Chapter 3

1833 Words
DUMATING ang kaarawan ni Tanya na ginanap sa kanilang hotel. Kilalang negosyante ang mag-asawang Miller. Dumalo ang mga kasosyo nila sa negosyo at mga kalapit na kaibigan. Inimbitahan din ni Tanya ang ilang classmates nito na malapit sa kanya. “I don't like that girl.” Ani ni Talita habang nakamata sa anak niya at kaibigan nitong si Gela. “Huh? Sino, hon?” naguguluhang tanong ng asawa nitong si Thomas. Napaismid ang ginang na sumimsim sa wine nito. Nakamata naman dito si Thomas. Naghihintay ng sasabihin ng kanyang asawa. “Our daughter's best friend, hon. Noon ko pa ito napapansin pero tahimik lang ako. Dahil ayokong masaktan ang anak natin. But this time? This is too much. Look oh? Pareho talaga sila ng gown ng anak natin? Inaagawan niya ng spotlight ang anak natin sa debu nito. Akala niya siguro ay hindi ko alam ang ginagawa ni Tanya para sa kanya. Gosh, Thomas. Sa kanya na napupunta ang mga para sa anak natin. At hindi iyon kusang ibinibigay ni Tanya kundi–she’s asking for it. For the past five years, siya ang mas nakinakabang sa mga binibili natin na para sana kay Tanya. Sumusobra na siya. Kulang na lang ay hingin niya sa anak natin na magpalit sila ng pwesto.” Saad ng ginang na hindi maipinta ang mukha. Noong una ay balewala lang sa kanya na tinutulungan at nireregaluhan ni Tanya si Gela. Dahil matalik nitong kaibigan si Gela. Pero lately ay napapansin ng ginang na kada dalaw ni Tanya sa orphanage, dala-dala nito ang ilang regalo. Mga branded bags, make-up kit, sandals, at clothes na hiningi ni Gela. Nalaman din niya na nagpabili si Gela ng bagong release ng iPhone pro max. Kaya hindi ginalaw ni Tanya ang allowance niya ng isang linggo para mabili niya ang cellphone. Likas na matulungin at maawain si Tanya. Lalo na sa mga nangangailangan. Malambot ang puso ng kanilang anak. At iyon ang sinasamantala ni Gela na best friend nito. Hindi naman nakikita ni Tanya na pinagsasamantalahan na siya ni Gela, dahil kapatid ang turing niya dito. “Hayaan mo na, hon. Ang mahalaga naman ay masaya ang anak natin e.” Tugon ni Thomas na inakbayan ang asawa nito. Nagsimula na kasi ang party ng dalaga. Nasa harapan ito at katabi niya sa mesa si Gela. Dapat sana ay si Tanya lang ang naroon sa harapan. Pero dahil umarte si Gela na natatakot siya at nahihiya dahil walang ibang kakilala sa mga bisita, pinagbigyan ito ni Tanya na samahan siya sa table nito sa harapan. Napailing naman ang ginang na inubos ang wine nito. Naiinis pa rin siya at mainit ang ulo sa dalagang kaibigan ng anak nila. Ramdam na ramdam nitong pinaplastik lang ni Gela ang anak niya. At sinasamantala ang kabaitan ni Tanya. Hindi nila tinitipid si Tanya dahil gusto nilang ibigay ang lahat ng gusto at kailangan ng kanilang anak. Pero heto at tinitipid ni Tanya ang sarili niya dahil inuuna nito ang mga kailangan ni Gela. Sinusulot nito kung ano ang mga para kay Tanya. Linggo-linggo na lang may mga ipinapabili o hinihingi ito kay Tanya at hindi biro ang presyo ng mga iyon! "Natatakot lang ako, hon. Paano kung sa susunod, condo o kotse na ang hingin niya sa anak natin? Oh my God, I can't believe our daughter has a friend like her. She's a golddigger." Litanya pa nito na naiinis. NAPATUWID si Tanya nang ianunsyo ng host ng party na isasayaw na ito ng mga lalakeng napiling magdadala ng 18 roses para sa kanya. Nauna sa pila ang kanyang ama-- si Thomas Miller. Napangiti ito na nakamata sa kanyang ama na may dalang red rose at lumapit sa gawi ng dalaga. Naiwan naman sa