mga ito. Nagkatinginan naman si Talita at Thomas. “Bakit, anak? May lakad ba kayo ni Taylo

