LAKING dismaya at inis ni Gela nang si Tanya ang opisyal na aampunin ng mag-asawang Miller. Kitang-kita ang inis, inggit at lungkot sa kanyang mga mata sa kaibigan niya. Inaasahan niya kasi na siya ang mapipili. Dahil bukod sa ginalingan niya sa mga palaro ay palaging nakamata sa kanila si Mrs Miller. Iyon pala, si Tanya ang tinitignan nito.
"Galit ka ba?" tanong ni Tanya na kanina pa siya hindi iniimikan ni Gela.
Kumakain na silang lahat sa kani-kanilang mesa. Masaya ang lahat at ini-enjoy ang mga pagkain. Dahil minsanan lang sila magkaroon ng handaan sa orphanage.
"Hindi ako galit, Tanya. Nalulungkot lang ako dahil. . . alam mo namang ikaw lang ang kaibigan ko dito," matamlay at nakabusangot nitong sagot--kahit na ang totoo ay galit siya na si Tanya ang napili.
Lumamlam ang mga mata ni Tanya na nakatitig sa kaibigan niya. Siya man ay nalulungkot na maghihiwalay na sila. Hindi niya inaasahan na siya ang napupusuang ampunin ng mag-asawang Miller. Kaya hindi niya rin napaghandaan ang pagkakalayo nilang magkaibigan.
"Hayaan mo, Gela. Ang sabi naman ni Ma'am Talita, dito na sila maninirahan sa bansa. Kaya pwede kitang dalawin dito kada sunday. Para makapaglaro tayo at makapag kwentuhan ng mga ganap sa atin. Isumbong mo sa akin kapag may umaway sa'yo dito ha? Isusumbong ko sila kina Ma'am Talita." Magiliw na saad ni Tanya na ngumiti sa kaibigan. "Hwag ka nang malungkot, hmm? Dadalawin kita palagi at magdadala din ako ng mga toys at damit ko dito para sa'yo."
Nagpa-puppy eyes pa ito sa kaibigan na unti-unti ring napangiti at tumango.
"Tutuparin mo 'yan ha?" paniniguro pa ni Gela dito na tumango-tango.
"Oo naman. Pangako, Gela. Hindi kita aabandonahin dito."
Matapos nilang kumain, muling nagpatuloy ang kasiyahan para sa mga bata. Kapansin-pansin na naging matamlay na si Gela sa mga palaro. Dahil nakapili na ang mag-asawang Miller ng aampunin nila at iyon si Tanya.
"Tanya, come here!"
Napalingon si Gela at Tanya nang may tumawag dito. Nagkatinginan pa silang magkaibigan. Si Mrs Miller kasi ang tumatawag kay Tanya.
"Sandali lang ha? Babalik ako mamaya," pamamaalam ni Tanya sa kaibigan na tumango.
Malungkot at puno ng selos ang mga mata ni Gela na napasunod ng tingin sa kaibigang tumakbo patungo sa mesa nila Mrs Miller.
"Ano ba ang nagustuhan nila kay Tanya? Mas magaling kaya ako sa kanya." Usal nito sa isipan na nag-iwas ng tingin nang haplusin ni Mrs Miller sa ulo ang kaibigan nang makalapit ito sa kanila.
"Bakit po, ma'am? May kailangan po ba kayo?" magalang tanong ni Tanya sa ginang.
Ngumiti ang ginang na pinaupo ito sa kanyang lap. Nahihiya naman si Tanya at baka mabigatan ang ginang sa kilo niya. Inabot ni Talita ang panyo niya sa handbag niya at pinunasan sa mukha, leeg at likod si Tanya. Pinagpapawisan kasi ito na katatapos lang sumali sa palaro.
"Dapat mommy na ang itawag mo sa akin, Tanya. Para masanay ka na. Paglabas natin dito, ipoproseso na ng abogado ang papeles mo para legal ka naming aampunin at Miller na ang dalhin mong apelyedo mo." Nakangiting saad ng ginang dito.
Nahihiya namang ngumiti si Tanya sa ginang. Ramdam niya kung gaano ito kabait at komportable siya sa kamay nito. Maging ang asawa nito ay mabait din at magiliw sa mga bata.