mesa si Gela. Nakasunod ng tingin sa kaibigan at kita ang inggit sa mga mata nito sa buhay na meron si Tanya. "Happy birthday again, my dear daughter. May I have your first dance?" nakangiting saad ng ama nito. Inabot ni Tanya ang rose at kamay ng kanyang ama na may matamis na ngiti sa mga labi. "Thank you po, dad." Nakangiting pasasalamat nito na nagpatianod sa kanyang ama. Naglakad sila sa gitna ng bulwagan. Lights turned into neon. Pumailanlang ang malamyos na musika sa buong venue ng hotel at nagsimulang sumayaw ng sweet dance ang mag-ama. Sa nakalipas na limang taon na pananatili ni Tanya sa poder ng kanyang bagong mga magulang, wala silang naging pagtatalo. Masunurin si Tanya at magalang. Hindi niya rin binibigo ang mga expectations ng mga tao sa kanya. Palagi siyang top sa klase at higit sa lahat? Hindi ito mabisyo at mabarkada. Nagdalaga ito na bahay, school, church at sa orphanage lang umiikot ang buhay. Pagkatapos ng skwela nito, umuuwi na ito sa bahay. Nagre-review kahit wala silang upcoming exam. Sa weekend naman ay nasa bahay lang din ito. Sa linggo lang ito lumalabas. Nagpupunta muna sa church na malapit sa orphanage bago tumuloy sa orphanage. Nagdadala ng mga pagkain sa mga kasamahan doon at kung ilang damit. Naging malapit din siya sa mag-asawang Miller. Dahil kahit hindi nila ito totoong anak, anak ang turing sa kanya. Likas na mabait at matulungin ang mga magulang niya. Kaya hindi niya binibigyan ng problema ang mga ito. "How's your night, sweetheart? Nagustuhan mo ba ang party namin para sa'yo?" tanong ni Thomas sa dalaga habang marahan silang sumasayaw sa gitna ng bulwagan. Ngumiti at tumango si Tanya. Naigala pa ang paningin sa buong venue. Puno ng iba't-ibang imported na bulaklak ang venue. May mga lobo, at naglalakihang chandelier na disenyo sa gitna ng bulwagan. Sa harapan ang mini stage kung saan nakapwesto ang kanyang mesa. Naroon ang maraming regalo para sa dalaga at napakaganda ng LED monitor sa stage kung saan nakalagay ang larawan nito na may nakasulat na 'Happy 18'th birthday, Tanya Miller!' "Sobra po, daddy. Napakaganda po ng venue at nakakalula. Salamat po ha? Dahil ipinaranas niya sa akin ng mommy ang gan'to kagarang kaarawan," nakangiting saad ni Tanya na nagniningning ang mga mata. Napangiti naman si Thomas na hinaplos ito sa ulong napasandal sa balikat ng kanyang ama na may ngiti sa mga labi. "Anything for you, sweetheart. Alam mo namang nag-iisa kang anak namin ng mommy mo. Masaya kami na makitang masaya ka. Dahil wala kaming ibang hinahangad ng iyong ina kundi ang maging masaya ka, anak." Tugon ni Thomas na magaan itong niyakap at hinagkan sa ulo. Matapos sumayaw ang mag-ama, sumunod na ang ibang binatang bisita na sunod-sunod isinayaw ang birthday girl. Magiliw na nakipag-entertain si Tanya sa mga ito habang pinapanood sila ng lahat–kabilang na si Gela. Naiinis at naiinggit ito kay Tanya. Dahil kahit grande din naman ang debu niya last month, ‘di hamak na triple ang ganda at garbo ng debu party ni Tanya sa kanya. Higit sa lahat? Puro mayayaman ang mga bisita nila at sa five-star hotel ito ginanap! Kumikinang sa karangyaan ang buong venue. Elegante ang lahat at nagmamahalan din ang mga regalo nila para kay Tanya. Ang gugwapo rin ng mga binatang isinayaw si Tanya ng sweet dance sa gitna ng bulwagan habang pinapanood sila ng mga bisita at pinupuri kung gaano kaganda si Tanya. Panay ang tungga nito ng wine. Mag-isa lang kasi siya sa mesa na mesa ni Tanya. Walang kumakausap sa kanya maski ang