MABILIS kumalat ang agam-agam sa social media na nag-propose na ang isang kilalang modelo at actor na si Taylor Montereal sa secret girlfriend nito! Ang mga fans niya ay inaasahan na isa sa mga naka-love team ni Taylor ang nobya nito. Isang linggo bago ang nalalapit na pagpapakasal nila Tanya at Taylor, dinalaw ni Tanya ang dating kaibigan nitong nakakulong– si Gela. Habang nakaupo sa waiting area ng kulungan, naigala ni Tanya ang paningin. Maraming preso ang naroon, dinadalaw ng mga mahal nila sa buhay. Mapait itong napangiti na nangilid ang luha. Kahit malaki ang galit niya kay Gela, may parte pa rin sa puso niya ang nasasaktan dahil trinaydor siya ni Gela at pinagtangkaan paslangin ang mga magulang na nag-aruga sa kanya. Idagdag pang niloko ni Gela ang mga magulang niya para makalab

