PAGDATING nila sa Baguio, tumuloy ang mga ito sa rest house nila Taylor. Pribado ang village at pag-aari ito ng mga Montereal. Nasa tuktok pa iyon ng bundok kaya napakaganda ng tanawin mula sa bahay. Dahil tanaw ang kabuoan ng syudad ng Baguio at ang mga kalapit bayan nito katulad ng La Trinidad. "Are you cold, sweetheart?" tanong ni Taylor na ikinatango nito. "Oo e. Inaasahan ko namang malamig ang klima dito pero. . . grabe. Nanunuot hanggang buto ko ang lamig dito," sagot ni Tanya habang nakahalukipkip na nilalamig. Napangiti naman si Taylor. Iniabot ang isang mug ng kape na ginawa niya para sa dalaga. "Here, drink this, sweetheart. Para mainitan ang sikmura mo," wika nito. "Salamat, Ty." Nakangiting pasasalamat ni Tanya na inabot ang mug mula dito. Kumindat naman si Taylor d

