LUMIPAS ang mga araw. Nagpatuloy si Tanya sa trabaho kasama ang mga magulang. Nakulong naman si Gela dahil sa mga patong-patong na ikinaso ni Talita sa kanya. Lalo na ang pagtatangka nitong pagpatay sa kanilang mag-asawa. "Gela Quizon, may dalaw ka." Wika ng warden sa dalaga. "Sino?" tanong nito na lumarawan ang excitement sa mukha! Hindi sumagot ang warden. Pinagbuksan nila ito ng selda at inakay patungo sa visiting area ng kulungan. Ngunit ang excitement na nadarama nito ay unti-unting naglaho. Maging ang ngiti sa mga labi ay napalis na makita kung sino ang bisita niya. Ang dating kaibigan nito. Si Antonette. "Ano'ng ginagawa mo ditong bruha ka!?" galit na sigaw ni Gela sa dalaga. Kaagad naman siyang hinawakan sa magkabilaang braso ng dalawang jail officer sa akmang pagsugod n