mga magulang ni Tanya. Ramdam niyang malayo ang loob ng mga ito sa kanya. Na hindi nila ito gustong maging kaibigan ni Tanya. “Hi, I'm Leo Stefan. Happy birthday, Ms Tanya.” Malambing saad ng baritonong boses ng binata na pinakahuli sa mga magsasayaw kay Tanya. Napalunok si Tanya na biglang kumabog ang dibdib. Sa lahat ng mga nakipagkilala sa kanya at nangisayaw sa kanyang nagugwapuhang binata ngayon gabi, itong paghuli ang pinakagwapo sa paningin niya. Ibang-iba rin ang dating nito sa kanyang puso na unang beses bumilis ang t***k dahil sa isang lalake! “T-thank you, L-leo.” Nauutal nitong sagot na inabot ang red rose na iniabot ng binata. “Mas maganda ka pa pala sa malapitan, Ms Tanya.” Bulong nito na marahang yumapos sa baywang ng dalaga. Napalunok si Tanya sa sexy at lalim ng baritonong boses nito. Idagdag pang nakakalunod ang mga titig at ngiti nito na kahit sinong babae ay madadala. Napasinghap si Tanya nang marahang pisilin nito ang kanyang baywang. Hindi naman iyon mapapansin dahil bukod sa neon ang ilaw, nasa gitna sila ng bulwagan. Napatingala ito sa binata. Nangingiting nakatunghay sa kanya at kinakabisa ang maganda niyang mukha. Hindi niya tuloy maiwasang pamulaan ng pisngi na matiim na nakatitig ang binata sa kanya. “Are you comfortable, Ms Tanya?” tanong pa nito. Tumango ang dalaga na pilit ngumiti. “O-oo. Saka, hwag mo na akong tawaging Ms, parang magkaedaran lang naman tayo.” Nauutal na sagot ni Tanya ditong sumilay ang pilyong ngiti at yumukong bumulong sa dalaga. “I'm older than you, hindi lang halata. Pero kung ayaw mong tawagin kitang Ms Tanya, e ‘di. . . Misis Tanya ko na lang, what do you think, hmm?” pabirong tanong nito na ikinangiwi ni Tanya at hindi nakaimik. Mahina itong natawa sa naging reaction ng dalaga. Kung ibang babae lang kasi ito ay napairit na sa kilig at sinabayan siya sa kanyang biro. Pero iba ang dalaga. Bukod sa kitang mahiyain ito, halatang inosente pa ito at walang karanasan. Unang kita niya pa lang kanina sa dalaga ay alam niya sa sariling birhen pa ito. At masaya siya dahil siya ang pang-18 sa mga magbibigay ng roses sa birthday celebrant. “Uhm, pwede na ba akong maupo? Nangangawit na kasi ang mga binti ko e.” Nahihiyang tanong ni Tanya. Mataas kasi ang heels na suot nito. Kanina pa siya isinasayaw at nangangawit na ang kanyang mga binti. “Sure, do you want to share our table? Or let's go to the garden to breathe some fresh air,” alok pa nito na inilingan ng dalaga. “Salamat na lang, Leo. Okay na ako sa mesa ko, naghihintay ang kaibigan ko doon e.” Tanggi ni Tanya dito na marahang tumango at pilit ngumiti sa dalaga. Maingat na inalalayan ni Leo si Tanya patungo sa mesa nito sa harapan. Napatayo naman si Gela at napalunok na mapatitig sa binatang nakaalalay kay Tanya. Bumilis ang kabog ng dibdib nito na natulala kung gaano ito kagwapo! "Uhm, okay na ako dito, Leo. Salamat," wika ni Tanya na ipinaghila pa siya ng silya ng binata. "A'right. I'll be watching you, Tanya." Nakangiting saad pa nito na ikinatango na lamang ng dalaga. Napansin naman ni Tanya na nakatitig si Gela dito kaya ipinakilala niya ang kaibigan. "Ah, siya nga pala. Leo, siya ang best friend ko, si Gela." Wika ni Tanya na ipinakilala ang kaibigan. Kaagad namang naglahad ng palad si Gela na matamis na ngumiti sa binatang kiming ngumiti at inabot ang kamay nito. "Hello." "Hi, it's nice to meet you, Leo." Agarang tugon ni Gela na halos hindi na bitawan ang palad ng binata!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD