DAHIL sa mga nangyari, pinauwi na ang mga bisita. Naiwan ang pamilya Miller, mga kaibigan ni Gela at si Leo sa venue. "Tanya," hirap na hirap na sambit ni Leo sa pangalan ng asawa nito. Dahan-dahang nilingon ito ni Tanya. Lumarawan ang disappoinment sa mga mata ni Tanya na tumitig ditong naluluha. Bakas ang guilt at pagsisisi sa mga mata ni Leo na tumitig kay Tanya. "I'm so sorry. She seduced me. But I don't love her. I-ikaw ang mahal ko, Tanya." Nanginginig na saad ni Leo na nangungusap dito. Mapait na napangiti si Tanya. Inabot nito ang kamay ni Leo. Napababa naman ng tingin si Leo sa kamay nila. Umaasa na matatanggap pa siya ni Tanya at hindi hihiwalayan. "I'm sorry too, Leo. I tried to love you. Pero. . . hindi ko kaya. Hindi kita mahal. M-may iba na kasing nilalaman ang puso

