MAY ngiti sa mga labing kumaway si Tanya kay Leo nang lumabas na ang sasakyan nito sa gate. Nakaakbay naman si Taylor sa kanya. Nakasunod ng tingin sa kotse ni Leo na lumabas na ng gate. Masaya ito na nagkausap-usap din silang tatlo bago pa ang nabubuong plano niya. Ang mag-propose kay Tanya sa party sa mansion nila sa weekend! “Let's go?” untag ni Tanya na nakaalis na ang kotse ni Leo. Napatingala siya sa nobyo na tahimik at tila malalim ang iniisip. Ni hindi ito sumagot na tila hindi siya narinig. “Taylor, is everything okay?” she asked. Napakurap-kurap si Taylor na marinig ang boses nito. “Ha? Ano iyon, sweetheart?” tanong niya na hindi naintindihan ang itinanong ni Tanya sa kanya. Napanguso naman ang dalagang nakatingala sa kanya. Nag-aalala na nakatitig dito at tila may m

