MATAPOS kinantahan ng lahat si Gela ng birthday song, masaya itong nag-wish bago hinipan ang candles sa cake nito. Masigabong palakpakan ang nagharing ingay sa venue kasabay ang sabay-sabay na pagbati muli ng mga bisita sa birthday celebrant. Nagsimulang kumain ang mga bisita. Masaya na nagkukwentuhan sa kani-kanilang table. Nasa harapan naman ng stage si Gela. Enjoying her wine while entertaining the other visitors. "Hindi mo ba babatiin si Gela?" pabulong tanong ni Leo sa asawa nito. Tanya pouted her lips. "No need, Leo. Ikaw na lang," sagot nito. Natigilan pa si Leo na napatitig dito. Nagtatanong ang mga mata. "Ako?" "Bakit hindi? Alam mong hindi kami maayos ni Gela ngayon. Kaya ikaw na lang ang bumati sa kanya, hmm?" sagot ni Tanya na tinapik ito sa balikat. Napalunok pa