"N-nakakahiya po kasi e." Mahinang sagot nito.
"Bakit naman nakakahiya? Ayaw mo ba akong tawaging mommy? Ayaw mo ba sa akin?" nagtatampong tanong ng ginang dito na ngumiti at umiling.
"Hindi po sa gano'n. Pero--sige po. M-mommy na ang itatawag ko sa inyo." Sagot ni Tanya na nauutal.
Parang hinaplos sa puso ang ginang at lumamlam ang mga mata na nakatitig kay Tanya. Pakiramdam niya ay napunan na kaagad ni Tanya ang malaking puwang sa puso niya. Dahil dito, naramdaman niyang buo na siya. Na may totoo na siyang anak!
"Thank you, sweetheart. Hayaan mo, pagbubutihan kong maging mommy mo, hmm?" naluluha at nakangiting saad ng ginang na niyakap ito.
MALUNGKOT na nagpaalam si Gela at Tanya sa isa't-isa. Oras na kasi para umuwi ang mag-asawang Miller kasama si Tanya.
Habang nasa kahabaan ng byahe, tahimik lang si Tanya. Nakamata sa labas ng bintana at pinagmamasdan ang mga nadaraanan nila. Katabi nito sa backseat si Talita, nakasandal siya dito at nakayakap naman sa kanya ang ginang.
Nalulungkot ito na iniwan si Gela sa orphanage. Madalas kasi ay magkatabi silang natutulog ni Gela. Kaya ngayong nagkalayo sila, nalulungkot ito. Pakiramdam niya ay nawalan na naman siya ng pamilya sa pagkakalayo nila ni Gela.
“What's wrong, sweetheart? Bakit ang lungkot mo?” tanong ni Talita na hinahalik halikan ito sa ulo.
“Iniisip ko lang po ang kaibigan ko, mommy. Naiwan po siya doon. Ako lang po kasi ang malapit kay Gela. Kaya tiyak kong nalulungkot din siya ngayon na wala na ako doon.” Malungkot nitong sagot na pilit ngumiti sa ginang.
Hinahaplos naman ito ng ginang sa ulo at malamlam ang mga matang nakatitig dito. Kitang-kita sa mga mata ni Tanya ang lungkot at pangungulila sa kaibigan nitong naiwan.
“E ‘di ba, you promised to visit her every sunday? Sa sunday, magkikita ulit kayo ni Gela. Kailangan mo ring makipag salamuha sa iba, sweetheart. Hindi lang si Gela ang maaari mong maging best friend. Lalo na at may bago kang school. Tiyak na marami kang magiging new friends doon.” Pagpapalakas loob ng ginang dito na marahang tumango.
“Salamat po pala sa pagpayag na dadalaw tayo ng orphanage kada linggo, mommy. Malaking bagay po sa amin ni Gela na magkita kami kahit minsan lang sa isang linggo.” Saad nito sa ginang na ngumiti sa kanya at tumango.
“You're welcome, sweetheart. Anak na kita. Kaya kung ano ang gusto mo, susuportahan ka namin ng daddy mo.” Nakangiting tugon ni Talita na pinasandal ito sa kanyang dibdib at niyakap ang bata.
MABILIS na lumipas ang panahon. Tumupad naman si Tanya sa pangako nito kay Gela. Kada linggo ay dumadalaw siya sa orphanage. Nagdadala ng mga pagkain, laruan at mga damit para sa mga kasama lalo na para kay Gela.
Ngunit lingid sa kanyang kaalaman, sa paglipas ng panahon ay lalo pang lumalim ang lihim na inggit sa kanya. Kahit na binabahagian siya ni Tanya ng mga laruan at damit nito ay hindi iyon sapat kay Gela.
