PARANG nakakapanibago ang ihip ng hangin sa Miller's mansion nang bumalik na sila Tanya kasama ang mga magulang nito. Biglang gumaan ang paligid. Walang pangamba sa mga kasama nila at damang-dama ang positive energy na bumabalot sa buong mansion. Tila umaliwalas pa nga ito. Napangiti si Talita. Napapikit na pinakawalan ang isang malalim na paghinga. Pakiramdam niya ay gumaan ang lahat sa paligid niya. Bagay na nawala noong dumating si Gela sa mansion nila. Na tila may negative vibes na bumabalot sa mansion noong sa kanila na tumira si Gela. Pero ngayon na silang tatlo na lamang ulit? Ramdam nilang mag-asawa ang kapanatagan ng loob at isipan nila sa sarili nilang pamamahay. Niyakap ito ni Tanya mula sa likuran na lalong ikinalapad ng ngiti nito. Humawak siya sa kamay ni Tanya na pumulup

