PASADO alassais na nang makarating sa mansion si Tanya. Nagpaiwan kasi ito kanina sa kanyang mga magulang dahil marami pa siyang tinapos sa opisina bago umuwi. Napapadalas kasi ang date nila ni Taylor sa gabi kaya natambakan siya ng trabaho. “Baby!” Nagulat ito na muntik pang mapatalon na makita si Leo dito sa garahe ng mansion! Her eyes widen! Napalinga siya sa paligid. Nagtataka na nakapasok ito dito sa mansion nila. “What are you doing here, Leo?” casual nitong tanong na walang kangiti-ngiti. Napalunok si Leo na napatitig sa mga mata nitong walang mababakas na emosyon. “Baby–” “Baby? My name is Tanya, Leo. Please, call me by my name.” Putol ni Tanya. Muli itong napalunok. Kita ang pagdaan ng kirot sa mga mata. “Ano'ng ginagawa mo dito, Leo? May kailangan ka ba?” magkasuno