She wants more. She wants everything her best friend have. Ayaw niya na binabahagian lang siya ni Tanya. Pakiramdam niya ay nililimusan siya ni Tanya ng mga gamit nitong hindi niya kailangan. Na tagasalo lang siya sa mga sobra ni Tanya. Nakangiti siya kapag kausap ang kaibigan. Pero kapag nakatalikod na si Tanya, kitang-kita ang galit at inggit sa mga mata niya na nakatitig sa likuran ni Tanya
"Siya nga pala, Gela. Ipapaalam sana kita kay sister kung pwede kang makadalo sa kaarawan ko sa friday." Nakangiting saad ni Tanya sa kaibigan nito.
Nasa garden sila ng orphanage at as usual, nagkukwentuhan. Abala naman si Gela na kinakalukat ang bagong bigay na iPhone pro max ni Tanya sa kanya. Hiningi iyon ni Gela sa kaibigan niya. Dahil naiinggit ito sa mga kaklase niyang puro iPhone ang gamit sa school nila.
"Bakit? Ano ba'ng meron sa byarnes?" tanong nito na sa cellphone nakatuon ang attention.
Napanguso naman si Tanya. "It's my eighteenth birthday. Hwag mong sabihing nakalimutan mo?" nagtatampong tanong ni Tanya dito na natigilan.
Nauna siya ng isang buwan kay Tanya. Last month siya nagdebu at enggrande ang naging kaarawan niya. Dahil hiningi niya kay Tanya na gusto niyang magdebu sa orphanage. At dahil mahal na mahal ng mag-asawang Miller si Tanya bilang totoo nilang anak, ibinigay nila ang hiling nito. Hindi maluho sa sarili si Tanya. Pero pagdating kay Gela, mapagbigay ito. Lahat ng gusto ni Gela ay ibinibigay ni Tanya. Kahit ang mga branded na damit nito, shoes at bag na natitipuhan ni Gela ay ibinibigay niya sa kaibigan.
"Ah, oo. Birthday mo na nga pala. Pasensiya ka na, bestie. Excited lang kasi ako dito sa bigay mong cellphone ko. Ang ganda niya. Salamat talaga ha?" tugon ni Gela na matamis na ngumiti sa kaibigan.
Napangiti na rin si Tanya na makitang napasaya niya ang kaibigan niya. Iyon lang kasi ang mahalaga sa kanya. Ang mapasaya niya si Gela para makabawi-bawi siya dito na dito na sa orphanage nagdalaga. May guilt kasi sa puso nito na naiwan ang kaibigan sa orphanage. Habang siya ay buhay prinsesa sa piling ng mag-asawang Miller. Kaya naman bumabawi ito saga hiling at kagustuhan ni Gela. Kahit na kung minsan ay masyadong malaki ang hinihingi nito. Nahihiya siyang magsabi sa kanyang mga magulang. Kaya madalas ay tinitipid nice maski allowance niya sa school para lang makabili siya ng mga gustong ipabili ni Gela sa kanya.
"Pero wala akong maisusuot sa debu mo, bestie." Nakangusong saad nito na pinalungkot ang itsura.
"Marami ka namang dress na babagay sa occasion a. Bago pa naman ang mga binigay ko sa'yong dress." Tugon ni Tanya dito na lihim na napaismid at mura sa isipan.
"Oo nga. Pero. . . gusto mo bang pagtawanan ako ng mga bisita mo kapag napansin nilang hindi bago ang suot ko?" pangungunsensya nito sa kaibigan.
Napahinga ng malalim si Tanya na tumango. "Sige na nga. Ano ba ang gusto mong disenyo ng dress mo at ano'ng kulay?" sumusukong pagsang-ayon nito.
Napalapad naman ang ngiti ni Gela na niyakap pa itong napangiting niyakap pabalik ang kaibigan.
"Thank you, Tanya. You're really my best friend and sister!" bulalas nito na labas sa ilong. "Gusto ko, twinnie tayo ng suot ha? Kung ano ang suot mo, gano'n din sa akin." Aniya pa.
Natigilan si Tanya at napangiwi sa isipan. Pero hindi nagpahalata at sumang-ayon na lamang sa kaibigan.
"S-sige. Sasabihan ko si mommy na dalawa ang ipahandang gown sa debu ko. Basta pumunta ka, hmm?" wika ni Tanya ditong ngumiting tumango-tango.